Maria's POV Hindi ko akalaing ang private party ni Iñigo Vander na pupuntahan namin ay gaganapin pala sa isang yate. Ganito kayaman ang mga Vander, sampu sa mahigit kumulang limampung yate na nakadaong sa pampang ay pag-aari nila. Nagawang ituro sa akin in Sir Brix isa-isa ang mga iyon. Sa pinakamalaking yate kami dumiretso, inalalayan ako nitong makaakyat, habang ang ibang tauhan ng mga Vander ay nagbabantay sa amin. "Looks who's here! I thought you're not coming." Talagang nasorpresa ang matangkad at gwapong lalaki habang sinasalubong kami. May kasama itong magandang babae na akala mo ahas kung makalingkis dito. "I just want to surprise you," sagot naman ni Sir Brix sabay tapik sa balikat ng gwapong lalaki. "Yeah! I did surprised. You made it bro." Biglang napabaling ang tingin nito