10.
LUSH MIGUEL was immediately dragged by his father when he hopped out of his car. Ipinasok siya nito sa elevator saka ito namulsa. Daig pa nito ang holdaper kung makaasta.
“What are you up to with dela Vega, son?” Tanong nito sa kanya.
“You mean Don Claudio dela Vega?” Umangat ang mga makakapal na kilay ni Lush sa taas ng kanyang suot na salamin sa mata.
“Yes. He's here. Aren't you aware?”
“And you dragged me here because?” Tanong niya muli kay Lux.
Alam niya kasing may gustong ipahiwatig ang kilos nito sa kanya ngayon kaya siya dali-dali nitong hinila.
Hindi niya rin naman alam na narito ang ama niya nang ganito kaaga.
“Because I want you to turn down whatever offer he has to make.”
“Because?”
“Because I didn't like what he did to one of our employees earlier. Ang sasakyan nila parang bullet train sa bilis tapos sinabihan ang janitress na estupida.”
Napatanga siya saglit sa mukha ng ama.
Janitress, “Who?”
“I didn't ask for her name but she's lovely and young, parang Mommy mo rin nung kabataan niya, nakakaengganyong tingnan.”
Napangiti siya, “And you sound attracted to that woman, huh.”
“Hell, sa tanda kong ito Lush, maswerte ng tayuan ako ng thirty minutes.”
Napakahalakhak siya sa sinabi nito saka niya ito inakbayan nang lumabas sila sa elevator.
“You know how we treat our employees, son. We don't do that to them. Kapag lumihis tayo riyan, parang kinalimutan na rin natin ang mga bilin ni Mama.”
“Yes, Dad. I won't forget that. Don't worry, I don't have any intention of building a bond with that man. Perhaps he's here to offer me to fund their app. Balita ko ay may bagong app ang dela Vega Industries, tatapatan ang Toda.”
“Don't dare fund that man. Masyadong mapagmataas si Claudio,” mariin na utos ni Lux sa kanya kaya tumango siya para mapanatag ang ama niya.
“May balita na ba sa istokwa na apo nun?” Naisip niyang itanong sa Daddy niya.
Naalala niya ang apo ni Claudio noon. Magkasing-edad sila ng tagapagmana ni dela Vega, at parehas na varsity sa university. Masyado iyong naiinggit sa kanya dahil siya ang team captain ng kabilang grupo ng basketball players, at sila ang madalas na mag-champion. Kapag ang kampo nun ang lumalaban, ay parating natatalo.
Minsan silang nagkairingan at nagkasuntukan. Pagkatapos nun, nawala na ang lalaki at di na alam kung saan na napunta. That was way back in grade school.
“I don't know yet, son. Ang tagal ng nawawala ng apo nun. Nasa U.S pa tayo ay wala na ang apo niya. Ilang taon na ang nakalilipas. Baka patay na yun,” anaman ni Lux sa kanya.
Hindi na siya nakasagot dahil sa salaming dingding ay natanaw na niya ang lalaking kanilang pinag-uusapan.
Nakaupo na si Claudio dela Vega sa silya, sa labas ng opisina ni Lush.
“He's waiting for me,” he said to his father and glanced at his face.
“Exactly my son. By the way, your boobbie just wanted me to drop this snack for you and Melo,” anito sa kanya kaya natawa siya at nahilot ang batok.
Iyon ang term na ginagamit ng kanyang ama kapag binibiro siya sa Mommy niya. Noong bata raw kasi siya ay mahilig siya sa boobs ng Mommy niya. Well, things have changed now. Boobs na ng mga magagandang babae ang kanyang gusto.
“Thank you, Dad,” he said to his father and handed the lunchboxes.
His mother has been a very thoughtful woman since then and now. Walang nagbago sa pag-aaruga ni Heart sa kanilang magkapatid, mula sa pagkabata nila hanggang ngayon man.
Si Love, kahit na may asawa na ay bini-baby pa rin ng Mommy niya, kahit siya, pero iba na ang trip niya sa buhay dahil may edad na rin naman siya.
“I'll also bring this one to your Kuya Delight,” paalam ni Lux sa kanya kaya tinapik niya ang balikat ng ama.
“Ingat, dad.”
“Salamat, anak,” anitong nakangiti saka naglakad papaalis bago tumalikod.
Dala ang lunchboxes na kulay pink, Diyos ko, parang bakla si Lush sa kanyang pakiramdam.
“This is for you,” aniyang inilapag ang lalagyan sa mesa ni Melo.
“Good morning, sir. Mister dela Vega is waiting for you,” ani Melo sa kanya nang tumayo at batiin siya.
“Don Claudio!” Sabat ng lalaki para itama si Melo, kaya nagkatitigan silang dalawa.
Ang kanyang lola, ni minsan ay hindi niya narinig na magmalaki sa ibang tao, kaya paniwala siya sa kasabihan na ang mapagpakumbaba ay itinataas. Lalong lumago ang kanilang negosyo at lalo silang yumaman. Kahit siya, namana niya sa ama niya ang pagiging palatago sa media. He doesn't show himself as a billionaire. Kahit sa mga social is gatherings, kung um-attend man siya ay hindi siya nagpapaunlak ng mga litrato ay mga interview. Naniniwala kasi siya na ang ganung okasyon ay para maglibang ang nga businessmen, hindi para bulabugin ng mga reporter at paulanan ng mga flash ng camera na halos ikabulag na niya.
“In my office, Don Claudio,” pagdidiin naman niya sa salitang don nang harapin niya ang lalaki.
Nagpatiuna siya sa kanyang pinto at binuksan iyon.
Kasusunod niya ang matandang lalaki, na may kasamang babaeng sekretarya.
“Have a seat,” he offered, not being true to himself.
Diretso naman siya sa mesa niya at naghubad ng kanyang coat. Isinabit niya iyon sa kanyang upuan.
“What brings you here after so many years, don Claudio?” Agaran niyang tanong saka naupo sa silya niya.
Isinampa niya ang mga paa sa mesa at ganun na lang ang pagtanga ng matanda sa kanya.
Sumulyap ito sa mga paa niyang balot ng medyas, “Well,” tumikhim ito, “I will go straight directly to the reason why I'm here. I will ask you to fund this new app for my industry. It is called, Byaheng Langit.”
“Hmn, very Pinoy,” aniya naman at bahagyang napalabi, “Enlighten me.”
“This is an app for adults only.”
“Talaga ba?” Kunot noo siya.
“Well, depende sa subscribers. Of course, kahit teenager basta may pambayad, welcome na mag-subscribe.”
“And how do you come up with this plan?”
“We know how the world evolved, Lush Miguel. Hindi na uso ngayon ang mga wholesome na pelikula at series sa telebisyon. Kahit sa nobela, mas tinatangkilik ang mga malalaswang babasahin.”
He nodded.
That's quite true. Isa siya sa nagpo-pondo sa mga ganung palabas sa mga pang-adult na app pero isa rin siya sa mga taong tumatangkilik pa rin sa mga wholesome na pelikula o babasahin.
“And how do you know that your app will beat the others? Baka malugi ako. I'll think about it, Don Claudio.”
Napatanga ito sa kanya at mukhang inaasahan na nito na oo ang isasagot niya. Maanong basagin niya nang kaunti ang ere ng matandang ito.
“My company is the number one production company in Asia, Don Claudio. Of course, it is my duty to assure that the apps and other stuff that I will fund will give me five times my invested amount.”
Tila nalaglag ang implants na ngipin ng matanda sa mga sinabi niya.
“Five times? Ano na lang ang kikitain ko?”
Lihim siyang napangisi sa nakikita niyang reaksyon nito. Daig pa nito ang nalugi ng ilang milyon kahit na wala pa man lang.
“You have the decision in your hands whether you'll let me fund it or not. Alam ko mayaman ka naman–”
“Napakayaman,” pagtatama nitong muli kaya lalo siyang nabwisit.
Alam naman niya ang gusto nito, ang hindi ito malugi kaya ito naghahanap ng ibang gagastos para sa sinasabi nitong app. Akala naman nito ay mauuto siya nito.
“Kung hindi tayo magkakasundo, wala akong problema. Madali lang akong kausap, Don Claudio. My door is wide open for you to leave with your…” sinulyapan niya ang kasama nitong babae na nakatayo lang at hindi umuupo, “Lovely secretary.”
Hinagod niya ng tingin ang babae na parang kinilig naman sa sinabi niya dahil ang matanda ay nawalan na ng imik.
“If I may ask, Don Claudio, have you found your missing grandson?”
Muli niyang tingingnan ang negosyante.
“Since I was in grade school, he went missing. Have you seen him now?”
Lumabi ito saka ngumisi na may kasamang tango, “Gladly, yes. Inaasikaso niya ang pagkuha ng kanyang mana. One of these days, he will handle all of the dela Vega businesses,” tila proud na sabi nito sa kanya kaya tumangu-tango rin naman si Lush.
Parehas naman na mayabang ang mag-lolo, at alam niya ang karakas ng lalaking iyon noon pa man.
“What's his name again?” kunot noo na tanong ng binata.
“Baron. Baron Sanchez dela Vega.”
Yes. He remembered now. Baron.