Brain Test Matapos mag-positive ang lahat ng medical test at kung ano-anu pang test na ginawa nila sa katawan ko. Oras na para sa huling test na gagawin nila sa'kin ang brain test. "Sendy huwag kang matakot. Tatagan mo lang ang loob mo." Bilin ni Miss. Jera bago nila ako pinasok sa loob ng brain scanner. May tinurok sila sa'kin. Hanggang sa naipikit ko ang mga mata ko. Gising ang diwa ko kahit nakapikit ang mga mata ko. Ramdam ko ang mga taong abala sa paligid ko. May kung ano-anu silang nilagay sa katawan ko. Nang ipasok nila ako sa scanner. Doon ko pa lang naramdaman ang matinding sakit ng ulo ko. Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa. Parang kinukuryente ang buo kong katawan. Hindi ko magawang igalaw ang katawan ko. Nakakamatay ang sakit. Parang mabibiyak ang ulo ko. Pakiramdam ko