EPISODE 26 FRIGHTENED LARA LAUREEN’S POINT OF VIEW. “Ano iyong nalaman ko na lumipat ka na raw ng pinagta-trabahuan, Mrs. Miller?” nakataas ang kilay na tanong sa akin ni Steven. Ayoko pa sanang makipagkita sa kanya dahil marami pa akong gagawin sa aking bagong trabaho at ayoko rin munang sabihin kay Steven ang totoo dahil sigurado akong kukulitin niya ako. Pero mukhang wala na rin akong magagawa dahil nalaman na niya ito. Ang bilis talagang kumalat ng balita, lalo na’t asawa na ako ni Adler at isa na rin akong Miller kaya marami kaagad makakaalam kung ano ang balita tungkol sa amin. Nakipagkita sa akin si Steven sa isang restaurant na hindi malayo sa Miller Building. Hindi ako komportable na pumunta roon sa kompanya ni Adler si Steven kaya ako na ang pumunta rito upang kitain siya.