Napaigtad si Proserpina nang biglang tumunog ang cellphone niya. Napatingin sa kanya ang lahat ng kasamahan niya sa HR at maging ang Supervisor nila na siyang kasalukuyang nagsasalita sa harapan. They were in the meeting room. May mahalagang tinatalakay ang bisor nila tungkol sa mga pagbabago sa mga batas at regulasyon ng kompanya. “Pasensya na, nakalimutan kong i-silent mode.” Iyon na nga agad ang ginawa niya at ipinatong sa ibabaw ng table ang aparato, saka muling itinuon ang atensyon sa harapan. Not even five minutes after, her cellphone vibrated, and it disrupted the meeting again, because the vibration spread on the surface of the table. At dahil tahimik sa loob ng meeting room at tanging ang bisor lang nila ang nagsasalita ay nakaagaw talaga ng pansin ang pag-vibrate ng phone niya