NAGPAKAWALA si Darlene Dixon nang buntonghininga para pakalmahin ang sarili. Kinakabahan pa rin siya kahit na lagi na niyang ginagawa ito.
Isa siyang modelo dito sa Italy, at ito na ang huling rampa niya dito para ngayong taon. Sa susunod na buwan, lilipad sila papuntang america para sa kanilang training.
Isa siya sa napili na rarampa sa isang sikat na lingerie brand sa US. Matagal na niyang pinapangarap na makarampa sa show na iyon. Kaya naman, talagang nagpursige siya na makapasok sa audition na isinagawa nito lang. Kahit sinong modelo yata, e, pinangarap ang makarampa sa stage na iyon, gamit ang sikat na mga lingerie, na pinagkakaguluhan ng mga mayayamang kababaihan saan mang panig ng mundo.
Nagkatinginan sila ng mga kasamahan nang tumugtog ang banda. Bahagya siyang napaindak dahil paborito niya ang awiting iyon, kahit ang singer ng banda mismo. Crush lang naman niya.
Napahawak siya sa dibdib nang makita ang isang kasamahan na naunang lumabas. Pang-lima siya, kaya hinanda na niya ang sarili bago sumalang.
Bikini at bra ang suot niya, na dinagdagan ng mga disenyo, na bumagay sa tema nila ngayon. Medyo mabigat lang ang wings niya sa likod, pero kaya naman niyang dalhin. Ilang linggo na niyang pinapraktis ito. May mga suot na bracelet at anklets din siya. Something gold naman ang halos nasa katawan niya, mula sa pakpak at iba pang burloloy. Kahit maraming nakasabit sa kan’ya, kita pa rin naman ang brand na kanilang pinapangalandakan sa madla.
Isang matamis na ngiti ang pinakawalan niya sa labi nang siya na ang sumunod na lumabas. At pinanatili niya ang ngiti na iyon hanggang sa tuluyan na nga siyang rumampa papuntang gitna ng stage.
Napakaraming tao nong mga sandaling iyon, pero sanay na siya. Ilang taon na niyang ginagawa ito kung tutuusin, kaya maning-mani lang ito sa kan’ya.
Bahagya siyang nalungkot nang maalalang wala ang nobyo. Pero napalitan din ng ngiti ang labi niya nang makita ang lead singer ng banda na tumingin sa kan’ya. Lalong lumapad ang ngiti niya nang kumindat pa ito habang kumakanta. Para bang hinihintay siya nito.
Taas noo siyang rumampa at ginalingan pa sa pag-indayog ng balakang. Sobrang nakakadala ang tugtog, bagay na bagay sa mga fashion show na ganito.
Nakangiting sinabayan siya ng singer maglakad kapagkuwan gaya ng ibang kasamahan niya.
Ilang pose ang ginawa niya mayamaya sa gitna.
Biglang hiyawan ang mga naroon sa ginawa ng guwapong singer nang alalayan siya nito pabalik.
Gano'n din naman ang ginagawa ng singer sa iba, pero iba ang hiyawan pagdating sa kan'ya. Kakaiba rin ang mga titig nito sa kan’ya, kaya naman hindi mapatid ang ngiti niya hanggang matapos ang event na 'yon. Inspired siya kahit na wala ang nobyo.
"What a lucky day for you, Darlene, baby!" Napangiti siya sa manager niya nang lingunin ito.
Talagang lucky siya ngayong araw. Ngayon din kasi nila natanggap ang balita tungkol sa pagpili sa kan'ya, at opisyal na kasama siya sa mga rarampa sa fashion show, na gaganapin nga sa US, ang pinakahihintay niyang break. Masuwerte din siya ngayong araw dahil nakasama niya sa stage ang vocalist ng bandang iyon. Araw niya talaga ngayon.
May inabot na key card sa kan'ya kapagkuwan ang manager niya. 'Yon ang susi ng kan'yang suite na tutuluyan mamaya.
Nakaramdam tuloy siya ng pagod nang makita ang keycard. Malayo kasi ito sa bahay na tinutuluyan niya, kaya, kinuhaan na lang siya nito ng room sa pinakamalapit na hotel.
"Congrats to us!" aniya dito nang kinuha ang card dito.
"I'm so proud of you. Ang layo ng narating mo, baby," masuyong sabi nito sa kan'ya.
"Dahil 'yan sa'yo, Mama!" papalatak niya.
Ngumiti ito nang matamis. "Cheers!" anito at kunwa'y may hawak na kopita.
Ginaya niya ito. Itinaas niya rin ang kamay. Sabay pa silang napangiti nang magkatinginan.
Mayamaya ay nagpaalam ito na may pupuntahan daw. Hinatid pa niya ito ng tanaw na papalabas.
Ramdam na niya ang pagod kaya naman nagpahatid na siya sa silid na inuukopa.
Hinigit niya ang bag at tiningnan ang telepono. Until now, wala pang tawag or text mula sa nobyong si Blake Kent Hernandez. Sa Pilipinas na kasi ito ngayon nakabase. Nakaka-miss lang talaga dahil ngayon lang sila nawalay nang ganito katagal mula nang maging sila. Ngayon lang din ito wala sa importanteng event ng buhay niya.
Napabuntonghininga na lang siya bago nagtipa ng mensahe dito, na tawagan siya kapag may oras na ito.
KAKATAPOS niya lang magbihis nang katukin siya ng Manager niya, kararating lang nito mula sa kung saan.
"Nandito na ang pagkain. Kumain ka muna." Tumango siya dito at sumunod.
"Anong oras ka namin susunduin bukas?" tanong nito matapos ang ilang sandali.
"Afternoon? I need some rest, Mama. Please?" aniyang naglalambing na himig.
Ngumiti ito at tumango-tango.
"Okay. Always lock the door, ha? 'Wag basta-basta magbubukas ng pinto," paalala nito bago kinuha ang bag nito.
Aalis ito ngayon dahil may appointment pa ito. Abalang tao kasi ang may handle sa kan'ya.
Sa mga kagaya niya, kailangan talaga i-maintain ang body figure, kaya istrikto ito, lalo na kapag aalis ito. Hindi kasi nito mamo-monitor ang activities niya, lalo na sa pagkain.
Napatingin siya sa pagkain niyang nakahain na. Babalikan na lang daw ng staff ng hotel na tinutuluyan niya ang tray.
Bigla siyang natakam sa pagkain, kaya naman, nilantakan niya ito kaagad. As usual, ang manager niya ang may order nito, 'yong mga pagkaing hindi masyadong nakakadagdag ng timbang, pero gusto niya.
Nasa kalagitnaan na siya nang pagkain nang makaramdam ng antok. Nagtaka siya ng bahagya. Yeah, pagod siya pero kaya pa niya ang sarili kanina. Pero ngayon? Something weird.
Wala sa sariling naglakad siya papasok ng silid. Mabagal pa ang kan'yang mga kilos dahil pakiramdam niya, hinahayon na siya ng antok. Anumang oras ay baka matumba na lang siya sa sahig.
Pabagsak na nahiga siya sa kama nang makarating. Pero bago siya tuluyang mawalan ng ulirat, isang pamilyar na labi ang lumapat sa kan'ya. Hindi niya alam kung panaginip ba 'yon, o totoo.
Nagising siya kinabukasan na masakit ang buong katawan. Ramdam niya ang kirot sa pagitan ng hita niya, kaya bigla siyang kinabahan. Maayos naman ang damit niya, pero hindi siya mawari dahil sa kirot na nararamdaman. Ganito ang pakiramdam kapag nasobrahan sa... Pinilig niya ang ulo para palisin ang nasa isipan.
Kahit na makirot ang pagkabab*e niya, pinilit niyang maglakad papuntang banyo. Wala siyang itinira ni isa man na saplot nang makapasok. May gusto lang siyang kompirmahin. Sobrang kabado na siya nang mga sandaling iyon. Humarap siya sa malaking salamin mayamaya.
Napaawang siya ng labi nang makita ang mga kiss mark sa buong katawan niya. Kinapa niya ang sarili sa baba. Napangiwi siya nang maramdaman ang pamamaga niyon.
Napasapo siya sa ulo. Wala siyang naalala sa mga nangyari kagabi. Maliban sa labi na lumapat sa kan’ya. Ang akala nga niya panaginip lang iyon.
‘Pero sa nararamdamang kirot ngayon, imposibleng panaginip lang iyon! May gumalaw sa kan’ya!’
Paulit-ulit na umiiling siya kapagkuwan, na muntik ng ikawala niya nang balanse. Napakapit siya sa sink at tumingin sa salamin. Muli na namang nakita niya ang marka, na hindi niya alam kung paano nangyari at nakuha iyon.
Hindi na siya nakatiis, isang malakas na sigaw ang pinakawalan niya mayamaya…