Climax 2

1601 Words
Climax 2 FLASHBACK Ika-ikang naglalakad si Regine papasok sa kanyang paaralan. Hindi niya halos maigalaw ang kanyang kaliwang binti dahil sa pamamanhid nito. "Regine! Anong nangyari sa'yo?" bulalas ni Gracia at tinulangan ang kaibigan sa pagbaba ng hagdanan mula sa entrance. "Nalaglag ako sa bisikleta." "Tanga naman talaga ng bisikleta na 'yan!" "Hindi ako tanga. Sadya 'yon!" "Gaga ka ba? Anong kalokohan 'yan?! Tumalon ka sa bisikleta? Pakiramdam mo ba action star ka o nanghuli ng palaka?!" Nakuhang takpan ni Regine ang kanyang teynga dahil sa sobrang ingay ng kaibigan. "Damn it Gracia! Ang ingay mo! Baka may mag sumbong na naman," malungkot ang mukha nito at nakuha nilang umupo sa covered courts ng paaralan. "Teka? Sumbong? You mean, sinumbong ka nga ni tanda?" "As usual, pinahiya ako ni Dad sa pamilya nila Tito Cardo at Tita Athena. Nandoon pa ang gwapo kong Fiance," halos sumayad na ang mukha ni Regine sa simento dahil sa kahihiyan na nangyari kahapon. "Really?" Umuwi na siya? Grabe! Paano? Niligtas ka ba ni Romeo mo?" "Oo niligtas niya ako! Kinikilig ako! Kasi kahit na pinahiya ako ni Dad. Nandoon si Ric para intindihin at pakinggan ako." "So anong next na nangyari?" "Edi ayon, nag bisikleta kami. Dahil gusto ko siyang hagkan nang matagal, nagpalaglag ako sa bisikleta." Halos hindi makapaniwala si Gracia sa kalokohan ng kaibigan. Mas lalo siyang napailing at nag-iwan ng kurot sa tagiliran ni Regine. "Ayon, ibang klase na utak nga naman ang mero'n ka." "Hoy, kahit nabalian ako. At least binuhat ako ni Ric. Ang sweet niya, ang bango niya. Ang sarap hagkan pagkatapos kulang na lang halikan ko na siya," saad nito at tinakpan ang kanyang mukha gamit ang libro. "Oh, kailan ka niya liligawan?" "Hindi na importante 'yon! Kasi ikakasal na rin naman kami! Tapos alam mo bang dito na sila sa Pilipinas?! Ang Attorney Ricardo David II ko ay makakasama ko na!" "Grabe, at least may improvement. Hindi tulad dati na puro na lang kayo bakasyon nagkikita at puro Yahoo web calls." "Gusto ko na ngang magpabuntis." "Grabe! Huwag na muna! Mas maganda kung e-enjoy-in mo na muna ang buhay single lady after graduation!" "Eh kasi naman ikakasal naman kami. Syempre isusuko ko na ang Bataan!" "Gaga! Speaking of Bataan! Mag disco naman tayo, masyado na tayong manang kakaaral. Ayoko naman na mukhang walang social life kahit virgin pa tayo!" "Hello?! Ika-ika ako, paano ako sasayaw?" sambit nito at inirapan ang kaibigan. "Kapag gumaling ka! Takas tayo! Sayang naman kung hindi natin e-enjoy-in ang pagiging kolehiyala! Imagine, ikakasal ka na. So, dapat sulitin mo na ang pagiging Ms. Perez dahil soon to be Mrs. David na!" "Tama!" *** Balisa si Dave habang pinagmamasdan ang Financial status ng negosyo niyang palayan dahil sa sakuna na tumama. "Lugi! Paano ako babawi?" wika niya at binato ang mga papeles. Hindi payaman, kung hindi palugi ang negosyo ng mga Perez. Ang mga kapatid ni Dave na pilit nag-aagawan sa Palayan nila sa Balanga Bataan. "Good evening, Dad." Nagmano ang dalaga sa kanyang Ama at kitang-kita niyang wala ito sa timpla. Pinulot niya ang mga papeles na tinapon at pumukaw sa kanyang mga mata ang Financial losses ng negosyo. Lahat ay nakamarka ng kulay pula. "Dad, ano pong problema sa negosyo natin?" Tila nalungkot si Regine nang mabasa at makita niya ang nakapaloob sa papeles na nasa lamesa. "Dahil sa mga gahaman mong Tiyahin at mga Tiyuhin! Makakaya pa nating bumawi sa hagupit ng bagyo, pero 'yang pagnasahan nila ang lupain natin. Hindi na ito tama! Mauubos ang pera natin kalalaban sa walang hanggan na kaso sa lupa ng mga Lola at Lolo mo!" Nilapitan ni Regine ang kanyang Ama at akmang hahawakan niya ang balikat nito. Nagulat si Regine nang bigla itong tumayo. "Kaya ikaw, kailangan mong maikasal kay Ric! Ayusin mo ang pag-aaral mo, Regine. Ayokong mapahiya kay Attorney dahil sa kabobohan mo." "Dad, matino po ako at mataas ang grado ko," dispensa ni Regine. "Mataas na sa'yo ang dos? Kailangan mong manguna sa klase! Pagkatapos mong mag-aral kailangan mong magtrabaho sa kumpanya ng Fiance mong si Ric. Mabuti at napakabait ni Athena pati na si Cardo sa'tin. And stop acting like a party girl, Regine! Alam mong disente ang pamilya ni Ricardo." "Hindi na po ba kayang bayaran ang utang niyo sa kanila?" She switched the topic. "Nag-iisip ka ba? Kaya nga gusto kitang pagtrabahuhin sa kanila! Ipagmamalaki mo 'yang dos mong grado, simpleng pag-uusap ngayon, hindi mo nga maintindihan!" "Napakababa naman ng tingin mo sa'kin Dad. Papatunayan kong may mararating ako. At balang araw, hindi ko itutulad ang pamilyang nasilayan ko, sa magiging pamilya ko." Nang makapasok siya sa kanyang kuwarto. Kinuha niya lumang photo album ng kanyang ina. "Mama, bakit hindi po kita naabutan. Gustong-gusto ko pong maranasan ang aruga ng isang ina. Hindi ko naman po gustong mamatay ka. Hindi ko po alam kung paano maging perpektong anak kay Dad. Ang hirap po abutin ng expectations niya," hawak niya pa rin ang litrato at kusang umaagos ang luha niya. Ilang sandali at napatingin siya sa cellphone niyang walang humpay sa pagtunog. Suminghot at nagbuntog-hininga na muna ang dalaga bago sagutin ang tawag. "Ric!" "How are you? Nakakapaglakad ka na ba ng maayos?" "Okay lang naman," mahina nitong sambit. "Magtapat ka nga, umiiyak ka ba?" Ilang sandaling tumahimik si Regine at tuluyan na niyang inilabas ang sama ng loob. "Ssh, don't cry. Ano bang problema mo?" bakas sa tono ng boses ni Ric ang pag-aalala. "Si Dad, hindi ko alam kung saan ako lulugar? Nag-aaral akong maigi pero kulang na lang palagi. Gusto niya na manguna ako, hindi naman ako ganoon. Gusto ko lang siyang tulungan pero mukha pa akong pabigat. Lalong nahihiya pa ako sa pamilya mo," pag-iyak nito. "About the farm? Don't worry about that. Hindi naman naniningil si Mama at Papa. Tanging gusto lang nila na ikasal tayo. Alam mo naman sobra pa sa pagiging close friends ang magulang natin." "Gusto kong umalis dito, "wika ni Regine. "What?" napatingin si Ric sa kanyang wristwatch at nakitang alas otso na ng gabi. "Huwag kang lalabas. D'yan ka na lang, mag-usap na lang tayo hanggang mamaya," sambit nito. "Pupuntahan kita sa bahay mo. Ayoko ng phone call, gusto ko kasama ka," pagmamatigas ni Regine. "Come on, huwag matigas ang ulo. Gabi na, at isa pa umuulan Regine." "Kung ayaw mo akong makita 'di huwag!" singhal niya at binabaan ng tawag ang binata. Dahan-dahan na lumabas ng kwarto si Regine at tumakas ng bahay. "Hay, ang galing ko talaga," pagngiti niya at nakahinga ng matiwasay. Tinahak niya ang mahabang kalye upang makahanap ng Taxi. "Gracia!" Bulalas niya mula sa kabilang linya. "Girl! Bakit gising ka pa? Hindi ba't may exam tayo bukas. Dapat tulog ka na!" "Gusto kong pumunta sa inyo," malungkot na sinabi ni Regine. Lalong bakas din naman sa boses niya ang pangungulila. "Ha? Teka paano ka lalabas, alam mong matindi pa sa PSG ang Tatay mo!" "Na sa labas na ako, pupuntahan kita okay?" "Oh basta mag-iingat ka ha! Maraming gago sa kalye," aniya ni Gracia. Patuloy sa paglalakad ang dalaga hanggang sa makakita na siya ng taxi. "Hay sa wakas," pag buntong-hininga niya habang hinihintay niya ito papalapit sa kanya. Bago tuluyan sumakay si Regine hindi niya halos akalain na may tatakbo na binatilyo sa harapan niya. "Hoy! Cellphone ko iyan!" sigaw niya at akmang hahabulin ni Regine ang snatcher. "Stay here!" Nagulat ang dalaga dahil sa biglang sulpot ni Ric at kumaripas ito sa pagtakbo. "Ric! Oh my gosh!" sobrang lakas ng sigaw ni Regine nang makita niyang bumulagta si Ric sa daan. "Your phone," inabot nito ang kanyang cellphone at nakita ni Regine ang patuloy na pagdurugo sa tagiliran ni Ric. "Ric! Tulungan niyo po kami!" Ang Taxi driver na kanyang pinara ang siyang nagdala sa kanila sa Hospital. *** "Kumusta po siya?" tumayo si Regine mula sa kanyang kinauupuan at tinanong ang Doctor. "Wala naman masamang parte na tinamaan. Mabuti at dumaplis lamang ang lanseta sa kanya. Pero kinakailangan pa rin niyang magpahinga upang maghilom ang tahi at sugat," payo ng Doktor na kumausap sa kanila. "Ric, sorry. Kasalanan ko ito, kung hindi ako nagmatigas. Sana wala kang tama ng kutsilyo. Sana ako na lang 'yong sinaksak," umiiyak ito habang nakatingin sa nobyo. Natawa si Ric sa kanya at hinawakan ang mukha niya. "Kahit kailan, padalos-dalos kang mag-isip. Please, makinig ka na lang sa'kin. Huwag matigas ang ulo mo," maamo nitong sinabi at walang bakas na pagkakagalit si Ric kay Regine. Inilapit niya ang kamay upang mahawakan ang kamay ng nobya. "A-ayoko kasi sa bahay. Gusto ko nang hangin. Pakiramdam ko, palagi na lang akong nakakulong sa pagkataong hindi naman talaga ako," giit niya at patuloy pa rin ang pagluha nito. "Halika na, can you drive? Ayoko sa Hospital, mas gusto ko sa bahay.” "Tawagan natin sila Tita at Tito!" "No, mas lalo lang tayong malalagutan. Please, drive me home. Sa bahay ko na at doon ka matulog," mahinahon na sinabi ni Ric pagkatapos ay sinunggaban ng yakap ni Regine ang binata. "Wait, ugh," angal ni Ric dahil sa natamaan nito ang sugat niya. "I'm sorry." Nang marating nila ang bahay ng binata. Inalalayan ni Regine ang nobyo kahit na pati siya ay may nararamdaman na sakit sa tagiliran. "Huwag ka nang magpagod, kaya ko na ang sarili ko," Ric uttered. Hindi nagpapigil si Regine at tinabihan niya pa ito sa kama. "Tabi tayo, Ric." "Ayaw mo bang matulog sa kabila? I have extra room." "Ayoko, mas gusto kong kasama ka," pag-iling ni Regine at dinikit ang sarili kay Ric. Napangiti si Ric at pakiramdam niya'y tunay na silang mag-asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD