CHAPTER 15

1796 Words
KAKAGISING lang noon ni Darlene nang makarinig nang pagtunog ng doorbell. Binuksan niya iyon dahil maagang umalis si Manang Esme para bisitahin ang kamag-anak nito na nasa Quezon tapos bukas ng hapon pa ang balik nito. “J-Jay,” aniya nang mapagsino ang nasa labas ng pintuan. “H-hi. For you.” May inilabas itong pumpon ng bulaklak galing sa likuran nito. “Anong ginagawa mo dito?” “Dinadalaw kayo.” “Walang may sakit sa amin kaya hindi namin kailangan ng dalaw.” “Balita ko, wala si Manang Esme.” Napaangat siya ng kilay nang marinig ang sinabi nito. “Galing naman. Tinapat mo na wala siya rito.” Natawa siya nang pagak. Kilala na niya talaga mga galawan ni Jaylord, walang pinagbago. Kunwari, aksidenteng pagpunta, ‘yon pala, scripted. Nakakahalata na siya. Akmang isasara niya nang iharang nito ang sarili. “Ang katawan mo, maipit.” “I don’t care.” Napahilot siya sa sintido niya niya. “Umalis ka na muna, Jaylord, marami akong gagawin ngayon.” “Sa sala lang ako, with Darryl.” “Please, bukas, free ako. Not now.” Gagawin niya pa kasi ang payroll ng anim na tauhan niya tapos mag-send pa siya ng purchase order sa mga supplier para sa store niya. Napatitig ito sa kan’ya. “Sure?” “Yes. Ipasundo mo ako kung gusto mo. ‘Wag lang ngayon talaga. Saka, ang aga pa para mainis ako.” “Okay. Evening?” “Deal,” aniya. Umatras ito kaya mabilis na isinara niya ang pintuan at ni-lock. Napasubo tuloy siya dito. NAPAPITLAG si Darlene nang marinig ang busina sa labas. Nasa labas na nga ang sundo na tinutukoy ni Jaylord. Hindi niya alam kung saan sila mag-uusap, pero may tiwala siyang ibabalik siya sa anak pagkatapos ng kanilang pag-uusap. Tumingin siya sa salamin at hinagod ang kabuohan. Dalawang taon na mula nang magsuot siya ng mga ganitong klaseng damit, isang magarbong casual dress na kulay maroon. Sleeveless at lagpas tuhod iyon. T-shirt at tokong, o ‘di kaya jogger pants ang suot niya lagi dito kapag lumalabas. Tumingin muna siya sa orasan bago lumabas ng silid. Alas singko na ng hapon noon. “Uwi din ako kaagad, ‘Nang. Si Darryl po, huh? At ‘wag na ‘wag kang magbubukas kapag hindi mo kakilala. Tsek mo din sa butas bago buksan.” “‘Wag kang mag-alala kay Darryl kaya ko naman alagaan siya. Ayusin mo na ang gusot niyong mag-asawa, bata ang naapektuhan, hindi kayo.” “Ho?” “Aba’y nakilala ko na ang ama ni Darryl sa baba nitong nagdaan. Tapos mukhang seryoso naman na sa pagsuyo sa ‘yo. Galing daw dito kahapon, may bitbit na bulaklak. Ikaw din, maraming nagpapahaging na babae nitong nakaraan diyan. Kesyo magandang lalaki na, mayaman pa. Naku,” Napalabi siya, totoo naman. Guwapo na, mayaman pa. Ang hindi alam ng mga ito, na matanda sa kan’ya si Jaylord nang ilang taon. Hindi lang halata dito ang edad dahil sa likas na pagiging magandang lalaki nito. Tapos may nakaraan silang hindi maganda, kaya ang hirap. “Sige po.” “O siya, ingat! Okay lang kahit bukas ka na umuwi.” “‘Nang!” “Nagbibiro lang naman ako.” Napailing siya nang talikuran ito. Nakangiting kanang-kamay ni Jaylord ang sumundo sa kan’ya, si Sixto. Nagmature lang din ng kaunti gaya ng boss nito. “Magandang hapon po. Ang ganda niyo pa rin, ma’am.” “Salamat, Sixto,” aniya nang pagbuksan siya nito ng sasakyan. “Saan ba tayo?” dugtong pa niya nang makapasok ito. Nilingon siya ni Sixto. “Sa bahay niya po.” “M-may