Ilang araw din siyang hindi pinapasok sa trabaho ni Alejandro. Good thing at nakapagpahinga siya nang mayos. She feels fresh and energized. Mabuti na lang at medyo nag-fade na rin ang pasa niya sa braso. Pero kung pakakatitigan mo iyon, medyo halata pa. But she sees to it na walang makakakita noon. She doesn't want another nuisance in their situation.
Patong-patong na ang kailangan niyang i-encode. Kaninang umaga pa siya nag-umpisa ngunit nangangalahati pa lang siya.
"I want to talk to Alejandro!" Nag-angat siya ng tingin mula sa ini-encode niya sa laptop upang tingnan kung sino ang nagsalita.
It was Janice.
"Do you have an appointment, Ma'am?" Pinanatili niya ang pormalidad sa kanyang mukha ng tanungin niya ito. But deep inside her, kumukulo talaga ang dugo niya sa babaeng ito.
"Miss Whoever you are, I don't need to have an appointment with my boyfriend, okay! Just call him and tell him that I am here. I'm sure he would be happy when he sees me."
Ngali-ngali niyang tadyakan niya ang binti nito. Maganda kasi ang binti nito but other than that, wala na. Mukha din namang payaso ang mukha nito dahil sa kapal ng make up nito. Akala mo nagtatrabaho sa peryahan dahil sa kintab ng damit. Over all, masakit sa mata ang kabuuang itsura nito.
"Just a moment, Ma'am. May kausap lang po si Mayor."
Inirapan muna siya nito bago naglakad sa mini lounge doon. Tiningnan niya ang suot niyang relo, thirty minutes before twelve na pala. She dialed the famous restaurant that Alejandro told her to order lunch.
"Rosaline, sasabay ka ba sa aming maglunch?" That was Carol, isa sa staff ni Mayor.
"Susunod na lang ako. Hihintayin ko lang ang pagkain ni Mayor."
Tumango-tango ito. "Susunod ka ha? We'll reserve a seat for you."
Nginitian niya ito. "I will. Tapusin ko lang 'to."
Napatingin siya sa direksyon ni Janice, she was eyeing her na para bang may ginagawa siyang masama. Ipinagwalang bahala niya iyon. It has nothing to do with her dahil kung may issue ito sa kanya, wala siyang pakialam.
Saktong alas dose ng dumating ang inorder niyang pagkain ni Alejandro. Siguro, alam nitong darating si Janice kaya madami-dami ang inorder niya. Inihanda niya iyon sa isang maliit na lamesa, basta na lang kakain mamaya ang binata pagkatapos ng meeting nito. Ramdam niyang nakasunod ang tingin sa kanya ni Janice, panay ang irap.
Kapag nahipan ng masamang hangin 'yang mukha mo, baka mamaya 'yang kilay mo nasa noo mo na! gigil niyang bulong.
"Ako nang bahala sa lunch namin!Go!" Taboy nito sa kanya.
Tinapunan niya lang ito ng masamang tingin. Kanina pa kasi tumataas ang presyon ng kanyang dugo. Naiirita siya! Naiinis siya! Damn Alejandro! Exclusive daw sila and yet may pa lunch pa ang damuho. Mabilaukan sana ang dalawa!
Inabot niya ang bag niya bago nagmartsa sa itinext na lugar ni Carol. Nagtipa din siya ng mensahe para kay Alejandro para i-inform na nakahanda na ang pagkain nito at nag-aabang si Janice sa labas ng private office nito.
Tamang-tama lang ang kanyang dating kasi kalalapag lang ng waiter pagkain nila.
"Mauti naman at nagkasabay din tayong kumain. Aba! Palagi na lang si Mayor ang kasamo mo, ah!" Nahiwatigan niya ang pagtatampo sa boses ng kaibigan. Totoo naman kasi ang sinabi nito. Aminado siyang, lately ay halos silang dalawa palagi ni Alejandro ang magkasama. Hindi niya ito masisisi kung magtampo man ito sa kanya.
"Masyado lang akong abala nitong mga nakaraang araw...
"Kayo ba ni Mayor?"
Nagulat siya sa biglang tanong ni Carol. Kahit kailan talaga, walang filter ang bibig nito. Mahina niya itong kinurot sa tagiliran.
"Ang bibig mo, Carol! Baka may makarinig sayo!" bulong niya rito.
Kumunot ang noo nito. "Bakit, bawal bang marinig ng iba? Kabit ka ba para mahiya? For all I know, pareho naman kayong single! What's the big deal?"
"Basta! Mahirap ipaliwanag."
Hinampas siya nito sa braso.
"Ang sakit no'n ah!" She hissed ar Carol.
"Talagang masasaktan ka, girl! Binalaan na kita tungkol sa Alejandro na 'yan, ha? Hindi ka talaga nakinig sa 'kin."
Nawalan siya ng ganang kumain ng maalala ang sitwasyon nilang dalawa. Kahit saang banda kasi tingnan, dehado siya.
"Sinubukan ko naman, eh. Pero mahirap. Hindi ko namalayang nahulog na ako sa bitag niya at hindi ko na alam kung makakaahon pa ako." Pilit niyang pinipigil ang luhang gustong kumawala sa kanyang mga mata.
Alam niyang nalulungkot rin ang kaibigan niya para sa kanya. Saksi ito sa lahat ng mga kalokahan at pagpapantasiya niya sa lalakeng mula pa man noon ay hinahangaan na niya. Let's just say na, simula a talaga noo ay mahal na niya.buong akala niya ay simpleng paghanga lang ang nadarama niya para rito subalit napagtanto niyang hindi naman nawala ang pagmamahal na iyon. Natutunan lang niyang itago iyon sa kailaliman ng kanyang puso. Natutunan niya rin sigurong pakibagayan ang nadarama niya para dito dahil sa katotohanang alam niyang hindi ito nagseseryoso sa mga babae. Nanariwa lang ang nadarama niya dito ng maging malapit sila ulit. Hindi niya masisi ang sarili kung hinangad niyang maramdaman na kahit papaano,may something sa pagitan nilang dalawa.
Naramdaman niyang ginagap ni Carol ang kanyang kamay. "I'm worried, girl."
"Natatakot ako," amin niya. "Paano kung wala talaga siyang balak na seryosohin ako? Paano kung matulad lang din ako sa mga babaeng nagdaan sa buhay niya?"
"Ikaw lang ang makakasagot diyan. Kapag sinabi kong bang layuan mo siya, makikinig ka?Girl, andaming lalake na handang ialay ang lahat sa'yo pero heto ka, naghihintay at namamalimos sa pag-ibig niya. How about, Bobbie? Bakit hindi na lang siya? You two had a thing way back in high school."
Mapait siyang napangiti. "Kung pwede lang, Carol. I think Bobbie and I were just infatuated with each other and the idea of having a relationship at that time wasn't our priority. Masyado pa tayong mga bata noon."
"Sabagay...but in fairness. Ang gwapo niya lalo ngayon. Kahit kailan ba hindi mo naisip na asawahin si Bobbie? Yummy din naman siya, ah!"
"Baliw! Siya ang asawahin mo! Baka akala mo hindi ko alam ang pagkahumaling mo sa kanya, ha?Huwag ako, Carol." Tukso niya rito. Hindi man nito sabihin ngunit nararamdaman niyang noon pa man ay may lihim na itong pagtingin kay Bobbie. They wouldn't be friends for so many years kung hindi nila kilala ang isa't-isa.
"Ang sarap ng pagkain nila ano?" Pag-iiba nito ng usapan.
"Mas masarap ba kaysa kay Bobbie?"
Tawa siya nang tawa ng mabilaukan si Carol. Masama ang tingin nito sa kanya.
"You're really a friend..." Sarkastiko nitong komento.
"I love you, Carol."
"Whatever!" Iningusan lang siya nito but she know Carol. She cares for her and she knew she does too for her.
Nagkatinginan sila.
"Baliw!" saad niya.
"And so do you." Kapwa sila napatawa sa kagagahan nilang dalawa but it feels good knowing that you had someone to confide to. Knowing na may kaibigan kang nasa tabi palagi. Isang uri ng kaibigan na hindi ka huhusgahan sa mga didesyon mo but rather gave you choices to decide what's best best for you. Kaibigan na hindi ka kayang tulungan sa sitwasyon na meron but would always lift your spirit up. Uri ng kaibigan na handa ka pa ring yakapin kahit mali na ang desisyon mo.
And she would always be grateful that she have someone like Carol.
Naputol ang tawanan nila ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. Binuksan niya ang mensahe nang makitang galing iyon kay Alejandro.
"I haven't eaten yet. Where are you, baby girl?" Was his message.
Nagtaka siya. So the lunch she ordered was for the two of them?
"Hinahanap na ako ni Mister Mayor. Hindi pa raw siya kumakain." Kinuha niya ang bag, saka tumayo.
"Akala ko ba umorder ka na ng pagkain niya?"
Tumango siya. "Oo."
"And so? Gusto niyang subuan mo pa siya?" mataray na tanong ni Carol.
Umiling siya. "Nope...hindi pa daw kasi siya kumakain, eh." Pigil niya ang ngiti sa kanyang mga labi. Hindi niya maiwasang kiligin. Bahagya pa siyang nagulat ng agawin ni Carol ang cellphone niya. Kanina pa pala iyon tumutunog. At dahil lutang siya, hindi niya iyon napansin. Ito ang sumagot sa tawag.
Maya-maya ay unti-unting namilog ang mga mata nito. Bigla nitong pinatay ang tawag at mabilis na ibinalik ang cellphone sa kanya.
"What? Sinong tumawag? Anong sabi?" tanong niya.
"Bumalik na ka daw sa opisina, baby girl," bulalas ni Carol. Awang pa rin ang labi nito at hindi makapaniwala. "He just called you baby girl...the mighty Mayor just called you baby girl! Oh my God! I can't breathe!"
"Baliw! Mauuna na ako."
"Kumain ka na madami, ha?" Pahabol nito.
Nilingon niya ito at sinamaan ng tingin. Iba kasi ang dating sa kanya ng salitang kain. Masyado nitong ini-emphasize ang salitang iyon. Hindi niya alam kung kikiligin ba siya o kikilabutan sa mga pinagsasasabi nito.