Nagising ako na may humahaplos sa mukha ko. Nang imulat ko ang aking mga mata. Puno ng pag-aalala ang nakikita ko,Tinitigan lang niya ako. Saka muling hinaplos ang buhok ko pababa sa mukha ko. "Kumusta na ang pakiramdam mo?" Malumanay niyang tanong. "Medyo nahihilo ako. Ano bang nangyari bakit nandito ako sa kwarto nasa klase ako kanina." Kunot-noo kong sabi. Nilingon niya sina Fleigh at Hera na nasa gilid ng kama. Saka bumuga ng malalim na paghinga. "Isang linggo kang tulog Sendy. Nag-alala kami ng husto sa'yo. Simula n'ong nahimatay habang nasa klase tayo. Normal lahat ng result ng doctor sa'yo kaya nakapagtataka kung bakit isang linggo kang tulog. Sabi mo nahihilo ka? Bukod d'on ano pa ang nararamdaman mo?" Sabi naman ni Hera habang pinipisil ang mga kamay ko. "Wala naman akong iba