Hindi ko alam kung paano ko narating ang building ng apartment ko. All I was thinking was the urgency in my mother's voice when she called me to go home quickly. Pauwi naman na ako that time, dapat nga mas maaga pa. Hindi ko lang nahindian ang biglaang conference call with our clients around 4pm kanina. Kung saan saan na ako dumaan huwag lang maipit sa traffic at makauwi agad. I was tapping my foot while I was in the elevator. Wala akong pakealam kung parang nainis yung kasabay kong babae dahil sa tunog ng sapatos ko. Kinakabahan ako. Bakit hindi masabi ni Mommy kung bakit? Ayoko isipin na may masamang nangyari kay Haya pero hindi ko mapigilan. Please, let my daughter be fine. I was chanting to myself. Patakbo akong lumabas sa elevator. Huminga ako ng malalim bago pinihit ang seradura.