EPILOGUE Marinel NAPAMULAT ako agad nang maramdaman kong wala na si Enzo sa tabi ko. Pasado alas-dos na ng madaling araw nang tumingin ako sa relo ko. Nakalimutan naming kumain ng hapunan. Ang haba rin nang naitulog ko. Siguro ay dahil sa matinding pagod sa kaiiyak mula pa kahapon. Bumaba ako sa kama at hinanap si Enzo sa buong kuwarto pero wala siya dito. Lumabas ako ng kuwarto at laking gulat ko na may nagkalat na kandila sa may paanan ko. "Enzo..." tawag ko sa kanya. Napayakap pa ako sa sarili ko dahil sa lamig ng hangin. Sinundan ko ang mga kandilang nakahilera at natagpuan ko ang aking sarili sa isang maliit na cottage. Napangiti ako sa nakita ko. Isang dinner o breakfast date ba itong matatawag. May dalawang bonfire rin sa paligid ng cottage. Ang cute ng setting niya. Kinuha ko a
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books