It was fifteen minutes passed six when I got to the room. Nasa loob ng CR si Laura at naliligo. Matagal siyang maligo kaya nang makita niya ako ay inisip niyang matagal-tagal na rin akong nakabalik. Hindi ako nagsalita o nagpaliwanag upang hindi na makapagsinungaling. I was watching the digital clock on her nightstand. Tumunog ang bell ng 7:15. Nagkatitigan kami. "That's rare. Hindi naman na-le-late ang bell." Muli ay tahimik lang ako. Wala naman akong ideya kung ano ang dapat isagot doon. Ang isip ko ay nasa lalaking iyon. Sana ay nakabalik na siya sa dorm nila bago pa magbell. I sighed and glanced on my side. Dahil walang bintana para makita ang kabilang building ay tanging pader ang bumati sa akin. Muli akong napabuntung-hininga. Hanggang ngayon ay hindi ko nakakalma ang sarili ko. "