“You’re obsessed with her, Boss,” walang gatol na sambit ni Morris.
Nag-angat siya ng mukha mula sa mga binabasang dokumento. Nasa study room siya ng kanyang mansiyon at pinag-aaralan ang mga financial reports ng lahat ng mga negosyong hawak niya. “Ano’ng sabi mo?”
Tumikhim ito. “Hindi pa kita nakitang nagkaganito sa isang babae, ngayon palang."
Natigilan siya. Pareho lang sila ng naiisip ni Morris, at nagtataka rin siya sa kanyang sarili. Was it her pretty face? Her amazing body? No, he had met a lot of gorgeous women, but he had never acted this way before. So, was it her scent? Tuwing nasasamyo niya ang natural nitong bango ay nawawala siya sa kanyang sarili. Proserpina was just driving him crazy. Binabaliw siya nito.
And if he only wanted to bed her, he could do it anytime. Nasa poder niya ito. Wala itong magagawa. Pero bakit pinagkakaabalahan niya itong bigyan ng oras para mapanatag ang kalooban sa kanya? Bakit gusto niyang bukal sa loob nitong ibigay ang katawan sa kanya?
Muling nagsalita si Morris. "Mahigpit ka rin sa mga taong may pagkakautang sa iyo at hindi ka tumatanggap ng ibang uri ng bayad. Ang madrasta ni Ms. Cruzadas ang lumapit at nanghiram ng pera, kaya bakit mo hinahayaang si Ms. Cruzadas ang magbayad?”
He faked a smile. “Nonsense.”
“Mula pagkabata, magkasama na tayo. Kilala kita.”
The smile faded away, and his lips twitched into a deep frown. “Why do I feel like you’re interrogating me, Morris? Know your place. However I act in front of Proserpina is none of your f*cking business,” matigas ang boses niyang sabi. "Hindi ko rin kailangang sabihin sa iyo kung bakit ko ginagawa ang mga bagay na ginagawa ko ngayon."
Napatda naman si Morris at magalang na nagyuko ng ulo. “Pasensya na, Boss.”
“Get out. I want to be alone.”
Tumango si Morris at tumalikod na. Nakahawak na ito sa seradura ng pinto nang muli siyang magsalita.
“And about Sylvia, she isn’t completely off the hook. May paglalagyan din siya.”
Nang mapag-isa ay sinubukan niyang ibalik sa binabasang mga dokumento ang atensyon, subalit hindi na niya matutukan ang binabasa. His attention had already been drawn away. Umaalingawngaw pa rin sa tainga niya ang sinabi ni Morris. You’re obsessed with her…
Hindi puwedeng patuloy na guluhin ni Proserpina ang utak niya. Obsession is dangerous. Lalo na sa estado niya. He shouldn’t feel a strong attachment or desire for anyone or anything, because that will be used against him. Attachment brings nothing but weakness.
Wala rin naman siyang planong habambuhay na ikulong sa poder niya ang dalaga. Just like what he told her, he only came to collect.
Napaungol siya at ibinagsak ang mga hawak na papel sa mesa. Sinapo niya ang ulo at nag-isip nang malalim. Kailangang malaman na niya kung ano ang hinahabul-habol niya kay Proserpina. Maybe, it's really her body.
So, tonight, he will visit her and will make sure that before dawn, all his questions have been clearly answered.
_____
KAMUNTIKAN nang madulas sa sahig si Proserpina nang paglabas niya ng banyo ay ang malaking pigura ni Hades ang bumungad sa kanya. Nasa loob ito ng kanyang silid at nakasandal sa pinto.
Kakatapos niya lang maligo at nakatapis lang ng kakarampot na tuwalya. Nakalatag pa sa ibabaw ng sofa ang kanyang mga damit panloob at ang pajama set na isusuot dapat niya.
“Mabuti naman at nagiging komportable ka na rito.”
Imbes na sagutin iyon ay napahawak lang ang isa niyang kamay sa pinagbuhulan ng tuwalya, ang isa naman ay sa hamba ng pintuan ng banyo. “B-bakit nandito ka?” Natatakot pa rin siya sa Mafia Boss, subalit hindi na tulad noong mga nakaraang araw.
“I own this house, and I don’t remember restricting myself from entering the rooms of this mansion.”
“Ang ibig kong sabihin…” Hindi niya magawang tapusin ang litanya, dahil nakita niyang naupo sa gilid ng kama si Hades. Tuwid na tuwid ang likod nito at napakahaba ng mga binti. Napaisip tuloy siya kung ano pa ang mahaba rito. Namilog ang kanyang mga mata sa naisip niyang iyon. “M-maaari bang lumabas ka na—”
“Sit here, kitten,” he cut her off. His voice was a bit hoarse, as if it had been smeared with lust. “Gusto mo bang buhatin pa kita?” tanong nito nang hindi siya umimik o gumalaw man lang.
Mabagal ang ginawa niyang paghakbang, subalit hindi siya nito minadali. He sat there patiently while staring intently at her face. Gusto niyang matunaw sa tiim ng ginagawa nitong pagtitig sa kanya.
“H-huwag mo naman akong titigan nang ganiyan.”
“Why not?”
“Naaasiwa ako.”
“Well, you have to do something about it, because I intend to do more than just staring tonight.”
Napalunok siya at naghintay na kumilos ito. Ngunit nanatili lang itong nakaupo at nakatingin sa kanya. Kahit na nasa harapan na siya ng lalaki ay hindi pa rin siya nito hinawakan.
“You are surprisingly obedient, aren’t you?” He was pleased.
Ang totoo ay hindi niya rin alam kung bakit hindi pa niya ito kinakalmot. Hindi niya maipaliwanag kung bakit sa kabila ng takot ay may isang bahagi ng pagkatao niya ang gusto itong mas makilala pa. Hindi niya maunawaan ang sarili kung bakit may parte ng puso niya ang hindi naniniwalang masamang tao ito.
“I want to touch you,” anas nito.
Hindi siya nagsalita pero wala rin siyang sinambit na pagtutol.
“I’ll take that as a yes. Now, strip.”
Nagulat siya. Pinaghuhubad siya nito! Nag-init ang kanyang buong mukha.
“Did you not hear me, kitten? I said, strip.” The intensity in his gaze made her think of red embers, burning her gut.
“K-kapag ba ginawa ko ’to, pakakawalan mo na ako bukas?”
“Sure.”
Nagulat siya sa mabilis na pagtugon ni Hades. Pero ang sabi nito ay paunang bayad palang ang gagawin nitong unang pag-angkin sa kanya. Ipinilig niya ang ulo. Hindi na dapat niya pakaisipin pa iyon. Ang mahalaga ay pumayag na ito. Baka balak naman nitong gumawa ng bagong kasulatan kung paano nito magagawang kolektahin ang balanse ng utang.
Hindi siya puwedeng makulong nang matagal sa lugar na iyon, dahil paano na lang ang ama niyang nasa ospital? Paano na ang pag-aaral niya at ang kanyang trabaho? Alam niyang kahit maglulupasay pa siya, o magsisisigaw ay walang sasaklolo sa kanya at hindi siya makakalabas ng silid na iyon. Ang naiisip na lamang niyang paraan ay ang maging masunurin dito at ibigay ang gusto nito.
Humugot siya ng malalim na paghinga at pikit-matang kinalas ang pagkakabuhol ng tuwalya sa bandang dibdib niya. Naramdaman na lang niya ang pagkakalaglag niyon sa sahig.
“Hmmm, just as I thought, you have a very gorgeous body.”
“G-gawin mo na kung ano man ang gusto mong gawin.”
He chuckled, amused. “Alam mo ba kung ano ang gusto kong gawin sa iyo?”
Hindi siya sumagot.
“I want to f*ck you hard, kitten. Did you just give me the permission to do that? Sabi mo, ’di ba, na gawin ko kung ano man ang gusto kong gawin sa iyo?”
Nanginig ang katawan niya, subalit pinanatili niyang tikom ang mga labi.
“I want you to be mine tonight. Say yes if you want me to do that, because I don’t want to force my d*ck in you.”
Humugot siya ng hangin at pinuno ang dibdib. “Y-yes.”
Nakita niya ang pagtiim ng panga ni Hades, at ang pagkuyom ng kamay nito na tila nagpipigil itong daluhungin siya at marahas na angkinin.
“Sh*t, you’re driving me crazy.”
“Ha?”
Kumurba ang mainit na ngiti sa mga labi nito. “Nothing. Sit here.”
Naupo siya sa tabi nito. HInawi nito palikod ang buhok niya at dinampian ng halik ang kanyang leeg. Tumingin ito sa kanya, minamasdan ang kanyang reaksyon. “I’ll suck you here.” His knuckles lightly brushed against her neck. Then she felt his warm mouth on her skin, sucking her intensely. It stung but it felt good. And she was beginning to feel weird between her legs.
“Now, I’ll kiss you here.” Pinaraanan nito ng hinlalaki ang ibabang labi niya, bago bumaba ang mga labi nito at mapusok siyang hinalikan. He was constantly turning his head to either the left or the right side to fully explore all angles of her mouth. Para itong uhaw na uhaw na hindi kayang pawiin ng tubig. When he’s finally done kissing her, her lips swelled up a little.
“Mahiga ka na,” anito, nagbabaga ang pagnanasa sa mga mata nito habang isa-isang hinuhubad ang lahat ng saplot nito sa katawan.
She couldn’t help but gasp when she saw how huge and hard he was. It was her first time seeing a real c*ck. Bigla siyang natakot.
“Don’t be scared, kitten. You instantly paled when you saw my d*ck.”
“It… it won’t fit,” aniya.
“It will fit.”
Kinakabahan siya, subalit buo na ang kanyang loob. She will offer her body to him, because after tonight… she’d finally be free.