CHAPTER THREE

1462 Words
Inis na kinapa ni Rosaline ang cellphone niya ng panay ang pagtunog noon. Nang silipin niya ang oras, alas nueve pa lamang ng umaga. Antok na antok pa kasi siya. Alas singko na yata siya nakatulog dahil sa dami ng orders na cake sa kanya.            Kung sino ka mang tumatawag, you better be a good news, piping sigaw ng kanyang isipan.            "Hello," sagot niya. Unti-unti namang nanlaki ang kanyang mga mata ng maunawaan ang sinasabi ng kausap niya. Nadinig yata ng Panginoon ang kanyang panalangin dahil good news nga ang dumating. It was the Mayor's secretary informing her na isa siya sa nakapasa as one the municipals scholars. Nawala lahat ng antok niya dahil sa narinig. Kahit pa nga siguro wala pa siyang tulog ay mabubuhayan siya dahil sa magandang balita na kanyang narinig. Bukas na bukas ay kinakailangan niyang magpunta ng munisipyo at magkakaroon daw ng orientation regarding sa lahat ng mga nakapasa. Wala siyang ginawa kundi magpasalamat dahil sa biyayang kanyang natatanggap. Napakalaking tulong kasi noon sa kanya. Masyado kasing magastos ang kursong kinuha niya kaya lahat ng posibleng malapitan niya ng tulong ay talagang pinupursige niya. Kita mo nga naman, nakakuha siya ng financial assistance galing sa munisipyo. Well, babayaran din naman niya iyon pagkatapos. Ang mahalaga ngayon, hindi na niya kailangang ipagbili ang bahay na iniwan ng kanyang ina sa kanya. Masigla siyang bumangon at agad na naligo. Balak niyang pumunta ng simbahan upang magpasalamat sa biyayang natanggap niya ng araw na iyon. Naging maayos at masaya ang kanyang maghapon dahil bukod sa magandang balita na kanyang natanggap, lahat ng pre-order cake na ginawa niya ay nakuha na lahat. May bunos pang kasama mula sa kanyang loyal buyers. Kung tutuusin ay inumpisahan niya ang pagbe-bake as a hobby pero kumukita na rin siya kahit papaano. Tulong na rin sa kanyang daily expenses. Kung hindi lang siguro sa lasenggo at babaero niyang ama, malamang may ipon pa siya kahit paano.             "Erase! Erase!" bulong niya sa sarili ng magsimulang magbaliktanaw ang kanyang isipan. Ayaw muna niya ng negative vibes ngayon. Dapat happy lang. Huminga siya ng malalim upang payapain at pagaanin ang emosyon niya. Sumakay siya sa kanyang kotse at pinaandar iyon pauwi ng bahay. Kailangan niyang makapagpahinga ng maaga. Time for her beauty rest. Maaga siyang nagising ng umaga iyon. Nauna pa nga siyang magmulat ng mata bago ang itinakda niyang alarm sa cellphone. Natakot kasi siyang hindi magising ng maaga, parang mantika pa naman siya kung matulog. Nang tingnan niya ang orasang nakasabit sa dingding, it says 5:30 in the morning. Marami pa siyang oras para mag-ayos at maghanda. Lahat naman ng mga kakailanganin niya ay naihanda na niya kagabi pa. Ipinasya niyang isangag na lang ang natira niyang kanin kagabi para sa almusal niya. Nagprito na lang siya ng hotdog at itlog tsaka nagtimpla ng paborito niyang hot choco. Pagkatapos niyang kumain ay naligo na siya at nagbihis, and then she's ready to go. Sinipat ulit niya ang sarili an hour before she left, at nang masiguro na okey na ang lahat ay lumabas na siya at sumakay sa kanyang kotse. The moment she steps inside the auditorium where the orientation is to be held, she only saw a few.             "Kakaunti lang yata ang pinalad ngayong taon," bulong niya sa sarili. Inilibot niya ang paningin. May mga namataan siyang pamilyar na mga mukha. Nagulat pa nga siya ng makitang naroroon din ang maarteng babae na nasa kanyang unahan noong nakapila pa sila para magpasa ng mga requirements. As usual, pa-bida at maarte pa rin.             "Good morning everyone! I am Mrs. Cruz, Mayor Alejandro's secretary. Please have a seat everyone so we can proceed. As we all know, all of you are gathered here today for the Annual Scholarship Orientation. Ibig sabihin noon, lahat kayo ay pumasa sa required criteria para mabigyan ng financial assistance galing sa munisipyo. Ito ay dahil sa kabutihang loob ng ating mahal na Mayor. Marapat po na siya ay ating pasalamatan. Without farther ado, let us all welcome, Mayor Alejandro Martinez!" Napuno ng hiyawan at palakpakan ang buong auditorium sa pagpasok ni Mayor Alejandro. Kahit siya man ay impit ding napahiyaw ng lumabas ito. Sino ba naman kasi ang hindi. Kung karismo at kagandahang lalake lamang ang labanan ng mga oras iyon, malamang may napili na. Just by the way he walks screams so much authority. His looks and the way he carries himself can really be intimidating oftentimes. Balita niya ay suplado ito at bababero ngunit wala naman silang nababalitaan na girlfriend nito. Fling-fling lang siguro o kaya f*ck and run lang ang peg nito. Pero walasiyang pakialam kung anuman ang mga personal issue nito sa buhay. Ang mahalaga ay maayos at kapaki-pakinabang ang serbisyo nito sa lahat. Sabagay, mula pa lang sa panunungkulan ng ama nito ay talagang masasabi mong naging progresibo at maunlad ang kanilang bayan. Lumilipad ang isip niya sa kung saan kaya hindi na niya narinig at naintindihan ang sinasabi nito. Nakakatulala din ang angking kagwapuhan nito. Narinig pa niya ang hagikhikan ang ilang babae sa kanyang likuran. Animo mga lintang nalagyan ng asin. Siya naman ay pinagsawa ang mga mata sa pagtitig sa alkalde kaya ng mapagawi ang tingin nito sa kanya ay hindi niya maiwasang pamulahan ng pisngi. He didn't say a thing but the way he stares at her, parang bigla siyang kinabahan. Hindi niya makayanan ang ganoong uring tingin kaya siya ang unang nagbawi ng tingin. Pakiramdam niya, bigla siyang nanlata dahil sa ginawa nito. Wala siyang gaanong naintindihan sa naging speech nito dahil hindi na talaga siya mapakali lalo na kapag manaka-naka itong sumusulyap sa gawing kanyang kinauupuan niya. Ang mga titig nito ay animo humihigop sa buong pagkatao niya. Para bang sinisilaban ng apoy ang buong katawan niya dahil doon. Nainis siya sa sarili dahil wala siyang gaanong naintindihan sa orientation, pinaghandaan pa naman niya iyon tapos ganoon lang ang nangyari. Kaya pagkatapos na pagkatapos ng orientation ay agad siyang lumabas at gusto na niyang umuwi. Bad trip na siya. Sa sobrang pagmamadali niya ay hindi niya napansin na napasabay siya sa grupo ng alkalde. Balak niya sanang umibis palayo sa mga ito ngunit napansin na siya ni Mrs. Cruz bago pa man siya makalayo.             "Ikaw pala 'yan, Ms. Acosta. Good to see you again," bati nito sa kanya. Marahan siyang tumango. Pa-simple niyang sinulyapan ang mga kasama nito at nananalangin siyang wala doon ang alkalde. Hindi siya mapakali sa presensya nito. But it wasn't her lucky day because Alejandro's eyes were on her already.             "Good morning, Mister Mayor..." bahagya siyang yumukod dito nang batiin niya ito. Nakipagkamay ito sa kanya. Wala siyang magawa kundi abutin ang kamay nito. Ang mga tao sa paligid niya ay animo wala namang nakikita. Patay malisya lang siguro. Nakagat niya ang ibabang labi dahil sa nerbiyos na nararamdaman ng maglapat ang kanilang mga palad. Lalo't nararamdaman niya ang pagpisil ng binata sa kamay niya. Bigla siyang nanlambot.Naglakas loob siyang salubungin ang mga titig nito ngunit lalo lamang siyang nawindang sa ginawa nito. Matiim ang mga titig nito sa kanya! Nahigit niya pabalik ang kamay. Pa-simple niya itong inirapan ngunit bahagya lang itong ngumiti sa kanya.         "Good luck, Ms. Acosta. See you around." Akala niya aalis na ito ngunit bumaling ulit sa kanya. Mukhang may nakalimutang sabihin.            "Come to my office tomorrow. 8 AM." Iyon lang ang sinabi nito at umalis na agad. Takang-taka naman siya. Bakit siya pinapupunta nito sa opsina? Tatanungin niya sana si Mrs. Cruz ngunit nakalayo na ito kasunod ng alkalde. Mabilis siyang tumakbo upang maabutan ito. Kailangan niya itong tanungin kung bakit siya pinapupunta nito sa opisina nito. Wala naman silang dapat pag-usapan eh.         "Mister Mayor! Mister Mayor!" tawag niya rito. Akma na itong papasok sa kotse nito ngunit nahinto iyon ng marinig ang naging pagsigaw niya. Lumingon ito sa gawi niya.         "Yes, Miss Acosta?" Atubili siyang magtanong dito ngunit kailangan talaga. Hindi na naman siya makakatulog nito sa kaiisip kung anong kailangan nito sa kanya. At kung bakit siya nito pinapupunta sa opisina nito. Lumapit ito sa kanya at bumulong sa bandang tainga niya. "Do I have to explain now?" Marahan siyang umiling.         "Just come to my office tomorrow. Got it?" Wala siyang nagawa kundi ang tumango ng tumango. She was lost for words. Para siyang nahipotismo nito.         "And close your mouth, my love." Halos mabuwal siya sa pagkakatayo ng marinig ang itinawag nito sa kanya. And his breathe fanning on her ears sends an unexplainable feeling on her body. Hindi niya alam kung ilang segundo siyang nanatiling parang tood doon. Nagulantang na lang siya ng businahan siya ng sasakyan nito.         "Leche! Leche ka talaga, Rosaline!" bulong niya sa sarili. Nagmukha siyang timang doon. Naiinis siya sa sarili. Padabog siyang sumakay sa kanyang kotse at doon ibinuhos ang inis na nararamdaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD