BOLCT-19 Marinel HALOS madurog ang puso ko sa narinig ko mula sa kanya. Napailing ako ng matindi. Todo na rin ang aking pag-iyak na para bang wala ng bukas. "Gagaling ka pa," halos namamaos ko nang wika rito. Mapait itong napangiti at umupo sa kama. Hinila niya ako at kinandong. Niyakap niya ako ng mahigpit at isiniksik ang mukha nito sa leeg ko. Doon na ito umiyak ng matindi habang mahigpit na napapayakap sa akin. "I can't be with you anymore Nel," halos pabulong na nitong wika sa akin. Nahihirapan na rin akong huminga dahil sa sikip at sakit ng dibdib ko. Hindi ko kakayanin! "Magpa-test tayo ulit..." muling usal ko kahit halos hindi na kami magkarinigan dahil puro iyak na lang kaming dalawa. "Gusto kitang makasama Nel. Even if only just a few days left." Napahagulhol akong muli s