CHAPTER 4

1508 Words
Nilaro ng daliri ni Hades ang rim ng wine glass na nakapatong sa mesitang nasa tabi ng kinauupuan niyang sofa. He wore an expensive suit, and was sitting like a king on his throne. Nakikita niya pa rin sa kanyang balintataw ang namumulang mukha ni Proserpina habang hinahawakan niya ang katawan nito. The kitten really is a virgin, he thought, pleased. Wala naman siyang pakialam kung may karanasan na ito bago pa ito ibenta ng madrasta nito sa kanya, ang mahalaga ay wala nang ibang puwedeng umangkin dito ngayong naririto na siya. But if truth be told, he was pleased to know that he will be her first. Now, there’s no way he’s letting her go. Kumurba ang matalas na ngiti sa mapupulang labi ni Hades. The color of his lips had been accentuated more because his skin was pale like the winter snow and he hated it. But maybe he was born that way for he’s to become a cold and cruel man. Mahaba ang buhok niya na umabot hanggang balikat at kasing-itim ng obsidyan, kagaya rin ng kulay ng kanyang mga mata. Palaging nakapusod ang kanyang buhok. “Boss,” untag sa kanya ni Morris. Pormal ang Consigliere at may salamin sa mata. Morris was an orphan brought to Kratos group by his grandfather when he was just seven years old. Magkasing-edad lang sila ni Morris. Wala na raw itong pamilya at nagpresenta ang matandang de Crassus na kupkupin ito. Ang kapalit ng pagkupkop dito ng matanda ay ang habambuhay nitong pagsisilbi sa kanya. Hindi naman din sila gaanong nag-uusap, subalit sa kung anong kadahilanan ay nagkakaintindihan sila. Morris was always there for him. He became his shadow. Si Lukas naman ay anak ng ama niya sa isa sa napakaraming babaeng ikinakama nito. He grew up with his mother, because their father was the biggest arsehole of all, who refused to raise a child other than the son he had with his legal wife. Siya iyon. Good thing the arsehole died early. He was ambushed. Kalaban ng Kratos ang pumatay dito. Sa kasamaang palad ay kasama nito ang asawa sa kotse noong pagbabarilin ito. Kaya maaga rin siyang naulila sa mga magulang. Nasa kolehiyo na siya nang makilala niya si Lukas. Kilala siya nito. Marahil ay nasabi ng ina nito rito ang tungkol sa kanya. Lumapit ito sa kanya at humingi ng tulong upang makaalis sa poder ng mapang-abuso nitong ina. Tinulungan niya ito at ipinasok sa Kratos. “Boss, ano ho ang gagawin natin kay Ms. Cruzadas?” “Wala tayong gagawin sa ngayon. Dito lang siya.” Tumikhim ito, at inayos ang salamin sa mata. Tinatantiya nito ang emosyon niya bago ito nagpatuloy sa pagsasalita. “Ayaw pa ring kumain ni Ms. Cruzadas.” Tumaas ang kilay niya. Pangalawang araw na ni Proserpina sa poder niya. May sarili itong banyo sa loob ng silid na kinaroroonan nito na kumpleto sa mga gamit na maaari nitong kailanganin. Pero ang silid na iyon ay walang bintana. He didn't really like windows. That was his old room, before he moved to a bigger one. Kahit kung tutuusin ay napakalaki na rin ng kuwartong iyon. Kahapon ay buong araw itong hindi kumain. Kaninang umaga ay hindi rin nito ginalaw ang pagkaing inakyat ng tauhan niya sa silid nito. Ngayong tanghalian ay ayaw pa rin nitong kumain? “The kitten wants to starve herself to death,” walang emosyon niyang sambit. Tumayo siya at sumulyap sa hagdan patungong ikalawang palapag ng mansiyon kung saan naroroon ang kuwarto ng dalaga. “I’ll feed her myself.” _____ NAPAIGTAD si Proserpina nang bigla na lang bumukas ang pinto ng kanyang silid. Matatawag nga ba niyang silid ang magarang lugar na iyon? Mas dapat sigurong sabihing kulungan ang pinaglagyan sa kanya ni Hades. He was detaining her, and it wasn’t right. But then again, he’s the notorious boss of the largest and most powerful of all Mafia groups. And the Mafia wasn’t exactly law-abiding. Napasiksik siya sa headboard nang pumasok sa loob ng kuwarto ang Mafia Boss. He looked calm, but his calmness was the one thing that made her feel more restless. Pakiramdam niya ay may itinatago itong delubyo at karahasan sa likod ng mapayapa nitong anyo. Gumalaw ang mga mata ni Hades at dumako iyon sa tray ng pagkaing nakapatong sa lamesa. Walang bawas iyon. Sinadya niya talagang hindi kumain. At paano siya kakain gayung ni hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kanya