Climax 3

1345 Words
Climax 3 FLASHBACK "Anong oras ang klase mo?" "Ha? Oo nga pala!" biglang na pa tayo si Regine at naramdaman niya ang biglang kirot ng tagiliran niya. "Are you okay? Huwag ka na kayang pumasok." "Hindi pwede, exam ko ngayon kay tanda!" Pagmamadaling sinabi nito at kinuha na lang ng basta ang toothbrush ni Ric. "Pahiram ha! Sorry, ma-le-late na talaga ako! I love you Ric!" Sambit ni Regine at hinalikan ang nobyo sa pisngi pagkatapos ay nagmadaling lumabas ng bahay. Natunganga si Ric habang hindi makuha ng utak niya ang sinabi ni Regine sa kanya. "She said, I love you?" Sa pagmamadali ni Regine. Hindi na niya nakuhang maligo at magpalit ng damit papasok sa eskwelahan. Pag tapak niya sa pintuan, napatingin ang mga kaklase niya at mukhang hindi maipinta ang mga mukha. Lalong-lalo na ang Professor niya sa kanya. "Why are you late?" singhal nito. "Sorry po. Nahirapan lang po ako na bumangon dahil sa pilay ko," pagdadahilan niya at lumapit sa guro. Isang upuan ang pagitan niya kay Gracia, nagkatinginan sila ng kanyang kaibigan na halos lumabas na ang mga mata nito dahil sa sobrang tutok sa papel. "Gracia," mahinang pagtawag niya. "Mahirap!" pabulong na sinabi ni Gracia pero ramdam ni Regine ang tensyon. Nanlaki ang mga mata ni Regine nang makita ang exam nila. "Gago talaga 'to! Bakit pinaka hirap-hirap niya ang exam!? Nakakabobo naman!" Tila kinakausap niya ang sarili habang hindi niya alam kung saan parte ng utak niya hahanapin ang kasagutan sa mahirap na pagsusulit. Ilang sandali, biglang sumagi sa isip niya ang sinabi niya kay Ric. "Oh s**t!I said, I love him?! Hindi ba't dapat sa kasal na 'yon? Okaya kapag nag-make love kami? Bakit ko ba sinabi! Hay nako, Ric. Sorry talaga kagabi," pagmo-monologue niya. Halos paglaruan na lang niya ang multiple choice sa Business Math Final Examination. Kinakabahan siya dahil hindi siya sigurado na maipapasa niya ang ganitong kahirap na examination. Matapos ang ilang oras, nagmamadaling lumabas ng silid aralan si Regine upang puntahan ang nobyo. "Hoy! Regine Perez! Bakit ka ba nagmamadali?" paghabol ni Gracia sa kanya. "Gigimik tayo diba? Siguro naman okay na 'yang tagiliran mo?" "Hindi pwede, kailangan ako ni Ric ngayon," bakas ang pangangamba sa tono ng kanyang pananalita. "Anong pala ang nangyari kagabi at hindi ka natuloy? Alam mo bang napuyat ako kakahintay sa'yo at sobrang kabado?” "Na snatch ang cellphone ko, hinabol ni Ric kaya nadaplisan siya ng kutsilyo," paglalahad ni Regine. "Oh my gosh! Na saan na siya? Alam ba ng parents niyo?" "Hindi, ayaw niyang ipasabi. Alam mo naman na ako ang rason kung bakit siya halos masaksak. Nahihiya ako dahil sa katangahan ko," napayuko si Regine dahil hindi niya alam kung paano babawi sa kanyang nobyo. Sa patuloy na pag-uusap ng dalawang magkaibigan. Walang kamalay-malay si Regine na narinig ng pinsan niya ang pinag-uusapan nila. "Oh paano, mauuna na ako," Regine uttered and left a kiss on Gracia's cheek. "Sige, alagaan mo siya ha!" *** Nakuhang umuwi ni Regine sa bahay nila upang magpalit lamang ng damit. "Dad," pagngiti niya rito. "Stupida" Napahawak si Regine sa kanyang mukha dahil sa lakas ng sampal ni Dave. "Ipapahamak mo pa si Ric dahil sa kabobahan mo Regine?! Kahit kailan puro na lang katangahan ang ginagawa mo!" Nagtataka si Regine kung paano nito na laman ang nangyari kagabi. "Hindi mo na ako binigyan ng kahihiyan? The result of your exam is failed! Pagkatapos ipapahamak mo pa si Ricardo dahil sa pagtakas mo kagabi? I'm not stupid Regine! Puno ng CCTV ang bahay natin! I'm the President of the homeowners here in our subdivision! I have the copy of CCTV footage last night! Paano kung natuluyan si Ric? Baon na nga tayo ng utang, papatayin mo pa ang anak ng pinagkakautangan natin!" inambaan siya nito ng sampal pero hindi tinuloy ni Dave dahil sa paghikbi niya. "I'm sorry Dad. Gusto ko lang naman po ng hangin." "Hangin? Boba! Hangin, idadamay mo pa ang ibang tao?! Nakakahiya ka! Graduating student ka na pero bagsak pa ang last exam mo! Kilalang-kilala ako sa Fords, Regine! Kilalang anak kita! Pagkatapos kabobohan ang ipapakita mo!" "Dad! Hindi ako nakapag-review! Kahit na mag-review ako, kahit mapasa ko 'yan gusto niyo perfect! Kulang na lang at palitan ko na ang Professor sa sobrang flat one na gusto niyong grade ko! Ang hirap naman maging anak mo! Ang dami niyo pong demand! To the point na hindi ko na po nagagawa ang gusto ko dahil sa gusto niyo! Eh sana pala ako na lang po ang nasaksak kagabi!" Hindi napigilan ni Regine ang emosyon at tumaas din ang tono ng kanyang pananalita. "Huwag kang sumagot ha! Bastos ka, wala ka pang na ipagmamalaki sa'kin. Ganyan ka na umasta!" "Kahit kailan naman po hindi niyo ako pinagmalaki sa kung ano lang ang kaya ko! Pinagmamalaki niyo lang po ang sarili niyo. Iniintindi niyo lang po ang sasabihin ng ibang tao. Sana si Mama na lang ang nabuhay hindi na lang ako!" padabog niyang sinabi at tumakbo papasok sa kwarto niya. Kinuha niya ang ilang gamit at inilagay sa backpack. Una niyang inilagay ang litrato ng kanyang ina. Nang makalabas siya, nakasalubong niya ang kanyang Ama na parang hangin lang siyang dinaan. Kahit ika-ika siyang naglalakad, pinilit niyang tumakbo dahil sa sobrang sama ng loob. "Ang taas ng expectations ni Dad, ang hirap abutin. Ang hirap maging perpektong anak. Ang hirap maging anino niya. Gusto ko naman gawin ang tunay kong gusto," pagsusulat niya sa likod ng paborito niyang libro. Ilang sandali, narating niya ang bahay ni Ric. Ilang katok, ngunit walang sumasagot. Ilang tawag, ngunit wala pa rin sumasagot. "Na saan kaya ang fiance ko?" pabuga ng hangin at patuloy siyang sumisilip sa bintana ng bahay nito. Makalipas ang ilang oras, nakuha na niyang makakain ng ice cream at matapos ang dinisensyong Ceramic Pots. "Hay, kailan kaya ako magkakaroon ng sariling Pottery?" bulong niya at inilapag ang backpack sa lapag ng veranda sa bahay ni Ric. Nakuhang makatulog ni Regine sa lapag habang nakayakap sa kanyang sketchpad. Sa kabilang dako, “Son, we want grandchildren," wika ni Athena. Dumalaw si Ric sa bahay ng kanyang magulang. Ni hindi niya masabi sa magulang ang nangyari sa kanya. "Ma, gusto ko naman na ma-enjoy ni Regine ang pagiging dalaga niya." "Son, para naman sa pag-uwi mo may batang sumasalubong sa'yo. Alam namin kung gaano ka stressful ang pagiging Attorney. Lalong ngayon na ipinapakilala mo pa lang ang pangalan mo sa publiko," pagsingit ng kanyang Ama. "Dad, alam ko naman po 'yon. Ang akin lang, ni hindi pa nga nagagawa ni Regine ang gusto niya sa buhay. I mean, 'yung tunay niyang gusto." "Ano ba ang gusto ni Regine? Sa nakikita ko, pagpapamilya na ang gusto niya. Kayang-kaya mo ng itayo ang pamilya," Athena uttered "That's not the reason Ma and Pa. She's under pressure from her Dad's decision. She doesn't like Business Course, she likes Arts and Agriculture," pilit na pagdispensa niya para kay Regine at para na rin sa kanya. "Aw, my son! Mahal mo talaga si Regine, kailan ka ba magpo-propose sa kanya? Mabilis na lang ang tatlong buwan anak," aniya ni Athena sa anak. "Ako na po ang bahala Ma and Pa." Napatingin siya sa kanyang cellphone at napansin ang ilang tawag pati na ang na iwan na mensahe ni Regine sa kanya. "Gotta go Ma and Pa, " pagmamadali nito at humalik sa magulang. "Anak, we want grandchildren!" sigaw ni Athena at natawa si Ric. Nang marating niya ang kanyang bahay, napansin niya ang isang maputing binti na nakalaylay sa Veranda niya. "Damn!" Napatakbo ang binata dahil sa nakita. Naabutan niya si Regine na tulog at nakanganga, napaupo siya at napabuntong hininga. Natawa siyang makita itong tinuluan ng laway ang siriling sketchpad. Dahan-dahan niyang hinahatak ang sketchpad nito. "Oh my gosh!" napabalikwas si Regine at halos malaglag si Ric sa hagdanan dahil sa sobrang gulat. "Ric!" muling pagsigaw ni Regine. Napapunas ng bibig si Regine dahil nakita niya ang kanyang sketchpad na may tulo ng laway. "Bakit d'yan ka natulog?" "Dito na ako titira kasama ka."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD