2.
NAKATAAS ang mga kilay ni Heart nang datnan ni Lush sa restaurant.
He was forcefully invited to come to a late at night dinner with his family.
Hindi niya pinansin ang makamatay na tingin ng Mommy niya. Lumapit kaagad siya sa kanyang kapatid, na pangiti-ngiti habang nakataas ang mga kilay.
"Hi, sis," he greeted his younger sister.
Kumibot lang ang mga kilay nito nang halikan niya sa pisngi.
Tapos, saka siya lumapit sa ina niya, "Mom," he said and squinted his eyes, "You're getting younger, a," aniya.
"Saan ka galing at di ka man lang nag-reply sa mga messages ko?"
"What? I replied. You better check your phone, Mom. You'll see my reply," tila proud pa niyang sabi.
"Kailan?" Masungit na tanong ni Heart sa kanya.
"Kanina!" Proud na sagot niya kaya napapangiti si Delight habang iiling-iling.
"Sira ulo ka talaga," natatawang sabi ng Daddy niya sa kanya.
"What's important is that I replied! Mommy, laging highblood," aniya pa saka naupo sa tabi ng kanyang ama.
"Kumusta si Babuela?" Tanong niya sa ama.
Hindi niya kailanman nakaligtaan na kumustahin ang lola ng kanyang ama. Matanda na si Carmenzita. Imposible man na paniwalaan ay mahigit ng isandaang taon ang matanda.
Naka-wheelchair na iyon at parati na lang nasa bahay, pero nakikilala pa sila kahit madalas ay nakakalimot na.
"She's fine. Natutulog na siya dahil masyado ng gabi kung makikiharap pa siya sa atin," ani Lux sa kanya.
Believe it or not. His parents are the ones taking care of Carmenzita, personally. Ang mga ito ang kasama ng kanilang lola, dahil sila ni Love ay may sari-sarili na ring mga buhay.
Mula nang tumuntong sila ng desi otso, binigyan na sila ng karapatan na gawin ang gusto niya sa buhay, huwag lang ang paggawa ng mga masasamang bagay, dahil nanay niya ang una niyang makakalaban.
"I'll check her later," he just said as he sat down on his chair.
Napansin niyang kulang ang tao, wala ang asawa ni Love at ang mga pamangkin niya. Si Delight naman ay wala rin ang asawa at mga anak.
Siya ay wala namang huhugutin na asawa at anak dahil wala naman talaga siya nun.
"You better. Alam mo naman na masayang-masaya na si Mama, makita lang kayo," Lux told him and he nodded.
That's quite true, at hindi man niya ipakita o sabihin, nalulungkot siya sa edad ng kanyang Babuela, na mula sa pagkabata ay nakasama na niya.
Carmenzita was still so young back then, still doing her yoga. Pumanaw na matagal na panahon ang mga kaibigan nun, at ang kanyang ina na ang namamaha sa foundation. Ang maswerte na nabibiyaaan ng mahabang buhay ay ang matanda, bagaman at may pagka-ulyanin na.
Carmenzita was now declared as the oldest person in the Philippines, at the age of 121 years old, turning 122.
"Iiyak na 'yan," biro ni Love sa kanya kaya tinitigan niya ang kapatid.
Alam nito na mahal na mahal niya ang Babuela nila. Tumanda man sila at nag-edad, hindi na nabago ang tawag nilang iyon sa matanda.
"Silly. Bakit ako iiyak? Malakas pa si Babuela, sira ulo ka!" Aniya sa kapatid niya na natawa lang naman.
"She was asking for you these past few days. Di mo siya binisita," nakairap na sabi ni Heart sa kanya kaya napaawang ang labi niya, at kulang ang sabihin na sinaksak siya ng konsensya.
Aminado siya roon.
"Lush Miguel," his Mom said with her teary eyes, "Matanda na si Mama na sobra. Kung babae lang ang dahilan ng hindi mo pagsilip sa kanya, please don't."
"I'm sorry, Mom," tango niya sa ina.
"Ako, okay lang na di mo i-reply pero may isang matanda rito ang umaasa na makita ka bago siya matutulog."
"Mag-fasting ka muna sa babae, bro," anaman ni Delight na nangingiti pero hindi siya makangiti.
Sapol na sapol siya ng Mommy niya.
"Hindi kita sinisermonan sa harap ng pagkain pero wala akong panahon na gawin yun. Kapag idinaan ko sa chat, hindi mo naman din babasahin. Baka anak ka ni Diana, na ex ng Daddy mo, naka inbox zone lagi ang Dad mo."
"Mommy naman," aniya dahil napakamot din ang ama niya.
"Nadadamay pa ako. Senior citizen na kami pero kabisado pa rin ng Mommy mo ang history."
Nagkatawanan sila pwera lang sa ina niya na nangingiti lang.
"I'll visit her everyday. I promise. Kumain na tayo, Mommy. Sorry na ulit," aniya rito at tumango naman ito.
God. Who would even feel so glad and happy if a hundred messages were badly ignored?
Siya man ang i-inbox zone ay di rin siya magiging masaya.
"WHERE have you been ba kasi?" Irap ni Love sa kanya nang naglalakad sila papunta sa kwarto ng kanilang lola.
Magkakrus ang mga braso ng kapatid niya sa dibdib, kala naman ay katangkaran, mana naman sa Mommy nilang maliit.
"'Wag ka ng magtanong pa, Love. Parang di naman natin kilala ang kuya mo," anaman ni Delight saka siya inakbayan.
"Di ko alam kung kanino ka kampi, Kuya," anaman niya roon kaya natawa na lang sa kanya.
"Wala akong kinakampihan, nasa gitna lang ako. Balimbing ba."
Nagkatawanan silang tatlo.
"You know, sis, women are part of a man's life. We will get weak if we do not womanize."
"Dugh! Nandamay ka pa ng ibang lalaki e ikaw lang naman ang babaero," sagot naman ni Love, "I'm praying na sana ay makarma ka."
Nilayasan sila nito at mabilis na lumapit sa pinto ng kwarto ni Carmen.
"Tamo to, parang hindi mo ako kapatid," anaman niya habang nakasunod ng tingin sa bunso niya pero napatigil siya sa pagdaldal dahil may buma-vibrate sa loob ng bulsa niya.
He saw Melo's number.
"Ayan, babae na naman. Kapag si Melo ang tumatawag, babae 'yan," ani Delight na sa screen ng smartphone niya nakatingin.
"This could be about business, bro," giit naman niya rito na nilayasan na rin siya at sumunod na kay Love.
"Whatever you say, bro."
Itinaas pa nun ang kamay saka pumasok sa kwarto ni Carmen.
Hindi man nila kadugo si Delight, apo ang turing dun ng kanyang Babuela. Ang kanyang ninong Vandros ang naging parang ama ni Delight pero ama rin ang turing nito sa Daddy niya, at tunay na magkapatid ang tingin nila sa isa't isa.
Sinagot niya ang tawag ni Melo sa kanya dahil baka emergency talaga iyon sa negosyo. Mahirap na mapalagpas niya iyon.
"Mel," he said to his right hand.
"Sir, Miguel, inihatid ko dito sa condo ang papeles na dapat niyong tingnan para sa bagong pelikula na inililigaw sa inyo. Kailangan ng mapondohan kung approve kayo. Inihatid ko na para hindi na kayo mahirapan pa na bumalik sa opisina kung sa mesa niyo ko iiwan."
"Thank you," he answered.
"Nasa reception area, sir. And… your ex-girlfriend arrived fifteen minutes after you left the office."
Agad siyang napakunot noo. He wasn't informed that he had an ex-girlfriend.
"Who? May ex na pala ako di ko nalalaman," aniya kaya medyo natawa si Melo.
"Miss Anne Estravez."
Jesus. Hindi niya ex si Anne. Iyon lang ang ipinagkakalat ng babae na iyon pero walang katotohanan. He just escorted that woman.
Acting CEO iyon ng TodaMax Network at ang ama ay chairman. Naghahanda iyon sa pagpalit sa posisyon ng ama, at dahil business partners sila ni Don Benito Estravez, pinakikisamahan niya rin si Anne.
They were together when TodaMax was launched, a year ago. And Anne was the face of that App, and he was the face of the production company.
Mula noon, napabalitang may relasyon sila. Aaminin niyang ikinama niya ang babae at hindi lang sampung beses, pero nagsawa rin siya at iniwasan na iyon.
Amanos lang naman sila dahil nakita rin naman iyon ng Mommy niya na may ibang lalaking kahalikan. Since then, Lush never drew himself closer to Anne anymore.
"She personally delivered an invitation for the upcoming birthday of her father, sir Miguel."
"Okay. Wala na ba?"
"Nothing more, sir."
"Thanks," he said and ended the call.
Hindi niya alam kung pupunta siya sa birthday party na iyon ni Don Benito. Malamang ay parang ahas na pupulupot si Anne sa kanya, bagay na hindi pa man lang ay nadidismaya na siya.
Napakaarte kasi ng babae na iyon at pa-virgin noong una silang nagkakilala.
Sa lahat ng ayaw niya ay pabebe ang babae at maraming demands sa buhay, iyong kahit hindi naman siya muchacho kung utusan siya ay parang daig pa niya ang isang yaya.
Hindi siya naging si Lush Miguel Montesalvo para lang pag-inartehan ng babae.