Napabalikwas siya ng bangon nang magulat siya sa pagtunog ng alarm. Masarap pa sanang matulog pero kailangan na niyang bumangon.
First day of school. Kailangan niyang bumangon kasi medyo mahaba ang magiging biyahe niya. The university is located outside San Agustin.
Naging mabilis ang kanyang mga kilos. Agad na niligpit ang kanyang hinigaan pagkatapos ay nagdiretso siya sa kusina. She made her favorite hot chocolate.
"Heaven...." usal niya ng makahigop ng tsokolate. Ewan ba niya...pero sa tuwina ay pinasasaya at pinagagaan nito ang kanyang pakiramdam.
Inabot niya ang kanyang cellphone ng makitang umilaw iyon. Napangiti siya ng makita siyang pangalan ni Alejandro ang nakarehistro. Binuksan niya ang mensahe nito.
"Baby, Carlo will fetch you up. And he'll send you to school. Ako naman ang susundo sa'yo mamaya. I will be busy later, baka hndi na kita mai-text o matawagan pa. Huwag matigas ang ulo. You know I don't take no as an answer."
"Baby ka diyan! Hindi ako magpapahatid no!" bulong niya. It would be so bragging if he'd let him send her to the university. Kung anu-ano na naman pumapasok sa isipan nito.
Bahala siya.
Naligo siya pagkatapos niyang mag-almusal. Mabuti na lang at nakahanda na ang uniporme niya kaya naging mabilis ang mga kilos niya. Ayaw niyang maabutan siya doon ni Carlo, pihadong hindi rin iyon papayag na hindi siya maihatid. Siyempre, susundin nito ang kanyang boss kaya wala din siyang palag. Nang masigurong maayos na ang kanyang itsura, dinampot niya ang kanyang sling bag at tinungo na ang kanyang sasakyan.
"Bakit kailangan pa akong ipahatid, eh, may sarili naman akong sasakyan? Anong gagawin ko dito, buburuhin?" Para siyang tanga habang kinakausap ang sarili. Kahit naman ilang taon ang ang sasakyan niya, maayos pa naman ito at palaging mintinado. It was the same Toyota corolla na ginagamit noon ng kanyang ina.
Tiningnan niya ang suot na relo. Masyado pang maaga para pumasok pero dahil iniiwasan nga niyang abutan siya roon ni Carlo, ipinasya niyang umalis na. Hahanap na lang siguro siya ng pwede niyang tambayan. Kakausapin niya na lang mamaya si Alejandro tungkol sa hatid issue na ginawa nito.
Tatlumpong minuto na siyang nakaaalis ng dumating sa bahay niya si Carlo. Napakamot ito sa ulo ng mapansin na mukhang wala ng tao sa bahay ng dalaga. Pagkuwan ay napangiti ito.
Napapailing.
Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at tinawagan ang numero ng alkalde. Nakailang ring muna iyon bago sinagot.
"Nakaalis na siya, Mayor." Kasunod noon ay narinig niya ang mahinang pagmumura nito. Mukhang nakita na nito ang babaeng tatapat sa katigasan ng ulo nito. Ibinalik niya sa bulsa ang aparato ng mapansin na wala na pala siyang kausap. Babalik na lang siya sa munisipyo. Gusto niyang maging saksi kung gaano kainit ang ulo ng kanyang amo ngayong maghapon.
True to Carlo's words, Alejandro was grumpy all day. Halos lahat ay ilag nito. Tanging si Mrs. Cruz lang ang malakas ang loob na nakakapasok sa opisina nito. Ang dating maingay at masayahin na ambience sa loob at labas ng opisina nito ay himalang naging tahimik ulit. Lahat ay abala sa kanya-kanyang gawain sa takot na masita ng alkalde.
Nakita niyang lulugo-lugong lumabas ng opisina nito si Mrs. Cruz bitbit ang binili niyang pananghalian nito. Sinalubong niya ito.
"Anong nangyari? Ayaw ng binili ko?"
Umiling si Mrs.Cruz. "Ayaw niyang kumain. Hindi raw siya nagugutom."
"Anong hindi gutom? Nagkape lang 'yan kanina..."
"Anong magagawa ko? Alam mo naman ang ugali ng boss mo. Kapag ayaw, ayaw talaga."
