Kasama ngayon ni Wixon sa loob ng mamahaling sasakyan ang kaniyang asawa, biyenan at ang adopted mother niya. Matapos ang ilang oras na pananatili sa isang hotel—upang kumalma muna ang mga ito ay detretso na sila sa balak niyang surpresa. Tiyak siyang kabado ang mga ito lalo pa’t isang kilalang personalidad sa Folmona ang nagmamaneho para sa kanila. “Wi-Wixon, mahal . . . Sa-saan ba talaga tayo pupunta? Bakit parang pamilyar sa akin itong daan na tinatahak natin?” tanong ni Umica na mahigpit pa rin ang hawak sa palad niya. Pansin din niyang kahit tahimik ang kaniyang mga magulang ay tulad din ng tanong ni Umica ang nais sabihin ng mga ito. “Oo nga naman anak. Ngayon na lumampas na tayo sa huling lilikuan ay natitiyak kong isa lamang ang tutumbukin natin,” dagdag pa ni Pandro na panay an