EPISODE 27 CONFRONTATION LARA LAUREEN’S POINT OF VIEW. Hindi pa rin ako makapagsalit at hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala sa lahat ng aking nakita. Bakit may baril si Adler? Isa ba siyang myembro ng sindikato? Bakit may baril siya at parang hindi pa siya natatakot na makapatay siya ng isang tao! “Kumain na muna tayo sa restaurant bago tayo umuwi sa bahay.” Napasulyap ako kay Adler nang sabihin niya iyon. Sabay na kasi kami sa pag uwi dahil iyon din ang kanyang gusto. Buti na lang talaga at kalmado na si Adler ngayon at nabawasan na rin ang takot at kaba na nararamdaman ko. Si Adler na ang nagpili kung saan kami kakain at nakita kong pumunta kami sa isang Spanish Restaurant at tahimik lang din akong lumabas sa sasakyan nang ma-park na niya ito at sumunod sa kanyang likuran. Na