Dahil maaga akong ginising ni Phoenix kaya panay ang hikab ko habang nasa canteen kami. Pambihira, hindi pa nga ako nakakabawi sa tulog ko ng ilang araw ito na naman siya. "Bilisan mo kumain pupuntahan natin si Avery. Pinili ko kasi na gisingin ka ng maaga para mahaba ang oras natin doon. Okay lang naman na bumisita tayo doon nagpaalam na ako kay Ma'm Sylvia. Pumayag naman siya, saka ayoko naman istorbohin mga kaibigan mo para samahan tayo. Kasi alam ko may paghahandaan din sila para sa graduation. Kaya ako nalang muna sasama sayo para mabisita mo kapatid mo. Ano ayos ba?" sabay kindat pa nitong sabi. Infairness matino na siya mag-isip ngayon buti naman at hindi kalokohan ang naiisip niya ngayon. "Seryoso? Gagawin mo iyon?" "Oo naman love. Alam ko na mahal na mahal mo kapatid mo kahi