Chapter 2 - Sausage

2150 Words
Ronoel Alas nuwebe na nang ako ay makapag-out sa trabaho. Hindi mawala ang ngiti ko habang naglalakad pauwi ng bahay. Sobrang saya ko talaga ngayong araw. This is the best day ever! sigaw ng utak ko sabay taas ng dalawang kamay. Napalinga agad ako sa paligid. Buti na lamang at wala ng gaanung tao kung hindi ay nakakahiya. Pagpasok ko ng bahay ay naabutan ko si Mama at Papa na nanunuod pa ng t.v. Nag-mano ako sa kanila at dumiretso sa aking silid upang makapag palit ng damit. Kinuha ko sa aking bag ang kapirasong papel na ipinabigay ni Bryson kanina. Muli akong napangiti ng mabasa ko ulit ang nakasulat dito. Kinuha ko ang aking diary at inipit ko doon ang papel at ibinalik kong muli sa aking drawer. Kumuha na ako ng damit sa aking drawer. Pajama at t-shirt ang kinuha kong damit pangtulog. Nang makapasok sa banyo ay agad naman akong naghubad at naglinis ng aking katawan. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako ng silid upang kumain ng hapunan. Si Mama na lang naabutan kong nanunuod sa sala, marahil ay tulog na si papa. Dahil maaga pa itong papasada ng tricycle bukas. "Anak kumain ka na lang diyan at ako ay matutulog na," humihikab na sabi sa akin ni Mama sabay patay ng t.v. "Sige po Ma, goodnight!" Sabi ko bago makapasok si Mama sa silid nila ni Papa. Kaagad naman akong kumain at pagkatapos ay naghugas ng plato na aking ginamit. Nag-double check ako ng pinto kung naka-lock na ba ito bago ako tuluyang pumasok sa aking silid. Diretso na akong humiga sa aking higaan at napapatitig sa kisame. Hangga't sa unti-unti na akong hinila ng antok. Dala siguro ng pagod sa pagtatrabaho ay agad naman akong nakatulog. Napabalikwas ako nang bangon sa tunog ng alarm clock. Tinignan ko ang oras mag alas singko na pala ng umaga. Kaagad naman akong bumangon at dumiretso sa banyo upang maligo. Nag-suot na ako ng aking uniporme at lumabas ng aking silid. Nakita ko si Mama na naglalagay ng plato sa mesa. "Good morning po Ma!" bati ko kay Mama habang ako naman ay naupo na at nagsandok ng sinangag. "Good morning anak! Ito na pala ang baon mo naka-ready na," ganting bati naman sa akin ni Mama, sabay abot ng aking baunan. "Salamat po," sabi ko at kinuha ang baunan. Binilisan ko na ang aking pagkain dahil ayaw kong mahuli sa aking klase. Traffic pa naman kapag ganitong araw ng Lunes. Tapos na akong kumain at tumayo na ako. "Alis na po ako Ma, Pa, Kuya!" Paalam ko sa kanila. "Sige anak mag-iingat ka!" Bilin naman sa akin ni Papa. Nagpaalam na ako at nagtuloy-tuloy ng lumabas ng bahay. Sumakay na ako ng jeep papuntang eskwelahan. Malapit lang ang coffee shop na aking pinagta-trabahuhan sa eskwelahan. Kaya naman after ng klase diretso na ako sa coffee shop para pumasok naman sa trabaho. Inilabas ko na aking i.d para ipakita sa guard ng school. "Good morning kuya!" Nakangiti kong bati kay manong guard. "Good morning!" Ganting bati naman ni manong guard sa akin. Pagka-check ng i.d ay diretso na ako pumasok sa university. Sa Chua-Lim University ako nag-aaral at isa akong scholar student. Hindi naman kasi namin afford ang tuition dito. Buti na lamang at nakapasa ako sa exam for scholarship. "Ronoel!" Napalingon ako sa aking likuran. Boses pa lang niya ay alam ko na kung sino ito. Si Maya, ang classmate at friend ko dito sa campus. Siya lang naman ang unang bumati at nakipag-usap sa akin sa unang araw ng pag-pasok ko dito. Kabilang si Maya sa mga mayayaman ko na kaklase. Maganda ito sexy at kikay. Kaya naman kapag kami ang magkasama napagkakamalan akong yaya. Mabait si Maya at friendly. Masaya siyang kasama kaya naman mabilis ko siyang nakapalagayan ng loob. "Ohh! Maya wala bang naghatid sayo? Hingal na hingal ka. Saan ka ba galing?" tanung ko kay Maya nang makalapit siya sa akin. "Nagpababa lang ako sa tapat ng gate. Nakita kasi kitang papasok na eh. Hindi ko naman akalain na napakabilis mong maglakad," hinihingal niyang sabi sa akin sabay akbay sa mga balikat ko na may kasamang pag-irap. "Alam mo na ba ang tsismis?" bungad niyang tanong sa akin. Ang aga-aga tsismis agad ang sasabihin. Tsk! "Ano? " balik tanong ko sa kanya " Usap-usapan kasi dito sa campus na may natitipuhang babae na daw si Bryson," binubulong niyang chika sa akin. Napabuntong hininga na lang ako sa kanyang sinabi. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ni Maya na may lihim akong pagka-gusto kay Bryson. "Saan mo naman yan nabalitaan? Baka naman fake news yan?" tanong ko naman sa kanya. "Syempre kanino pa ba? Eh di sa mga b***h girls na nagkakandarapa kay Bryson. Pero alam mo--" bitin ni Maya sa kaniyang sinasabi "Anu un?" hilig kasi mambitin ng sinasabi eh. Kinakabahan tuloy ako sa susunod niyang sasabihin. "Malakas ang kutob ko na ikaw ang tinutukoy nila na babae," sabi niya sa akin habang nakangiti. "Hay naku Maya isang malaking fake news talaga yang sinasabi mo sa akin. Malabong mangyari na magustuhan niya ako. Malay mo naman may iba pa na babae. 'Wag mo na ako paasahin kasi malabo talaga yun mangyari," depensa kong sabi sa kanya. Pero sa puso ko ay umaasa ako na sana ay totoong ako na lang yun. Nakarating na kami sa aming classroom at umupo sa kanya-kanya naming upuan. Magkatabi lang naman kami ni Maya. Dumating na ang aming professor. "Good morning Ma'am!!!" Sabay-sabay naming bati. Ginugulo ng isip ko ang nga sinabi ni Maya sa akin kanina. Paanu nga ba kung ako talaga yung babae na tinutukoy nila? Sana ako na lang talaga, hiling naman ng isip ko. Walang na-absorb ang utak ko sa lessons ngayong araw. Hanggang sa mag-lunch break ay lutang pa rin ang isip ko. "Hoy! Kanina ka pa wala sa sarili. Okay ka lang ba?!" Pang-gugulat niya sa akin. Kaya agad naman akong napatingin sa kanya. "Oo okay lang ako. May naalala lang," sabi ko sa kanya. Papasok na kami ng cafeteria upang mag lunch. May baon naman ako kaya hindi na ako bibili pa. Hahanap na lang ako ng mauupuan namin ni Maya habang siya ay papunta sa counter upang mag order ng kanyang pagkain. Nakahanap ako ng upuan na bakante malapit sa bintana. Umupo ako at inilabas ang aking baon. Binubuksan ko na ang aking baunan nang dumating si Maya sa table na may dalang tray. Carbonara with garlic bread, at orange juice lamang ang in-order nito. "Ganyan lang ba ang kakainin mo?" tanung ko sa kanya habang sumusubo ng aking baon na kanin at adobong manok. "Oo, alam mo naman na diet ako-" naputol ang iba pa niyang sasabihin ng biglang nagtilian ang mga kababaihan sa loob ng cafeteria. Isang grupo ng mga lalaki ang pumasok. Walang iba kundi sina Bryson, Greyson, Xander, at Lyndon ang campus heartthrob ng university. Mababait naman sila lalo na si Bryson. Hindi naman sila katulad ng iba na mayabang at mga siga. Napatingin ako sa kanila habang naglalakad papuntang counter. Siguro ay bibili na sila ng pagkain. Mayayaman sila ngunit simple lang kung pumorma. Kaya naman mas lalo kong nagustuhan si Bryson dahil sa kasimplehan niya. Hindi rin nila pinagmamayabang ang yaman na meron sila. Tapos na silang umorder kung kaya naman papunta na sila sa pwesto namin. Siguro makiki-share nanaman sila ng upuan. Nililigawan kasi ni Xander si Maya kaya lagi itong nagpapapansin sa aking kaibigan. "Maya papunta na dito sila Xander," bulong ko kay Maya na patay malisya. Hindi niya kasi type si Xander, masyadong choosy. Inirapan niya lamang ang sinabi ko sa kanya sabay lingon sa kanyang likuran. Nakatayo na duon sila Bryson na may kanya-kanyang hawak na tray. "Hi girls!" Nakangiting bati naman ni Lyndon sa amin. Gumanti naman ako ng ngiti sa kanya. "Pwede ba kaming maki-join sa inyo? Wala na kasing bakanteng mesa," nakangiting sabi ni Xander. Napalinga naman ako sa paligid at napaismid nang makita ko na marami pa namang mga bakanteng upuan. Para-paraan lang talaga itong si Xander upang makasama lang si Maya habang kumakain. "Hay naku Xander wag mo sirain ang araw ko," pagtataray na sabi ni Maya kay Xander na may kasamang pag-irap. Ngunit hindi naman siya pinakinggan ni Xander at tuloy-tuloy na itong umupo sa bakanteng upuan katabi ni Maya. Sumunod naman sa kanya sina Bryson at Lyndon. Umirap si Maya kay Xander. Hindi naman ito pinansin ni Xander, may pilyong ngiti pa ito sa kanyang mga labi habang nakatingin kay Maya. Napapailing na lang ako sa kanilang dalawa, nakakatuwa kasi silang tingnan. Hindi ko naman namalayan na umupo sa tabi ko si Bryson kaya bahagya akong napausod ng upo. Bigla tuloy akong nailang nang tumabi siya sa akin. Langhap na langhap ko ang kanyang pabango. Napatingin ako kay Maya at pilyang napapangiti sa akin sabay nguso kay Bryson. Pinanlakihan ko naman siya ng mata dahil baka mahuli siya sa kanyang ginagawa. Tahimik kaming kumakain. Samantalang si Xander ay hindi mapakali, panay ang tanong kay Maya kahit hindi naman siya pinapansin nito. Nakangiti akong nakatingin sa kanila ng bigla may naglagay ng sausage sa plato ko. Napataas ang kilay ko at napalingon kay Bryson "Sayo na lang. Sobra pala yung nabili ko," sabi niya sa akin. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa nila Lyndon at Xander. "Bro, para-paraan ka rin eh. Dalawa naman talagang sausage ang inorder mo," natatawang wika ni Xander kay Bryson. Nabaling ang tingin ko kay Bryson at kita ko ang panlalaki ng mata niya kay Xander. Napalingon si Bryson sa akin kaya naman nakaramdam ako ng hiya at napayuko na lamang. Pakiramdam ko namumula ako sa sobrang kilig. Napasulyap naman ako kay Maya na halatang pigil na pigil ang pagtawa. Sinipa ko ang paa niya sa ilalim ng mesa at pinanlakihan siya ng mata. Matapos kumain ay agad ko namang niligpit ang aking baunan at ibinalik sa aking bag. Sabay-sabay na kaming tumayo. "Salamat nga pala sa sausage," nakayuko kong wika kay Bryson bago ako umalis. "You're welcome," sabi naman niya sa akin. Hindi ko na siya sinulyapan pa dahil pakiramdam ko pulang-pula na ang aking mukha. Kaagad ko namang hinila si Maya paalis ng cafeteria. "Bye girls!" Dinig kong paalam nila Xander at Lyndon. Gusto kong magtatatalon sa kilig at tuwa. Kung pwede nga lang itago ang sausage ay gagawin ko para dalawa na ang remembrance ko galing sa kanya. Pagkalabas namin ng cafeteria dumiretso kami sa may likod ng campus. Nang nakarating kami dito sa likod ng campus hindi na namin napigilang tumalon-talon at tumili ni Maya. Dahil sa sobrang kilig na kanina pa namin pinipigilan. "OMG Ronoel! Iba talaga ang nafi-feel ko dyan kay Bryson eh. Ramdam ko talagang may gusto siya sayo!" Kinikilig na sabi niya sa'kin. Maging ako ay kilig na kilig sa nangyari kanina. Simpleng gesture niya lang kasi sa akin ay talaga namang kinikilig ako. "Ako din naman kinikilig sa inyong dalawa ni Xander. Alam mo bagay na bagay talaga kayong dalawa," nang-aasar na wika ko sa kanya. Bigla naman niya akong inirapan sa aking sinabi. "Wag mo nga iniiba usapan. Wala naman akong gusto kay Xander masyado kasing babaero," nakanguso niyang sabi sa akin. Natatawa na lang ako sa mga reaksyon niya. Kaya ang sarap niyang asarin. "Tara na nga at baka mahuli pa tayo sa next subject natin," sabi niya sa akin sabay hila ng aking kamay. Napasunod naman ako sa kanya at dumiretso na nga kami sa classroom para sa last subject namin ngayong araw. Natapos na ang aming klase sa araw na 'to. Napatingin ako sa aking relo, mag-alas dos na pala ng hapon. Napabuntong hininga ako ng malalim. Hays! Isa't kalahating oras na lang pahinga ko. alas kwatro kasi ang oras ng duty ko ngayon sa coffee shop. "Ronoel hindi ka pa ba papasok sa coffee shop?" tanong sa akin ni Maya habang inaayos nito ang kanyang gamit. "Alas kwatro pa ang duty ko. Dito muna ako magpalalipas ng oras at para makapagpahinga na rin," sagot ko naman sa kaniya. "Sige mauna na ako sayo ha. Nag-text na kasi yung driver namin. Nandun na daw siya sa labas ng gate," sabi niya sa akin sabay lapit para yumakap. Gumanti naman ako ng yakap sa kanya. "Bye! Mag-iingat ka," paalam niya sa akin. "Ikaw din, mag-ingat ka!" Nakangiti kong paalam sa kanya sabay kaway ng aking kamay. Ako na lang mag isa dito sa classroom. Wala naman ng susunod na klase kung kaya naman pwede ako tumambay ng matagal dito sa loob. Inilagay ko ang aking bag sa ibabaw ng mesa at ginawa itong unan. Iidlip muna ako bago pumasok. Pumikit na ako at agad namang hinila ng antok. Naalimpungatan ako ng may maramdaman akong may humahaplos sa aking pisngi. Unti-unti akong napadilat ng aking mata at luminga sa paligid, ngunit wala namang tao. Panaginip lang siguro yun, aniko sa sarili. Kaagad naman akong tumayo at lumabas ng classroom.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD