"Uncle, malayo pa ba?" my voice was soft and almost a whisper.
Tumingin ako sa bintana at sa gilid ng burol na dinadaanan namin. Diretso lang ang sasakyan pero kahit isang building ay wala pa akong nakikita. Ayos lang iyon sa akin dahil hindi pa rin naman ako handa. Kahit ito naman ang gusto ko kahit noon pa, hindi ko pa rin maiwasang kabahan ngayon. Gayunpaman, wala na akong magagawa dahil tinatahak na namin ang daan patungo sa lugar na iyon. Dad has a finally let me go to school but it's not what I expected. Binigla niya ako. Ayaw kong malayo sa kanya pero ayaw ko rin namang tanggihan ang oportunidad na ito.
"Malapit na tayo." Isang beses siyang sumulyap sa akin at ngumiti.
I know it was not dad's sudden decision because he had mentioned it to me last year. Ang sabi rin niya ay isang Christian School ang papasukan ko. Hindi ako makaDiyos, hindi rin naman nakakalimot sa Diyos. I hope I make good friends there just like Rowan. I'm gonna miss him. Dad did not give me a phone to contact. He said he'd just ask the school admins about my what about. Kaya naman ibigay na lang ni Rowan sa akin ang number niya para matawagan ko kung may paraan. Ito ang unang beses na titira ako sa isang dormitory ng isang paaralan at malalayo ng matagal sa isla kaya hindi na rin nakapagtataka ang kabang ito.
Uncle Matt didn't talk about my mom. During the trip, he'd try to lighten up the mood. Tipid ko na lang siyang binibigyan ng ngiti upang kahit papaano ay hindi ko ma-offend. But there's a heavyweight inside me. Kung wala ito sana ay sabik na sabik ako ngayon.
It didn't take as long before we saw an arch. It's golden with a little rust. You couldn't tell if the pillars are old enough or not because it was really intricate and even shining with the light.
Nagsalubong ang kilay ko dahil sa likod ng arkong iyon ay walang kahit anong building. It's like we passed by into an expressway station and there's another highway we need to pass through.
"Quds University?" tanong ko, tinutukoy ang pangalan na nakaukit sa itaas ng arko.
Uncle shrugged his shoulders as he continued driving the never-ending highway. "I've researched the name and it said it means 'The Holy One'. Really for a Christian School."
"I don't mind which school dad brought me, but why it has to be this far from home?"
Hindi kaagad siya nakasagot. "He probably had realized you're growing now and staying imprisoned on the island wouldn't help you anything."
Ngumuso ako. Kahit ganoon nga ang pakiramdam ko ay never kong ginamit ang salitang 'imprisoned' para sa sitwasyon ko. Still, dad could have sent me to a nearby school.
"Malayo pa po ba?"
He nodded. "We're only meters away. Don't worry."
Ngumiwi ako. Paanong hindi ako kakabahan sa school na ito? Masyadong malayo at tago. Kung maliligaw man ako sa lugar na ito ay hindi ko aakalaing may eskwelahan dito. Is it one of the school built by early Filipinos during World Wars so no trespassers would see? Their hideouts?
Quds University. The Holy One? For some reason, I want to laugh. Kinagat ko na lang ang pang-ibabang labi ko.
Sa pagka-excite ay hindi ako nakapag-research man lang sa pupuntahang school. Isa pa ay sa byahe ko na lang naman nalaman ang pangalan ng school.
Maybe if my mom is still with us, she wouldn't let my dad send me away to go to school. Hindi man sa ibang bansa, tingin ko ay malayo pa rin ito para sa isang tulad ko na sa isla na lumaki.
Uncle said earlier that the school was built twelve years ago and operated two years after kaya hindi iyon isang hideout noong panahon ng giyera katulad ng iniisip ko ngayon.
"You ready, dear?"
Uncle's question pulled me out of my reverie. Saka ko lang napansin na nasa harap na kami ng isang malaking itim na gate. It's African blackwood that looks so strong and intricate with random carved designs. On the sides, the walls are made of brick walls, so high no one was able to see what's inside.
"Are we here?" takang tanong ko. Walang kahit anong arko sa gate na nagsasabing ito na nga ang eskwelahan.
"Yes, and I can't go with you inside. Hanggang dito na lang ako."
"Uncle, may I ask you again? Why did daddy choose this school for me? And is it really a must that you sent me here because—"
He patted my head. Kahit nagugulo ang buhok ko ay hinayaan ko siya at nanood sa kanya. "Are you worried? I'm sure kapag sinabi mo sa daddy mo na ayaw mo—"
"Hindi naman po sa ayaw ko na. I've been wanting this my whole life. Pero... baka nga po nag-aalala lang ako sa maaaring mangyari. It's my first time being away from daddy."
"Your dad can take care of himself. Dapat nga magpasalamat ka pa na pinayagan ka niya sa bagay na ito. You know how your dad can be manipulative... sometimes."
Napangiti ako at marahang tumango bilang pagsang-ayon.
"Relax. Hindi ka naman dadalhin ng daddy mo kung saan mapapahamak ka. Your Uncle Rex said your dad had been thinking about it for long now. It's his decision to let you free."
Lumiwanag ang mukha ko pero pilit pa rin ang ginawa kong pagngiti. I still don't like the idea of schooling here. "I'm going to miss everyone. Hindi ba pwedeng sa ibang school na lang para makauuwi pa rin ako sa bahay?"
"The princess is scared of being away from home, I see." He nodded to himself. I playfully nudged him.
"That's not it! But... If I changed my mind and I don't want to stay anymore, can I go back home?" I asked hopefully.
Sandali niya akong tinitigan bago tumango at ngumiti. "Sure dear, sure. Go on, naghihintay na sila sa'yo."
Tumango ako at bumaba. Bumaba rin si Uncle para kunin ang mga luggage ko sa compartment. Hawak ko ang puting backpack na laging dala kung nasaan ang mga personal na gamit ko at ang laptop. Nag-angat ako ng tingin sa matayog na gate at sa kakaibang design noon. I'm sure Grammy would love its design.
"Be a good child, Princess, though I know you are since then," Uncle said from my behind.
Nang nilingon ko ay dala niya ang tatlong malalaking puting maleta ko. Hindi pa naman iyon ang lahat ng gamit ko. Ang sabi niya ay ipapadala na lang daw ang iba.
Kinuha ko iyon mula sa kanya. Tumango siya sa akin at hindi ko na napigilan ang sarili ko. Niyakap ko siya pero hindi ako umiyak kahit pa pakiramdam ko ay hindi ko talaga kakayanin ito. "I'm gonna miss you, Uncle."
Marahan niyang tinapik ang likod ko at bahagyang tumawa. "Mamimiss din kita, Serena."
Ngumuso ako pero hindi na pinatulan ang tukso niya.
Kinagat ko ang labi ko at humiwalay. Masyado na yata akong nagiging clingy sa kanila. Malaki na ako at dapat lang naman siguro na sanayin ko na ang sariling mag-isa.
"Please always visit my dad in the island," marahan kong sinabi. May ngiti sa labi ko nang tiningala siya pero hindi na maitago ng mga mata ko ang lungkot. "Can I ask you for a favor, Uncle?"
He smirked, his blue eyes twinkling. "Aren't you always asking me for that?"
Lihim akong umirap, gustong matawa pero muling nagseryoso.
"What is it?" he asked, arching his brow.
"Can you please..." I pinched my fingertip and stared up at him again. My eyes narrowed because of the bright sky. "Can you please put flowers on my mom's grave every day? Or anytime you're available. Please?"
The smile on his face was slowly gone. Pilit niyang itinago pero nakita ko pa rin ang lungkot na dumaan sa kanya. Slowly, he nodded and forced a new smile again. "I will." He glanced at the still closed gates to hide the sudden sadness, probably mirroring mine. "I have to go. Wait for them to open the gate, okay? I know they already know you're here."
Tumango ako at ipinakitang ayos na ako. Kahit sa totoo lang ay gusto ko ulit sumama pabalik. Pumasok siya sa driver seat at ilang sandali lang ay umikot na. I stared at the car until I can't see it anymore. Even if it's an hour early before lunch, this place seems really creepy. Siguro nga ay talagang ganoon. If someone wanted to change their life, they should be away from everything. Sadly, I shouldn't be here. I just wanted to be a normal teenager.
But it's too late. I'm here now and half of the gate behind me is already slowly opening. A bald man in white uniform emerged out. I guess, the security guard?
Lumapit siya sa akin at tahimik na kinuha ang dalawang luggage. Isa pang bald man ang lumabas at kinuha ang isa pang luggage. Nagtaka ako dahil diretso lamang nila iyong ipinasok sa loob. Pipigilan ko sana nang lumabas naman ang isang matandang babae.
She's not that old, I mean. But with her thick glasses, hair in a bun, white blouse with a red scarf and black pencil skirt, she's like an old maiden.
But as I said, she's not that old. Maybe in her early or late twenties? Her attire isn't attracting at all and by that, I can say she's one of the staff here, the strict one.
"Miss Serenity Ruskin!" She smiled, her eyes twinkling in excitement. "I'm Miss Peyton, the OIC here."
Ngumiti ako nang abutin ang kamay niya. OIC? Hindi ba masyado siyang bata para sa isang eskwelahan na itinayo eleven years ago? I don't really know what's the requirements or standards to be an OIC of a school. I'm just expecting someone in that position to be old or so.
"Welcome to Quds University!" She shook our hands with a gentle grip. May inabot siyang papel sa akin at ipinaliwanag ang kailangang gawin doon. Iginiya niya ako sa loob.
Nang tuluyan na kaming nakapasok ay saka ko napansin ang malaking building sa gilid pero hindi siya rito nakaharap. Miss Peyton guided me. Hindi ko na nakita ang dalawang guard na kumuha ng gamit ko.
We walked and walked until I was face to face to a huge building. It's not a normal school here in the Philippines just like what I've seen on the internet. Its structure looks like those in another country. The vintage and classic one. On the other side is another building smaller in what's in my front but it is still a big one.
"Where are the students?" I asked Miss Peyton who.
"They're in their room. The classes are still ongoing. Exactly twelve noon, they will be out for lunch break and back to their classroom again."
"Until what time?"
"Three in the afternoon. Pagkatapos ang lahat ay dapat ng manatili sa kanilang mga apartment."
Lumunok ako sa diin ng pagkakasabi niya ng mga salita. Hindi ko na lamang pinansin at muling nagtanong. "Where is my apartment?
Hindi kaagad siya sumagot kaya hinarap ko. She's looking directly at me. Ngumiti ako. Lumaki ang ngiti kong iyon nang ngumiti rin siya pabalik. Kahit kinakabahan, hindi ko mapigilan ang galak na nararamdaman ko. I'm really in a real school now. Who would have thought?
Hindi nawala ang ngiti kong iyon kahit nang lingunin ang mga estudyanteng naglalakad sa corridor ng mas malapit na building. Apat na palapag iyon ngunit mayroon pang isang parang attic. Sa ikaapat na palapag ay may maliit na terrace na kita mula rito. Malalaki ang mga bintana kaya kitang kita ko ang mga estudyanteng nagmamadaling maglakad hanggang sa makita ko na silang lumalabas ng building na sa tingin ko ay canteen. Kaya lang ay masyadong malaki ang building na iyon para sa isamh canteen.
White long sleeves with a pink scarf, black skater skirt, and white knee socks ang suot ng mga girls. Sa boys naman ay white long sleeves rin pero may nakapatong na sleeveless sky blue cotton shirt and black slacks. Pero teka? Ang alam ko ay all-girls school ito!
"Miss Peyton...?" Lumingon ako sa paligid pero wala na siya. Nagdaanan ang mga estudyante na galing sa building na ito at sa kabila pang building. Lahat sila ay papunta sa mas maliit na gusali.
Normal naman silang lahat. May nagtatawanan, nag uusap, tumatawa, tumatakbo, naglalakad ng mabilis. May mga grupo at may mga nerd na nag iisa dala ang mga libro nila. This is exactly what I imagined schools are.
Isang beses lang na nabanggit ni uncle na all-girls school ang papasukan ko para naman daw safe ako. Wala rin namang sinabi sa research ko pero iyon talaga ang inaasahan ko. Hindi naman exclusive school for girls ang eskwelahan ko last year.
"Miss Peyton?" tawag ko ulit pero wala talaga. Kahit marami ang estudyante ay hindi naman siksikan kaya imposibleng mawala siya dahil sa paglabas nila.
Nasaan na ang OIC?
Ang ibang estudyante ay hindi naman pumasok sa loob. Nakaupo ang iba sa mga benches at sa mga damuhan. Nagdadalawang-tingin sa akin ang iba. Ang ilan naman ay hindi na natanggal ang tingin. I would smile to everyone, wishing to find friends here. Nababawasan ang ngiting iyon sa tuwing may babaeng umiirap sa akin. Subalit bumabalik kapag may ngumingiti pabalik. Ang ibang lalaki pa ay kumikindat sa akin. I'm wearing my sleeveless floral top and white skirt. Out of place compared to their uniform.
