Third Person's POV
"He's so unbelievable! How could he be so inconsiderate to send me to the mountain for this medical mission? If Clark wasn't really my brother and we had the same birthday, I wouldn't have granted his request. There's a lot of doctors in our hospital who could replace him for this mission, why did he choose me? I'm a very busy person, I can't fit in my time managing our hotel and taking care of my law firm. Paano ko ba siya mahihindian? I-block ko kaya sa contacts ko at mga social media accounts ko para hindi na niya ako matawagan?" himutok ni Brix habang nag aayos ng kaniyang mga gamit sa opisina. Inihahanda na niya ang sarili sa pag uwi sa kaniyang penthouse na naroon din naman sa hotel na pag ari nila na kung tawagin ay The Vander Suite. Ang five star hotel na isa lang sa negosyo ng kaniyang pamilya na ipinamahala sa kaniya.
"Sir, uuwi ka na ba?" napalingon siya sa pinto ng pumasok ang kaniyang alalay na si Arthur.
"You're just in time, kunin mo na itong laptop ko at mga papers na ito sa ibabaw ng lamesa ko, dalhin mo na sa penthouse ko at mag-iikot muna ako sa hotel," utos niya rito.
"Areglado, Sir!" Sumaludo ito sa kaniya at mabilis ang kilos na isa-isang kinuha ang mga ipinapadala niya.
Habang naglalakad sa bulwagan ng hotel ay panay ang bati sa kaniya ng mga empleyado na nakakasalubong niya.
May ilan ding mga kababaihang modelo na kilala niya ang naroon sa hotel para sa naganap na event ang nagsipag lapitan sa kaniya at bumati. Halatang nagpapapansin ang mga ito ngunit, pinairal niya ang pagiging professional. Bisita ang mga ito sa kanilang hotel kaya kailangan niyang tratuhin ng maayos.
Halos isang oras din ang ginugol niya sa pag-eestima sa mga pumapasok na bisita at pag-check ng kanilang mga facilities.
Alas siyete na ng makauwi siya sa kaniyang penthouse. Ilang minuto lang ang lumipas ay dumating narin ang kaniyang pagkain na inihanda pa mismo ng head chef ng kanilang hotel. Nagkamustahan sila saglit at pagkatapos ay nagpaalam narin ito.
Nasanay na siyang mag-isa, siya at ang kaniyang dalawang kapatid ay hindi na nakatira sa poder ng kanilang mga magulang, may kanya-kanya silang tirahan. Ang tanging naiwan na lang na kasama ng kanilang mga magulang ay ang bunso nilang kapatid na si Michelle.
Nagpahinga siya agad dahil bukas ng umaga na ang medical mission nila sa Baryo Masingkay.
_
Nagising si Maria sa ingay. Sigaw iyon na nanggagaling sa labas.
Si Mamerto ang batang taga ulat.
Madalas itong nakatambay sa bukana ng baryo kaya naman nakikita nito kung sino ang labas masok sa kanilang lugar.
"May dayo... may dayo! Narito na ang mga taga siyudad!" Narinig niya ang sigaw nito, ginawa iyon ni Mamerto nang paulit-ulit habang tumatakbo hanggang sa umabot ang bata sa pinakadulong bahagi ng Baryo Masingkay.
Pupungas-pungas na bumangon si Maria, agad inangat ang kanilang bintana at tinukuran ng kawayan para hindi sumara.
Nakita niyang hindi magkamayaw ang kaniyang mga kababaryo, ang lahat ay natataranta.
"Maria... Maghanda ka, narito na ang mga bisitang galing Maynila, kailangan mauna tayo sa pila," may pagmamadaling utos sa kaniya ni Tiya Lupe, ang panganay na anak ni Apo Ibyang.
"Sige po, Tiya, susunod na ako," maagap na tugon niya.
Hindi na siya nag aksaya pa ng oras, agad siyang nagpunta sa tapayan upang maghilamos.
-
Pagdating niya sa tanggapan ng barangay ay napakahaba na ng pila. May mga namimigay ng mga pagkain, kumot, banig, sapin sa paa at kung ano-ano pa. Sa kabilang panig naman ay may mga doctor na siyang tumitingin sa kaniyang mga kababaryo na may dinaramdam sa katawan mapa bata man o matanda.
