"Surprise!" "Huh!"Napaigtad si Maria nang bigla na lang bumulaga sa harapan niya si Arthur. Pauwi na siya at nag aabang ng masasakyan. "Nagulat ka ba dahil hindi mo expected na ako ang pupunta rito ngayon at susundo sa'yo?" tanong nito na may halong panunudyo. Nalukot ang mukha ni Maria. "Bakit parang may gusto ka na namang ipakahulugan d'yan sa sinasabi mo?" may bahid inis na tanong niya. "Hmmm... wala naman. Just in case na hindi pa sa'yo nasasabi ng boss natin, gusto ko lang malaman mo na wala siya ngayon. Umalis siya at nakipag date kay Ms. Criselle, dumating na kasi ang girlfriend ni boss kanina." Napatda si Maria, wala ngang nabanggit si Brix sa kaniya tungkol doon. "Ah, ganu'n ba, mabuti naman," sabi niya na para bang hindi naman siya naapektuhan sa ibinalita nito. Ngunit sa k