Lihim siyang napangiti. Mukhang dahil nga kay Rosaline kung bakit mainit ang ulo nito. Hindi kasi sinunod ng dalaga ang bilin nito. Knowing him, dapat lahat ng gusto nito ang nasusunod. Mukhang nagbabago yata ang ihip ng hangin ngayon.
Patay malisya ang lahat ng biglang bumukas ang opisina nito.
"Alis tayo. Something came up."
Iniabot niya kay Mrs. Cruz ang hinihigop niyang kape bago nagmamadaling sumunod sa boss niyang daig pa ang babaeng menupause na.
"Saan tayo,Mayor?" Ini-start na niya ang sasakyan. Tiningnan niya ito sa rearview mirror.
"Sa San Antonio tayo. Kalye Yakal." Mas lumala yata ang ugali nito ngayon. To the highest level ang kainitan ng ulo. Kaya nga siya, ayaw niya muna sa babae-babae na 'yan. Sakit sa ulo kadalasan. Hindi pa maintindihan ang ugali.
Lalo lang uminit ang ulo ni Alexander ng madatnan ang sitwasyon sa San Antonio. A pregnant woman and a five-year-old boy were injured. A crane was illegally parked near a residential area. It was mishandled kaya may nadagan na bahay, mabuti na lang at minor injuries lang ang nangyari. Agad niyang ipinadala sa pagamutan ang dalawang biktima.
Hinarap niya ang may-ari ng isang establishment kung saan ito daw ang nag-arkila ng crane. And to his dismay, mukhang ito pa ang galit. Hinihingan ito ng permit ng kanyang mga tauhan ngunit tanging barangay permit lang ang ipinakita nito. Ipinagpipilitan nitong may karapatan silang mag-operate.
Hindi na siya nakatiis, siya na ang kumausap dito. Ni hindi man lang pinakikinggan ang kanyang mga tao.
"Ipakita niyo lang sa akin ang permit galing munisipyo na nagpapatunay na pinayagan kayo na mag-operate dito. Simple as that. Iyon lang ang kailangan namin at tapos na ang usapang ito! Just don't give me that reason na on process pa ang permit dahil alam niyong bawal kayong mag-operate dito unless hawak niyo na talaga ang permit. Dahil sa kapabayaan ninyo, dalawa ang nasaktan at kasalukuyang ginagamot." Natahimik ang lahat sa sinabi niya.
Wala ni isa man ang naglakas-loob na magsalita. Ayaw niya ng ganitong gulo kaya hangga't maaari ay ginagawan niya ng paraan na maayos ang problema. Alam niyang naghahanapbuhay lang ang mga ito pero dapat unahin ang permit nito. Katulad ng nangyari ngayon, naisantabi ang safety protocols kaya may nadamay na tao. Mabuti na lang at nakuha din ito sa pakiusapan dahil kung tutuusin ay pwedeng-pwede nila itong kasuhan. Magaling na nalang at pumayag din na makipag-areglo ang mga taong nadamay.Willing din naman daw magbayad ng danyos perwisyo ang may-ari.
Mabuti naman at naayos na nangyaring gusot sa loob ng maghapong iyon. Naka-schedule na for site assessment kung na-meet ba ng may-ari ng building ang stantard nila and so far, pasado naman lahat. Hindi lang talaga nagkapaghintay ang mga ito bago ang mismong awarding ng permit.
Nang tingnan niya ang kanyang relo,lampas alas singko na pala. Kaya pala ng sumilip msiya sa labas, kakaunti na ang taong nakita niya. Dinukot niya ang kanyang cellphone sa bulsa, agad niyang tinawagan si Rosaline. Ilang beses niyang sinubukang tawagan ang numero nito ngunit hindi niya ito ma-contact. Isa pa itong babaeng ito sa dumagdag sa sakit ng kanyang ulo. Dinampot niya ag kanyang coat at dali-dali tinungo ang kanyang sasakyan. Good thing, nakahanda na pala si Carlo.
"Sa mansion tayo." Agad itong tumalima. Kilalang-kilala na siya nito kaya alam nitong mainit ang kanyang bait kaya wala rin itong imik habang nasa biyahe sila.
Dire-diretso siyang pumasok sa loob ng bahay. Humalik siya sa kanyang ama at ina ngunit hindi na siya umimk pa.
"Dito ka ba magdi-dinner anak? Ipinagluto...."
Umiling lang siya at nagtuloy sa kanyang kwarto.
"May sapi na naman ang anak mo, Mateo." Rinig niyang sabi ng kanyang ina. Hindi niya na lang ito pinansin at nagtuloy sa kanyang kwarto. Madali siyang naligo at nagbihis pagkatapos ay kinuha ang susi ng kanyang DucatiMonster 696 naked bike.
"Aalis ako Ma,Pa." Pamamaalam niya sa dalawang matanda.
"Mag-iingat ka," sagot ng kanyang ama.
Nakita naman niya ang paniningkit ng mata sa kanya ng kanyang ina. "Bawasan mo ang sapi mo, Alejandro!"
"Ma!" Tumayo ito at dinagukan siya.
"Bawas-bawasan mo ang init ng ulo mo! Iyan ang magpapahamak sayo, eh..."
"Oho..." Wala siyang magawa kundi ang sumang-ayon dahil kung hindi, hahaba pa ang usapan nila. Madali niyang pinuntahan ang kanyang motor ng makitang mag-aalas-sais na. Dalawa ang dinampot niyang helmet, isinuot niya ang isa at at isa ay isinabit niya iyon sa unahang parte ng kanyang motor. Maya-maya ay binabagtas na niya ang kahabaan ng kalsada papunta sa unibersidad na pinapasukan ng dalaga. Sakto namang natanawan niya itong nakatayo sa labas ng gate. Bahagya pa itong nagulat ng bigla siyang huminto sa tapat nito.
"Sakay!" Utos niya rito.
"And who are you?" Bigla itong umatras.
Itinaas niya ang shield ng kanyang helmet. "Sumakay ka na..." mariin niyang sabi.
"Anong ginagawa mo rito?" Pinmaghahampas siya nito sa braso ng makilala siya.
"Ang sabi ko, sumakay ka na. O baka naman mas gusto mong igapos kita sa motor ko?"
"You wouldn't do that...
Akmang bababa siya sa motor upang buhatin ito...
"Fine! Sasakay na!"
"Lumapit ka rito...." Hinila niya ang dalaga sa kamay. Atubili pa kasing lumapit sa kanya, eh. Siya na rin ang nagsuot ng helmet dito. "Both hand on me. Humawak ka ng mabuti."
Ilang beses niyang nahampas si Alejandro sa likod dahil sa bilis nitong magpatakbo. Kahit anong pakiusap niyang bagalan nito, tila naging bingi ito sa kanyang pakiusap. Kanina pa talaga siya nakakaramdam ng takot. Ramdam niyang nag-uumpisa ng manginig ang kanyang katawan dahil sa sobrang takot at kaba. Wala siyang nagawa kundi ang higpitan ang yakap dito at isubsob ang mukha sa likod nito. Kahit ng huminto sila ay hindi pa rin siya bumibitaw sa pagkakayakap dito.
Napansin na lang niyang yakap-yakap siya ni Alejandro, pilit siyang pinapayapa. He was hushing her.
"I'm sorry..." Itinaas nito ang kanyang mukha at hinagkan siya ng paulit-ulit. Ramdam pa rin niya ang panginginig ng kanyang buong katawan. Muntik na kasi siyang masagasaan noon ng motor kaya mula noon, takot na siya.
"Baby, I'm sorry..." Panay ang hingi ng tawad ng binata ngunit hindi niya ito iniimikan. Bahala nga siya. It's her revenge for making her feel scared. Panay naman ang yapos nito sa kanya. Ang mukha nito ay nakasubsob sa may leeg niya. Para tuloy siyang batang nakalambitin dito habang nakayapos ang mga kamay niya sa leeg nito.
"I'll make you scream my name if you won't talk to me now...I will take you in any possible way I can kapag-"
"Gago ka!Bastos mo talaga!"
Napuno ng halakhak nito ang paligid nila. "I miss you, baby girl." Hinalikan siya nito sa labi. Ewan ba niya kung guni-guni lang ba niya pero ramdam niya talagang na-miss siya nito. Pagkatapos ay binuhat siya nito, her thighs around his waist while their lips still locked with each other.