sa loob ng kulungang iyon. “Palabasin mo na ako!” hiyaw niya. “Hindi mo ako puwede ikulong dito! Hindi tama itong ginagawa mo sa akin! Wala akong pagkakautang sa iyo! Ang madrasta ko ang dapat singilin mo!” He ignored her coldly and sauntered towards the table. Tahimik nitong kinuha ang tray at lumapit sa kama. Naupo ito sa gilid ng higaan matapos maipatong ang tray sa ibabaw niyon. Napatingin siya sa tray ng pagkaing nasa gitna ng kama, at saka sa mga mata ni Hades. Bakit ba hindi ito nagsasalita? Mas lalo tuloy siyang kinakabahan. “T-tinatakot mo ako...” aniya. He raised his brows at her, then his lips twisted into a dry smile. “Eat.” “A-ayoko.” “I don’t have the capacity to stay calm for too long, kitten. I have very little patience, and I’m using all of it now on you.” Napaawang ang mga labi niya. Mababa lang ang boses ni Hades, subalit tila sinturon iyong nagyeyelo na humagupit sa sikmura niya. Bawat katagang namumutawi sa mga labi nito ay nagpapatahip sa kanyang dibdib. How did she ever get entangled with this man? Ni sa hinagap ay hindi niya naisip na may makikilala siyang Mafia. She had always, always stirred away from troublemakers. Pero sa kung anong tukso ng tadhana ay ang Mafia Boss pa ang gustong umangkin sa kanya ngayon. Narinig niya ang paghugot nito ng malalim na buntong-hininga. He was obviously running out of patience, but he was doing his best to still stay calm. Bakit hindi na lang siya nito saktan? Bakit hindi na lang ito sumabog sa galit? Para mamuhi na siya nang tuluyan dito. Dahil kahit anong gawin niya ay hindi niya ito magawang kasuklaman nang lubos. Tumayo si Hades at kinuha ang tray saka ipinatong iyon sa lamesita. “Are you sure you don’t want to eat?” Umiling siya, subalit may kutob siyang pagsisisihan niya ang ginagawa niyang pagtanggi at hindi pagsunod dito. Nagbuga ito ng hangin at sumubo ng isang pirasong ubas. Ang akala niya ay lalabas na ito ng kuwarto, subalit nagulat siya nang sa isang iglap ay nahila na siya nito pahiga sa kama at ngayon ay nakakulong na siya sa mga bisig ni Hades. “Then, I’ll feed you.” Pagkasabi niyon ay senswal nitong pinisil ang tagiliran niya na nagpaawang sa kanyang mga labi. Sadya nitong ginawa iyon para pala maipasok sa bibig niya ang ubas na nasa loob ng bibig nito kanina. Now that one grape felt so warm inside her mouth because it came from his. “Chew carefully, and swallow it.” Hindi na niya magawang magtapang-tapangan, nag-init na ang buo niyang mukha dahil sa ginawa nito. “I’ll get another one.” Pinigilan niya ito sa kamay, gilalas. Ano ang tingin nito sa kanya, ibon? “A-ako na—” Walang hirap lang nitong hinawakan ang palapulsuhan niya at dinala sa kanyang uluhan. Then he shoved another grape into her mouth, but this time he sensually bit her lower lip a little after feeding her. Napaungol siya, isang bagay na labis niyang ikinagulat. Mulagat ang mga matang napatitig siya sa lalaki. Matiim din itong nakatingin sa kanya. “I didn’t know you could moan that good.” Sumabog ang pamumula sa buo niyang mukha, at gusto niyang kastiguhin ang kanyang sarili. Nababaliw na ba siya? Bakit siya umungol? Ano na lang ang iisipin nito? Na gustung-gusto niya ang ginagawa nito sa kanya? Bago pa niya magawang ikaila iyon ay humawak na sa mukha niya ang isang kamay ni Hades. Pagkatapos ay pinadulas nito ang mainit nitong dila sa ibabang labi niya. “Open your mouth,” he ordered. And she obeyed. Her spine tingled as his tongue slowly speared into her mouth. Its tip began to tease her own, and while she was inexperienced, she could not deny the fact that she felt good every time his tongue would swirl around hers. Especially that he was kissing her so differently now compare to the first time he did. His warm tongue was moving slowly, giving her so much time to feel it… the wetness, the smoothness, the taste of his saliva mixing with her own, everything. “Hades,” she moaned his name, with her eyes half-closed. Nawala na siguro siya sa katinuan dahil sa init ng paghalik nito sa kanya. Natigilan ang lalaki. He stopped kissing her and pulled away. Then he spoke coldly, “I only came to collect, kitten, and I don’t do love. So, do not ever fall in love with me.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD