Tumatakbo ako sa kung saan hindi ko alam saan ito papunta. Isang masukal na daan madilim ngunit may konting liwanag akong naaaninag. 'Nasaan ako' tanong ko sa sarili ko. Naliligaw na yata ko. Habang tumatakbo ang tanging nasa isip ko ay ang kapatid ko at si Phoenix. Hindi ko alam kung saan ko sila hahanapin at kung saan sila naroon. 'Nasaan ba kasi ako' "Tulong!" sa wakas ay naisigaw ko. Umalingawngaw sa buong paligid ang boses ko pero tila walang nakakarinig. "Takbo Sendy, Takbo.." napahinto ako nang marinig ko ng boses na iyon. Tingin ko ay nasa malapit lang siya. "Sino ka? Magpakita ka!" "Nakarating ka sa lugar na ito ng hindi mo alam ang dahilan." sagot niya ngunit hindi ko pa rin siya nakikita. "Sino ka ba? Bakit ayaw mo magpakita sa'kin." Nagpatuloy ako sa pagtakbo p