Sa loob ng labing dalawang taon ay nagtitiyaga ang mga mamamayan sa Baryo Masingkay sa mga halamang gamot bilang panlunas sa kanilang mga karamdaman at sa pagpapakunsulta sa matandang albularyo na si Apo Idyong.
Kinakitaan niya ng kasiglahan ang kaniyang mga kalugar. Ang bawat isa ay parang nagkaroon ng pag asa.
Kung sana ang gobyerno ay nakikita ang kanilang kalagayan disin sana kahit papaano ay matulungan silang mapaunlad ang kanilang pamumuhay.
Sabagay, ang sabi naman ay padala ng presidente ang mga dayong ito. Hiling lang niya ay sana ito na ang simula ng pagbabago sa kanilang lugar.
"Oh, Maria, narito ka na pala! Maaari bang ikaw nang mag asikaso ng meryenda ng ating mga bisita?" sabi ng kanilang kapitan na si Mang Hector. Kanina pa niya napapansin na aligaga ito sa pagbibigay ng utos sa kaniyang mga tanod.
"Ho! Sige po!" mabilis na tugon niya bagamat hindi niya alam kung anong ihahain sa mga panauhin.
"Nakaluto na ng sopas ang Nana Sonia mo, tulungan mo na lang siya na ipamigay iyon sa mga bisita," dugtong pa ni kapitan.
Nakahinga siya nang maluwag, hindi naman pala niya kailangan problemahin ang ipapakain sa mga bisitang taga siyudad.
-
Malayo ang nilakbay nila Brix sampu ng kaniyang mga kasama para lang makapunta sa liblib na lugar na iyon and he can't really imagine that there's a place like this na nag e-exist sa mundo. Para ngang nakalimutan na ng sila ng gobyerno. Sa isip niya ay kailangan niyang i-report ito sa kaniyang ina, they have to do something about this.
Ang pagod niya at ng team niya ay worth it naman dahil very accomodating ang mga taga Baryo Masingkay. Despite the fact that they are lack of many things ay hindi naman naging hadlang iyon para mawala ang ngiti sa mga labi nila and with that na realized niya na tama lang na sumama siya sa medical mission na iyon. Dapat pa nga pala niyang pasalamatan ang kapatid na si Clark dahil isang magandang experience ang naranasan niya ngayon, something that he had to treasure.
"Sir Brix, magpahinga muna kayo. Baka gusto niyo po munang mag almusal, may inihanda ang kapitan na pagkain para sa atin," ani Arthur, ito lang ang kasama niya sa kaniya sa pag akyat niya rito sa bundok. Si Arthur ay alalay niya at head ng kaniyang mga bodyguards.
"Ganun ba?" Pinaubaya muna niya sa ibang volunteer ang pamimigay ng mga goods, nakaramdam na rin kasi siya ng pagod dahil halos kalahating oras na niyang ginagawa iyon.
Sinimulan niyang maupo sa upuang mahaba na gawa sa pinagdugtong-dugtong na buho ng kawayan. Inilibot niya ang tingin sa paligid. Napansin niya ang kakaibang sigla ng mga tao roon at talaga namang nagbibigay iyon sa kaniya ng kasiyahan.
Panay lang ang ikot ng mga mata niya nang biglang may mahagip ang mga ito. Isang babae, may hawak itong tray na may laman na umuusok pang mga sopas, nilagang saging at narinig niya pang sabi nito sa isa niyang kasamahan na nagtanong na nilagang kamoteng kahoy raw ang isa pang dala niya.
Hindi pamilyar si Brix sa mga ganuong klase ng pagkain dahil napakalayo ng buhay na kinalakihan niya sa mga tagarito.
Pasimple niyang pinagmasdan ang mga kilos ng babae, dahil para siyang nahi-hipnotismo nito. Naiiba ang itsura nito sa lahat ng mga taong naninirahan sa lugar na iyon. Kahit luma at kupas na ang suot nitong blusa at palda ay hindi pa rin maitatago na may kakaiba itong ganda.
"Sir Brix!" Napakislot siya ng maramdaman ang mahinang tapik ni Arthur sa kaniyang balikat.
"Huh!"
"Sir, kanina ko pa kayo tinatawag," sabi nito.
Bakit ba nasanay na ang lalaking ito na tapik-tapikin na lang ako nang basta?
"Why, what is it?" Tanong niya rito at bahagya pang inayos ang kaniyang upo.
"Ipinapatanong ni Doctor Sanchez, kung ang mga vitamins po ba ay pwede na ring ipamigay?"
