Brix's POV Abala ako sa aking opisina dito sa Vander Law Firm. May kaso akong hinahawakan ngayon na kailangan kong masusing pag aralan. Ilang oras na akong nakatutok sa mga papeles na binigay sa akin ng aking kliyente. "Have a coffee first." Nagulat ako ng may kamay na nagpatong ng kape na nakalagay sa styro cup sa ibabaw ng aking lamesa. Galing iyon sa isang mamahaling coffee shop. Umangat ang ulo ko para tingnan ang may ari ng magandang kamay na iyon. Maputi, makinis, malambot, may mahahabang daliri at matutulis na kuko na nababalot ng magandang disenyo ng cutics. "Criselle!" bulalas ko, hindi ko akalaing mapapaaga ang balik niya ng Pilipinas. Tatlong bansa ang alam kong pupuntahan niya. "Yes, it's me, honey. Ilang araw lang akong nawala nakalimutan mo na agad ang call of endear