Nagpumilit na sumama si Nicole sa kaniyang ama sa opisina. Wala ang kaniyang yaya kaya si Brix lang ang nagbabantay rito. Ang balak niya ay tapusin saglit ang mga naiwan niyang trabaho kahapon at pagkatapos ay maagang umuwi para ipasyal ang anak. Sa sobrang abala niya sa trabaho ay hindi na niya ito nabibigyan ng oras. Matagal-tagal na rin simula ng huli silang mag-bonding. "Daddy, I think I need a haircut, my bangs are covering my eyes, look!" Nilingon ni Brix ang anak na nakaupo sa swivel chair na nasa harapan ng table niya. Hinihipan ng bata ang bangs na nakatakip sa kaniyang mga mata. Nagliparan ang mga iyon at napunta sa kung saan-saan. "Ganu'n ba? Okay, let's go to the parlor after I finished this," tugon niya. "Okay, Daddy," patamad na sagot nito. Kumapit sa lamesa at inikot ang