Chapter 18 - She's back

1146 Words

Ronoel MAAGA akong nagising kinabukasan. Naging maganda kasi ang tulog ko. Sobrang gaan din ng pakiramdam ko, para akong nakalutang sa hangin. Ganito talaga siguro ang pakiramdam kapag in-love. Napapangiti ka kahit walang dahilan. Katatapos ko lang mag-ayos ng sarili. Nakapagbihis na rin ako ng uniform pang-eskwela. Palabas na ako ng aking silid nang tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko muna ito sa aking bag at saka ko binasa. Galing kay Bryson ang text. 'Good morning baby! I'll pick you up in 20 minutes. See you!' Gumuhit ang ngiti sa aking labi nang mabasa ang text ni Bryson. Minu-minuto ako kung i-text ni Bryson. Kahit kagabi na kakahiwalay lang namin ng landas ay nag-text pa ito. Dumiretso na ako ng kusina upang mag-agahan. Naabutan ko pa si Mama sa kusina abala sa paghanda ng bao

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD