CHAPTER 37

1629 Words

Lumabas ng Mansiyon Cruzadas si Hades kasama si Lukas. Wala rin doon si Proserpina. Ang sabi sa kanya ng mga tauhan niya ay wala rin ito sa apartment nito. Sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niyang napapatingin sa kanya si Lukas at panay ang pagbuga nito ng hangin. Kahit hindi nito sabihin ay mababakas ang marubdob nitong inis dahil sa pagkawala ng kuting. Mabuti nga iyon. Kapag naiinis si Lukas ay doon higit lalong tumatalas ang pang-amoy nito. Lukas wasn’t only his half-brother, not only the Underboss, he was also his very own Cerberus—the hellhound of Hades. Ito ang pinakamagaling tumunton sa mga tao o bagay na pinapahanap niya. Kaya naiintindihan niya kung bakit inis na inis ito. Dahil napakagaling makipaglaro ng patintero ni Proserpina, at hindi nila ito mahuli-huli. Nagagalit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD