BOLCT-10 Marinel GUSTO ko nang sabunutan si Nica. Nauna pang sumakay sa kotse at tumabi pa talaga kay Andy. Iba na talaga saltik niya. "Nel," pukaw sa akin ni Enzo na katabi ko ngayon, bale nasa unahan kasi si Andy at Nica umupo. Bumaling ako sa kanya. "Bakit Enzo?" sagot ko rin naman. Napahugot ito ng malalim na hininga. "Tama bang umasa pa ako sa kanya?" seryosong ani niya pero pabulong. Bahagya akong nakaramdam ng kirot dito sa dibdib ko. Ang akala ko ba ay kakalimutan na niya ang pinsan ko. Bakit pakiramdam ko ay umaasa pa rin siya. "Walang masama kung umasa ka. Wala ring masama kung nagugulahan ka rin. Nasa sa 'yo pa rin naman ang desisyon, Enzo," sagot ko. Pakiramdam ko ay naghihirap ang kalooban ko. "I hope this is will be better," nakangiti niyang sagot. Napabuntong-hinin