"Drake, have you seen, Maria? It's been a while now that she haven't visited me in my shop," tanong ni Lucille sa anak, isang gabi ng magkasama silang umalis patungong event sakay ng limousine. Kilala si Lucille bilang isang socialite, ang mga kasuotan nito ay talaga namang kakaiba, magaganda at mamahalin. May sarili itong fashion designer na sikat sa ibang bansa. Hindi mo mahahalata sa itsura nito na singkwenta 'y singko anyos na dahil balingkinitan pa rin ang katawan nito at ang kutis ay kumikinang sa puti at kinis. Kapag magkatabi nga sila ng kaniyang mga anak ay aaakalain mong kapatid lamang niya ang mga ito. "No, mom, I haven't seen her. She's working with Brix Vander and at the same time studying. Maybe she's just busy in her schooling," tugon ni Drake. Abala ito sa kaniyang cellp