Kabanata 7

1503 Words

Liam's P. O. V. Hindi ko inasahan na iyon ang hihilingin sa akin ni Hanabi. Ang mahalin siya. Sa totoo lang ay nagulat ako at naiisip ko na parang panaginip lang ang lahat. Kaya naman nasampal ko ang aking sarili at napadaing ako dahil napalakas ang pagkakasampal ko. "Hoy ano ba ang nangyayari sa iyo? Kanina pa ako nagsasalita dito pero nakatulala ka lang. Tapos ngayon, sinasaktan mo ang sarili mo. Nababaliw ka na ba?" natatawang sabi sa akin ni Jim. "Hindi ako nababaliw. Naiisip ko lang na totoo ba ang lahat ng nangyayari sa paligid ko?" sambit ko sabay tingin sa kaniya. Kumunot naman ang noo niya. "Ha? Ano ba ang pinagsasabi mo diyan, Liam? Nakashabu ka ba kaya ka nagkakaganiyan?" Mabilis akong umiling. "G ago hindi! Ang ibig ko lang sabihin, para kasing ibang klase ang nangyayari s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD