"Mom, look who's with me," bungad ni Drake sa kaniyang ina nang makalapit sila sa kinaroroonan ng ginang. "Oh! Maria, what a surprised?" Napaawang ang bibig ni Lucille sa labis na pagkasorpresa ng makita niya si Maria sa kaniyang harapan. Agad itong tumayo at sinalubong ng yakap ang dalaga. Ang eksenang iyon ang nasaksihan ni Criselle, malapit lang kasi ang kinauupuan nila sa lamesa ng mga Montoya. Tumaas ang isang kilay ng modelo. Kilala niya si Lucille Andrada-Montoya, namimili ito ng taong kakausapin at kakaibiganin. Aminado naman siya na hindi siya gusto ng socialite. Makailang ulit na siyang lumapit dito ngunit dama niyang napipilitan lang itong kausapin siya dahil sa tuwing magkikita sila ay maraming reporters ang nasa paligid. "I wonder why Lucille likes that girl? She doesn't be