-
DITHARD Short's pov
Pag uwi ko sa bahay ay galit na mukha ng asawa ko ang nakikita ko.. Pag lapit ko sa kanya ay s'yang malakas na sampal sa'kin.
"Hon? ba-bakit?" takang tanong ko dito.
Kinuha nito ang cellphone niya at pinakita sa'kin ang video na hindi ko alam na paano ito naka rating sa kanya.
"Sabihin mo sa'kin? nag ta-trabaho ka bilang isang mafia? at dinamay mo pa ang anak ko!?" nag ngingit-ngit sa galit nitong tanong.
"H-hindi yan totoo! tampered yan marami may kaya niyan!" umiling ako ng marami at nag umpisang dagain ng takot.
"Nag sisinungaling ka. Kilala kita! umalis kana sa trabahong yan!" sigaw nito at nilayo niya ang sarili niya sakin.
"Hindi pwede papat*yin nila ako kapag tumiwalag ako.." yumuko at naikuyom ko ang kamao ko.
"Kaya hahayaan mo na lang? tapos kami? mag babayad na rin sa kasalanan mo? siguro sa ngayon wag na muna tayo mag sama ayoko mabawasan ang anak ko." sabi nito at tinalikuran na ako at lumakad palayo.
Naisip ko agad ang banta ni miss flame.
Lalo akong nagalit dahil doon ito ang pumat*y sa anak ko.
"Pag babayarin kita." bulong ko.
-
FLAME
Napa ngisi ako ng masabi sakin
ni onze ang balita na iniwan si dithard ng asawa nito. Mas maganda iyon kesa madamay ko sila.
Maaring kaya ko pumat*y ng buong angkan pero hindi ng paslit. Hindi ako ganun kasama pero wag akong pilitin.
"Ate sino po hinihintay natin?" tanong ni winter habang naka sakay kami sa land rover.
"Ang ate sky, winter siya ang hinihintay natin." sabi ko dito at nag hikab pa.
Dahil alas singko pa lang nambulabog na si ate. Sabi niya nasa eroplano na sila pasakay na.
Anong oras na? alas otso ng umaga dinaan ko pa school sila winter at crystal pero wala ang dean so bukas na lang.
"Ate ayun may babaeng kamukha ni kuya storm at thunder." kalabit ako ni winter at tinuro ang babaeng palabas at nakita ko si ate at may apat itong batang kasama.
Nang marealize kong mga mukha nito. Napa nga-nga ako dahil doon at agad lumabas.
Wag mo sabihing quadruplets anak nito?
"Ate sky!" tawag ko dito na mabilis na lumingon.
Nanlaki ang mata nito at tumakbo agad palapit sa'kin.
Nang makita ko ang gagawin nito.
"Oh sh*t wa--" huli na dahil dinambahan na ako nito na kinaupo ko sa semento at pinumpong ako halik sa buong mukha ko.
"Oh my god! my flamie.. i miss you so much!" sabi nito at walang tigil sa pag halik.
"Mommy kami din we want hug!" sabi ng maliliit na boses.
Naramdaman ko na may sumakay sa hita ko at yumakap mula sa likod.
"King*na naman talaga. Layo na! ang bigat may sugat ako sa hita ate!" ines na saway ko dito na agad naman lumayo.
Kaso kala ko makaka hinga na ako pero pumalit yung apat na bata.
"Kami din po." sabi ng batang babae at yumakap ng mahigpit.
"Hahaha kilala ka nila eh.. Kids enough na mamaya na ninyo ihug si tita flamie.." awat ni ate pero yung isang batang lalaki at hindi kumalas.
"Tara na muna sa sasakyan. Wala kayong dalang damit?" tanong ko pansin ko kasing wala silang dala.
"Oo bilhan mo na lang kami." casual nitong sabi kaya napa taas isang kilay ko.
Tumayo na ako dahil wala atang plano kumalas itong bata. Buhat ko parin ito habang yung isang bata na lalaki naka hawak sa laylayan ng damit ko.
"Kids sakay na kayo doon sa black car na iyon." tinuro ko yung sasakyan na dala ko.
At sinenyasan si winter sa loob at crystal.. agad naman silang tumakbo tatlo maliban sa buhat ko.
"Let's go ate mainet na kain muna tayo sa mall." aya ko dito at kinuha ang gamit kong cap at sinuot sa buhat kong bata.
"Ate apat agad anak mo?" tanong ko dito ng maka sakay kami at pinaandar paalis.
Yung bata naman ayaw na sumama sa mommy niya. Kaya hinayaan ko na lang na naka hawak din ngayon sa manibela.
"Eh ginalingan ng tatay nila eh." sagot nito. Kaya napa ngiwi na lang ako.
"Hindi naman sinabi ni kuya na apat pala ang anak niyo?" tanong ko na lang.
"Akala ko alam mo? Sabi niya sinabi niya sayo?" tanong nito pabalik. Kaya umiling ako,
Hindi ko rin maalala na kung may sinabi s'ya
Yung dalawang dalaga sa likod ay tuwang tuwa doon sa tatlong mga bata.
"Ahmm ate ano pangalan nila?" tanong kay ate
"I'm helliot po. " sagot ng batang naka kalong sa'kin.
"I'm herrioté po." sabi nung bata kaninang naka hawak sa damit ko.
" And I'm herrion and s'ya naman si Hermione" pakilala pa ng dalawa.. Lalo akong napa ngiwi at tiningnan si ate na tumatawa.
"Hindi ka naman siguro masama ang loob sa asawa mo matapos ka mag deliver ng apat na bata ano?" tanong ko dito.
Buti mabilis ang utak ko mag ka bisado.
Napailing na lang ako at nang maka rating kami sa parking at s'yang baba nila.
"Hirap kaya nila ilabas. Kaya ayun nagalit ako kay harold." sagot ni ate ng maka labas kami.
Ayaw parin mag lakad ni helliot.
"Yung tatay H din start ng pangalan.. " naiiling kong sabi dito.
Hindi ko nga alam na umalis pala si kuya harold ng bansa o masyado lang akong naging busy.
Hindi naman parte ng mafia si kuya harold minsan lang madalas itong nag manage ng isa sa pitong company namin.
"Kids saan niyo gusto kumain?" tanong ko sa kanila habang akay akay ng dalawang dalaga ang ang dalawang bata at kay ate si hermoine.
"Mcdo!" sagot ng buhat ko.
"No Jollibee!" sagot ng tatlo. Humikbi na lang yung buhat ko at tiningnan ako.
Ang bilis ng luha nito meron agad..
"Okay let's order in Jollibee and mcdo too. Para walang gulo." final na sabi ko at ngumiti naman agad itong buhat ko at niyakap ako ng mahigpit.
"Hahaha mukhang may kakampi si bunso sa tatlong ito." natatawang sabi ni ate.. Tiningnan ko ito at inirapan na lang siya.
Mukhang hindi pa ito nag aaral pero tingin ko matatalino naman sila.
Saka ko na lang aalamin mga ugali ng mga pamangkin ko.
Dumeretso sila sa Jollibee at binigay ko ang isang atm ko at sabi ko bilhin kung anong gusto nilang lahat.
Kami naman ni helliot ay sa mcdo pumunta. Pumila ako at si helliot ang pinapili ko..
Na kyutan sa kanya yung babae kaya.. pinisil ang cheek nito na agad ding namula.
"Baby niyo po miss?" tanong sakin ng babaeng kumakain
"Ah hindi po pamangkin." sagot ko at ngumiti lang.
"Ang cute niya. red hair pa irish ba sila?" tanong ng babaeng isa.
"Yes po yung daddy nila. Nasa lahi nila ang pulang buhok." ngiti kong sagot.
"Ma'am ito na po. Thank you ma'am." sabi ng lalaki at inabot sakin ang inorder ko.
"Salamat din ho. Okay helliot say goodbye na. Balik na tayo kay mommy sky." kalabit ko sa batang busy kalikutin ang necklace ko.
"Ba-bye po." paalam nito habang kumakaway. Nag paalam na rin ako.
Hindi sya tumagil kaka-weve hangang hindi kami nakaka labas.
Ngayon ko lang naramdaman na mabigat siya kung hindi pa nangalay ang kaliwa kong braso.
"Tagal niyo naman?" tanong ni ate.
"Nang chicks pa anak mo." sagot ko at naunang mag lakad yung tatlong bata kumakain ng large fries itong isa naman busy parin sa necklace ko..
"Hahah really? Dapat sing ganda ni ate flamie o kaya nitong dalawang dalagang ito. Crystal and winter right?" tanong ni ate sa dalawa na tumango naman ng sabay.
"Akyat tayo sa taas tapos pilian mo sila ate ng damit then yun bilhin ko." sabi ko at naunang mag lakad..
"Hey girls hawakan niyo ng maigi ang dalawang bata, mall ito." paalala ko sa dalawa ng walang lingunan at sumakay sa escalator..
Kinuha ko ang burger at kinalabit si helliot pero mabilis itong umiling.
"You don't want to eat?" tanong ko sa kanya. Ngumuso ito at tumango
"Why?" tanong ko ulit at tinuro yung ate at kuya niya habang hawak ang fries.
"Ah you want the same like your ate and kuya's eating?" tanong ko ulit at Tumango ito ng marami kaya agad kong kinuha ang large fries din at binigay sa kanya agad naman itong kumain.
So ang siste sa batang to pakiramdaman? hulaan? pakiramdam ko nanakit batok ko doon pa lang..
Pumasok muna kami sa pambatang store ng mga damit lahat pati shoes slippers.
Naupo ako sa tabi at kalong parin itong bata.
Sabi ni ate hindi naman kailangan mamili o mag sukat kasi kabisado niya size ng anak n'ya
But i said bigyan niya ng allowance yung size kahit 2 inches na normal na size. Dahil araw araw nag babago ang size ng bata.
Habang kumakain ng burger natanaw ko ang isang lagayan ng mga sapatos na pambata. Agad kong tinawag yung babae
"Miss may size 6 po kayo nun pambata ganitong edad." tanong ko sa babae sabay turo sa sapatos na W.B o world balance.
"Opo ma'am anong kulay ma'am?" tanong nito sa'kin. Tiningnan ko naman ang mga damit ng pamangkin ko.
"Black, dark green, light blue and baby pink." sagot ko dito.
Agad tinawag ang kasama nito at may kung anong sinabi..
"I like color dark green tita." sabi ni helliot..
So I guess tumama ako. Dahil iyon ang suot niya ngayon dark green kahit ang sando nito sa loob ng jacket niya.
Sasagot na sana ako nang lumapit ang babaeng pinag tanungan ko at ang lalaki na kasama nito.
"Ma'am ito na po." ngiti nitong sabi at pinakita sakin.. Medyo nag dalawang isip ako sa baby pink.
"Ahmm miss pwede po ba paki palitan ito sorry my fault. Babae kasi yung isa sa apat na kambal. "kamot ulo kong sabi dito.
"Haha okay lang po ma'am ano pong design?" tanong nito.
Tumayo ako at binuhat si helliot.
Lumapit ako at sa mga naka display at tiningnan isa isa ng hindi nag sasalita.
Nakita ko ang isang cute na baby pink na may red rose ang butterfly na pareho din ng brand name.
"Here.." sabi ko at tinuro iyon.
"Okay ma'am. Che! size 6 nito W.B baby pink rose and butterfly." sabi nito sa babae na malapit lang din samin.
"Oh? wow limited ito sige meron pa sa loob. Last one pairs nito." masayang sabi ng babaeng si che.
"Ang cute naman niya." sabi nito at hinawakan ang braso ni helliot.
"Hi po I'm helliot po." magalang nitong bati.
"Hello ako si ate jelyn." pakilala ng babae.
Naka ngiti lang ako habang nag uusap sila.
"Hey flamie kala ko iniwan mo kami. Okay na bayaran mo na don." utos nito na kinalingon ko at binigyan ito ng look na seriously??
"Mauna kana sunod ako." sagot ko at binayaran ko na ang mga ito.
Saka sumunod doon agad kong nilapag ang black card ko kasi sa klase at dami binili niya tingin mag stay na talaga sila mansion ng matagal.
Dahil ang dami!
-
DARKNESS ALWAYS COMES BEFORE LIGHT