Lumingon ako sa paligid. Naglakad ako upang silipin kung nasan ang malaking gate na pinasukan ko kanina. Nanlaki ang mga mata ko dahil nakasulat pala doon ang ibig sabihin ng pangalan ng school. Malalaki ang bawat titik kaya madali ko namang mabasa. Hindi lang siguro ako makapaniwala sa nababasa ko kaya naglakad pa ako palapit. Malayo pa rin ako pero basang-basa ko na ng sigurado.
QUDS University
Naglakad ako palapit sa gate na wala namang kahit isang guard na nagbabantay. Mataas ang mga pader at imposibleng makapasok ang sinumang nasa labas. Pero kung dito manggagaling sa loob ay madali lamang naman siguro lalo at wala ang mga bantay.
Isang beses akong lumingon sa mga abalang estudyante. Humakbang ako palapit sa gate nang may humawak sa braso ko. I thought it's Miss Peyton pero nang lingunin ko ay napakurap ako sa matangkad na lalaking nakangisi sa akin. His hand traced down the skin on my arm before letting me go. I smiled back at him.
"You're lost?" He licked his lower lip. Bumaba ang tingin ko roon. Nang mapuna niya ay nagtaas siya ng kilay. Uminit ang pisngi ko.
"I'm new here. I'm actually looking for Miss Peyton pero bigla siyang nawala. I don't know what I'd do with this paper." Inilahad ko sa kanya ang papel.
He reached to check it. "Oh! Admission paper?" Lumingon siya sa kanyang likod at akmang may ituturo nang may lumapit sa aming grupo ng estudyante.
"Lynus," malamig na tawag ng babae. She's wearing a uniform together with the other girl with her. Tatlong lalaki ang kasama nila na halos kasingtangkad din nitong lalaking tinawag niyang Lynus.
Ngumiti ako sa kanya pero mataray siyang nagtaas ng kilay. Nakaekis ang kanyang mga braso. Tinikom ko ang bibig ko at pinagmasdan na lang ang mahaba niyang buhok.
"Who is she?" the girl added.
"What's your name again?" Lynus asked me with a smile. I smiled again and was about to answer him but the girl walked to us. Ipinulupot niya ang braso sa braso ni Lynus at inilayo sa akin.
"New student, huh? Stop flirting with her... And you, tigil-tigilan mo ang pakikipaglandian sa boyfriend ko."
I blink rapidly. Pakikipaglandian?
Kahit medyo na-offend ay ngumiti pa rin ako sa kanya. "Hindi ako nakikipaglandian. Itatanong ko lang sana kung—" Inagaw niya kaagad sa akin ang papel.
"Admission paper? Where's Miss Peyton?"
"Nawala nga s'ya bigla e."
"I heard the headmistress called her. Urgent," a guy with them answered. He winked seeing me listening to him. "I'm Dexie." He waved his hand at me. I waved back but didn't get to say my name again. The second girl butted in.
"What are you? A freak? Stop flirting with everyone."
I bit my lip. "I'm sorry."
She and the first girl and rolled their eyes in unison.
"The headmistress' office is the building behind that building." The third guy pointed at the huge building. "The last building behind, I mean. You'll get passed the Engineering building and Valencia Hall. And the soccer field, of course."
I barely nodded. Hindi ko gaanong naunawaan ang direksyon niya. "Salamat. Magtatanong na lang din ako kung saan—"
"Tss, walang tiwala sa'yo?" singit ni Dexie. Tinapik niya ang balikat ng lalaking nagturo ng direksyon.
"Hindi naman sa ganoon. Baka lang kase maligaw ako."
"Hindi ka maliligaw. Iyon ang pinamababang building sa lahat ng buildings dito," ang unang babae.
"Are you sure about this guys?" Ngumisi si Lynus. Inirapan siya ng babaeng katabi at bahagyang itinulak. Sunod-sunod silang umalis. Si Dexie ay kumaway muli sa akin.
"Salamat!" habol ko.
Pinakamababang building. Iyon ang itinatak ko sa isipan ko. Naraan ko ang sinasabing Engineering building at Valencia Hall. Dinaan ko rin ang malawak na soccer field. May pathway sa gilid pero naisipan kong daanan ang maberdeng damuhan. I've been living with the vast blue ocean that it fascinates me seeing this wide green field.
I feel so free!
Hindi ko rin naman pinatagal ang pagliliwaliw. Natagpuan ko ang mababang building na medyo malayo sa iba pang building. Wala rin akong nakitang estudyanteng naglalakad malapit doon. I was hesitant to go inside seeing the wire baricade sorrounding the building. May daanan naman papasok na sapat ang lalaki ng sasakyan. Though walang sasakyan sa gilid ng building.
Sa unang tingin ay mukha iyong luma. Subalit nang lumapit ako, ang batik-batik na design ng gusali ay sadya pala. But because of the silence and not being able to see anyone, I feel a bit weird.
Kaya naman ganoon na lang ang pagkagulat ko nang may narinig na yabag mula sa likuran. Nagtatawanan ang papalapit na lalaki na may dalang folder na may nakaipit na papel. Isa sa kanila ang unang nakapuna sa akin. Itinuro niya ako sa mga kasamahan dahil upang matigil ang tawanan nila.
I smiled and waited for them to reach near me. Tatlo sila. Ang lalaking nagturo sa akin ay itinagilid ang ulo habang pinagmamasdan ako.
"Bawal ka dito ha?" ang lalaking may suot na reading glasses ang nagsalita.
"Bakit ka nandito?" dagdag ng pangatlong lalaki, hawak ang folder ma tinutukoy ko.
"Hinahanap ko kase si Miss Peyton. She gave me these papers and I don't know what—"
"So ano ngang ginagawa mo rito?" the first guy asked. Unlike the two, he's not wearing his coat. It was carelessly hanging on his shoulder.
My smile didn't falter but my confusion grew as my eyes drifted to each and every one of them. Hindi ba nila ako naiintindihan?
Mahina akong natawa. "Miss Peyton—" Natigil ako nang lumipat ang tingin nila sa aking likuran. I spun around to see what it is. A guy wearing his white shirt stood behind us, his hands on his jeans pocket.
Hindi ko rin naman nagawang pakatitigan nang sa gilid ng mata ko ay napansin ko ang paggalaw sa itaas. At the second floor, there I saw a guy emerged out one of the doors. Sa kanyang mga braso ay ang patong-patong na tingin ko ay folders. I eagerly smiled, now confirming it's really the headmistress' office. Iyon din marahil ang sadya ng mga lalaking ito, ang magpasa.
Mabilis akong tumakbo palapit sa building. The guy with a white shirt stepped on his side. Siguro ay nalito kung saan dadaan kaya nagkabungguan kami. I awkwardly smiled. Mukhang may nahulog sa kanya sa pagkakabunguan naming iyon pero hindi ko na pinansin. Tumakbo na ako paakyat ng building. Nang nasa itaas na, malapit sa hagdan ay kitang-kita ko ang pag-awang ng bibig ng lalaki. The sweat is forming on his forehead. Nilingon niya ang mga lalaki sa baba. Ako naman ay ngumiti lang nang lampasan siya.
Tinakbo ko ang distansya ng kwartong nilabasan niya. There's no sign telling it's the headmistress' office but I went inside anyway.
The room is dark. Not really dark but it's not what's supposed to be an office looks like. Dad's study has a dim light but it's not as messy as this. It's like a classroom before. Many chairs scattered around. There's even a board in front. The smell of smoke slowly gets into my nostrils. Sa dulo ay may isa pang pinto. Bahagya iyong nakabukas at lumalabas mula roon ang kaunting liwanag.
Magtutungo na sana ako roon nang marinig ang mabibigat na yabag. I only heard the door drastically hitting the wall as it was open with a force. The silhouette of a man went directly to me. I only get to see the white shirt of a guy. Umawang ang bibig ko para sana magtanong ngunit napasinghap ako sa marahas niyang pagtulak sa akin. My back hit the board behind me. The pain barely sinking in on my mind when a rough hand clasped around my neck.
My instincts told me to hold the man's hand or I'll die choking.
"Who the f**k are you?" the voice growled. His breath was harsh to my skin.
I wriggled and tiptoed to lessen the pressure but his grip tightened. He even yanked my hair to see the tears of pain on the corner of my eyes. I winced.
"I... I'm—"
"The disrespectful b***h?" he added, anger dripping in his voice. I shook my head.
What's... what's this? I've never been introduced to this kind of pain. And this kind of introduction is far more different than what Rowan has told me about.