bahay siya dito?” “Sa Tagaytay po.” “Ano? Ang layo naman!” “Malapit lang po ‘yan. Hindi naman po gaanong traffic.” Pinaandar na nito ang sasakyan kapagkuwan. Wala na siyang nagawa kung hindi ituloy na lang ang pakikipagkita kay Jaylord. Gusto niya rin namang matapos na ang problema niya dito. Saka ayaw niyang sa bahay niya ito mang-istorbo. Nakaidlip siya nang nasa biyahe sila. Nagising na lang siya nang magsalita si Sixto na nakarating na sila. Tumingin siya sa labas. Napa-wow siya bigla nang makita ang magarang bahay. Ang liwanag ng paligid dahil sa ilaw. Lumingon siya kay Sixto. “K-kay Jaylord ‘yan?” “Opo. Naghihintay na po siya sa loob.” Lumabas ito mula sa driver seat at nagmadaling pinagbuksan siya. “Thank you, Sixto.” Ngumiti siya dito. Hinatid niya muna nang tanaw ang papalayong sasakyan ni Sixto bago humakbang papunta sa pintuan. Nakaramdam siya ng lamig kaya nakiskis niya ang magkabilaang braso. Dapat pala nagdala siya coat, nawala sa isip niyang Tagaytay nga pala ang sadya niya. Akmang kakatok siya nang bumukas ang pintuang gawa sa magarang kahoy. “Hi,” anito. “Come in,” yakag nito sa kan’ya. Tahimik na sumunod siya kay Jaylord. Gusto man niyang purihin ang loob ng bahay nito pero pigilan niya ang sarili. Nandito siya para mag-usap sila. Tumigil siya sa sala habang ito ay nagpatuloy. Mukhang papunta ito ng komedor. Nang mapansin nitong hindi siya sumunod ay binalingan siya nito. Sinuyod din siya nito bago nagsalita, “Kain muna tayo.” Iminuwestra nito ang kamay papuntang komedor kaya nahulaan niya. Naglakad siya palapit dito. Kukunin sana nito ang kamay niya nang iiwas niya. Nagpatiuna siya pumasok sa komedor. “Na-overdressed yata ako,” kaswal niyang sabi dito nang lingunin. “Of course not, sakto lang.” Pinaghila siya nito ng upuan kaya naupo siya doon. Pero napapitlag siya bigla nang maramdaman ang kamay ni Jaylord sa braso niya. Humagod pa kasi doon. “J-Jay,” aniya nang maramdaman ang paglapit din ng mukha nito sa leeg niya. “I missed you.” Sabay halik sa balikat niya, nakagat niya rin ang labi. “Kumain muna tayo. I’m pretty sure, gutom ka na. Right.” Hindi siya umimik. Hinintay lang niya ito hanggang sa maupo. Akmang kukunin niya bote ng wine nang unahan siya nito. “Let me.” Ngumiti ito habang nagsasalin. Kinuha niya ang kopita at inilapit sa bibig nang dahan-dahang para sumimsim. Hinayaan na lang din niya nang pagsilbihan siya nito. At wala silang imikan habang kumakain, parang pinapakiramdaman siya nito. “I’m done. Hintayin na lang kita sa sofa. Thank you sa pagkain.” Tumayo siya at iniwan na nga ito. Tapos na rin kasi ito kaya gano’n na lang ang inakto niya. Hindi naman kasi sila mag-uusap doon. Malamang, kusina ‘yon, e. Iginala niya ang paningin sa sala nang maupo doon. Narinig niya ang mga kalansing ng kobyertos maging ng pinggan habang inilalagay nito sa lababo. Nang makitang papalabas ito ng komedor ay napaayos siya nang upo. Muntik na naman niyang makalimutan, feel at home agad siya. May dala itong baso na may lamang alak nang maupo ito sa harapan niya. Sinundan niya ito nang tingin hanggang makasandal. Sinalubong niya ang titig nito mayamaya. “Ano na?” aniya. Tumingin pa siya sa relo pagkuwa’y tumingin kay Jaylord. “Kumusta ka na?” “I’m good,” walang buhay niyang sabi. “Good. Ako, hindi ako okay. Umalis kang hindi man lang ako hiningian