Matagumpay na natapos ang kasal ni Brix at Criselle. Wala ang dalawa ngayon at nasa Belgium para sa kanilang honeymoon. Lahat ng balita na may kinalaman sa mga ito ay tinututukan ng publiko. Dalawang araw nang nagkukulong sa kaniyang silid si Maria. Labis ang kalungkutan niya ngunit ginawa niyang sarilinin ang kaniyang nararamdaman. Naiintindihan naman ng kaniyang pamilya ang kaniyang pananahimik. Nahihirapan siya na tanggapin ang katotohanan. Pakiramdam niya ay pinatay siya ng paulit-ulit, unti-unti na ring namamanhid ang kaniyang puso. Nagsawa na siya sa kaiiyak. Naubos na ang mga luha niya at wala na siyang mailuha pa. Parang isang taong nakatingin sa kaniya ang kaniyang mga magulang ng bumaba siya sa dining para sumabay sa mga ito na mag-hapunan. Hindi nila inaasahan ang presensya