Bigla niyang naalala ang mga gamot at vitamins na sinunod ng chopper kanina na hindi pa naisaayos.
"Sige, mag almusal ka muna at mamaya na natin ilalabas ang mga iyon sa box," utos niya rito.
"Okay, sige, Sir!" Umupo na ito at pumwesto sa malapit sa kaniya.
"Magandang umaga po sa inyo! Gusto niyo po bang mag almusal?"
Biglang natigilan si Brix sa narinig na iyon. Napaka lamyos ng boses ng babae at napakasarap sa pandinig.
Sh*t! She's more beautiful sa malapitan. Wala man lang kaayos-ayos pero bakit ang lakas ng dating niya sa akin?
"Sir!" Isang tapik na naman sa balikat ang nagpabalik sa kaniyang diwa, as usual si Arthur na naman iyon.
"Ah! Oo paki bigyan mo ako ng sopas!" tarantang sabi niya sa magandang dalaga.
Huh! Bakit ba natataranta ako sa presensya ng babaeng ito? Sanay naman akong napapaligiran ng mga naggagandahang babae pero bakit ibang pakiramdam ang dulot niya sa akin?
Matamis na ngiti ang isinukli nito sabay abot ng isang mangkok ng mainit na sopas.
"Ako rin, miss, ha! Pahingi narin ng kamoteng kahoy, favorite ko 'yan, eh." Nalipat ang atensyon nito kay Arthur.
Napansin ni Brix na parang hindi lang siya ang nakakakita sa ibang ganda ng babaeng ito. Sa itsura ngayon ni Arthur ay mukhang nagpapa-cute pa ito sa magandang dilag.
"Ah! Ito po, Sir! Talaga naman pong masarap ang nilagang kamoteng kahoy, madalas ay ito rin ang meryenda ko, eh!" masiglang sabi nito.
Nakatingin lang si Brix sa dalawa habang masayang nag-uusap na para bang nagkapalagayan na ng loob.
"Ako nga pala si Arthur, ikaw ano'ng pangalan mo?" Narinig niyang tanong ng bodyguard niya sa magandang babae.
"Ma-Maria po, Sir!" sagot naman nito.
"Naku! Pwede bang 'wag mo na akong i-sir? Arthur na lang ang itawag mo sa akin, ikinagagalak kitang makilala, Maria!" Nilahad pa nito ang kanang kamay para makipag shake hands sa dalaga na agad naman nitong tinanggap.
Napa buga sa hangin si Brix. Iiling-iling na ibinaling na lang niya ang atensyon sa pagkain. Sinimulan na niyang kainin ang sopas.
Nakapasa naman sa panlasa niya iyon kahit na kulang sa sahog.
-
Hindi mapigilan ni Maria na lihim na mapa sulyap sa napaka gwapong lalaking kumakain ng sopas na nakapuwesto sa pinakagilid na lamesa. Ang sabi nila ay anak daw ito ng presidente ng bansa.
Malaya niyang napagmasdan ang kabuuan nito dahil hindi naman siya nito napapansin.
Napakaputi niya at mamula-mula pa ang makinis na kutis. Halata mong anak mayaman, nawawala ang mga mata nito kapag ngumingiti. Kung magsalita naman ito ay para bang napakataas ng kumpiyansa sa sarili at magaling itong makisama sa mga tao. Masayahin ito at laging nakangiti, hindi mo kakikitaan ng iritasyon sa mukha kahit pa ilang oras na siyang nakatayo at namimigay ng mga goods sa mga tagarito. Lagi siyang may nakahandang ngiti sa bawat tao na nakakaharap niya ay nakakausap.
Kanina pa niya pinagmamasdan ang lalaki mula ng dumating ang mga ito ay naagaw na nito ang atensyon ni Maria.
Nagpasalamat ang dalaga at nakuha rin nitong magpahinga.
Bigla siyang napakislot, muntik na siyang mapalundag sa gulat. Ang puso niya ay para bang nahulog sa kung saan at humiwalay sa kaniyang dibdib nang biglang napatingin sa kaniya si Brix at magka-salubong ang kanilang mga tingin.
Ngumiti ang binata sa kaniya at alanganing kumaway.
Bigla nalang siyang napayuko dahil nag init ang pisngi niya. Hindi niya alam kung gaganti rin ba siya ng ngiti rito o kakaway?
Ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong pakiramdam na halos manghina ang tuhod niya at manginig.