nang paliwanag.” Natawa siya nang pagak. “Ano pa bang paliwanag ang gusto mo? Nasa video na ang lahat, Jay. Y-you r-raped m-me,” hirap niyang sambit sabay pikit. Tumayo ito at lumapit ito sa kan’ya tapos biglang lumuhod. Hinawakan nito ang mga kamay niya. “Y-yes, ako nga ang lalaking ‘yon. Pero hindi ako ang nagpalagay ng gamot sa pagkain mo nang gabing iyon! Hindi ‘yon ang pagkaing pinadala ko na… may drugs din.” Pumikit pa si Jaylord. “I’m sorry, baby…” “A-anong ibig mong sabihin?” naguguluhang tanong niya. “Your manager… He’s into you. Hindi siya gay gaya nang inaakala mo. That man is so enamored with you. Just like me. At nahuli siya ni Sixto na may inilagay sa pagkaing kinain mo. Naunahan niya ako. Siyempre, hindi ako papayag na may mangyari sa inyo dahil akin ka, Darlene. Akin ka lang. I was your first, remember? Sa bar?” Nakaawang lang ang labi niya habang nakatingin sa binata. Naalala na niya, matagal na, na ito ang unang lalaki sa buhay niya. Pero ang hindi niya tanggap, ay ang huling nangyari sa kan’ya. ‘Hindi!’ “P-pero i-inangkin mo pa rin ako habang wala ako sa katinuan, Jay.” Napahigpit ang pagkakahawak nito sa mga kamay niya kaya doon natuon ang tingin niya. Hinalikan din nito iyon. Pilit niyang binawi ang kamay pero hindi ito bumitaw. “Yeah. I’m so sorry for that. Alam ng Diyos na pinagsisihan ko ang balak ko na iyon. Pero pagsisisihan ko habangbuhay kapag hindi ko sinamantala iyon. You tried to find another man to help you out, and I can’t stand it, Darlene! Damn it! Madamot ako, gusto ko ako lang,” mariing sabi niya. “J-Jaylord,” Lumamlam naman ang mata nito kapagkuwan. “Kaya… tinuloy ko na. I know mali ako. Patawad, Darlene.” Sabay yakap nito sa bewang niya na ikinasinghap niya. Naangat niya rin ang mga braso dahil sa nagawa nito. Hindi niya alam kung i-comfort din ito o hindi. Sa totoo lang kasi, nalipasan na. Dalawang taon na ang nakakaraan kaya hindi na ganoon ka sakit sa kan’ya. Kapag naalala na lang niya. Nasabi na rin niya ito sa sarili na hindi niya alam ang gagawin oras na magkita sila dahil sa anak nila. Naging masaya siya simula nang dumating si Darryl sa buhay niya. Kaya, hindi niya p’wedeng kamuhian habang buhay si Jaylord, anak nila magsu-suffer kalaunan. “J-Jaylord, b-bitawan mo ako, please?” aniya nang nakaramdam nang pagkailang. Bumitaw naman ang binata, pero nanatili itong nakaluhod tapos nakayuko. “Hindi mo ba ako p’wedeng bigyan ng isa pang chance, baby? Para na lang kay Darryl. Nagawa ko iyon dahil sa pagmamahal ko sa ‘yo. Walang halaga ang buhay ko ngayon dahil mag-isa na lang ako. Para saan pa ang mga pagsisikap ko kung hindi kayo babalik?” “Oh, Jay! Sana kasi hindi ka nagsinungaling sa akin! Nahihirapan na natatakot ako na sumugal uli dahil baka manipulado mo naman ang buhay ko.” Napahilamos siya ng mukha pero muling nag-angat nang tingin dito. “Naiintindihan kita kung bakit mo iyon nagawa, dahil sa pagmamahal mo. Pero masakit din kasi ang maloko, at pagmukhaing tanga. Kaya ang hirap magtiwalang muli.” “I know, baby. Pangako, hindi ko na uulitin. I’ll be honest with you all the time. Pangako ‘yan.” Hinigit nitong muli ang kamay niya. “I want both of you back in my life. Gusto kong sumaya uli. Please? Baby?” Matagal siyang tumitig sa dating nobyo bago sumagot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD