CHAPTER 13

2340 Words
SIMULA nang magkaaminan sila ni Jaylord, naging mas lalong sweet ang binata sa kan’ya. Sobrang kilig at saya ang nararamdaman niya sa araw-araw habang kasama ito. Sa totoo lang, ngayon lang niya naramdaman ito. Aaminin niyang hindi siya ganito kasaya kay Blake noon. Napag-usapan na rin nila ang tungkol sa magiging anak niya, handa itong tanggapin ang bata at ibigay ang apelyidong Del Franco. Ang swerte na niya kung isipin dahil kahit hindi nito anak ang nasa sinapupunan niya, handa itong akuin. Napangiti siya nang matanaw ang nobyo na paahon ng dagat. Yes, sinagot na niya si Jaylord nang gabing iyon. Hindi na nito sinayang ang sandaling iyon, pinasagot siya nang gabing iyon. Kumaway siya kay Jaylord nang kumaway ito sa kan’ya. Palubog na ang araw noon kaya umahon na ito. Mahigit kalahating oras din ito sa dagat. Hindi siya sumama kasi hapon na nga raw, baka malamigan siya. Pero kaninang umaga magkasama naman sila sa dagat. Nandito sila ngayon sa isang pribadong villa na pag-aari nito sa Zambales. Pero ang sadya talaga nito dito ay ang business partner nito na anak ng Mayor sa bayang iyon. Bukas pa naman ang meeting nito, kaya, sinamantala nilang magkasama ngayong buong araw. After kasi nang meeting nito, balik din sila agad. Napalabi siya nang ipagpantay nito ang sarili sa kan’ya. Hinalikan siya nito sa labi nang mapusok kaya kapwa sila habol ang hininga nang matapos. Nakaupo siya noon sa sun lounger. “Pasok na tayo, pagabi na,” “Sige.” Hinigit nito ang kamay niya at masuyong hinawakan iyon. Magkahawak ang kamay na binaybay nila ang daan pabalik sa loob ng bakuran ng villa. May nakahanda na ring tuwalya kaya tinulungan niya itong tuyuin ang katawan nito bago pumasok. Napatigil siya sa pagpupunas ng dibdib nito nang mapansing titig na titig sa kan’ya ang nobyo. “What?” aniya dito. “You’re beautiful,” “Susme, Jay, hindi ka nagsasawa magsabi niyan?” Nagbaba siya nang tingin sa floral beach dress nasuot. Kita niya ang malaking umbok ng tiyan niya. ‘Yeah, bagay talaga kasi sa kan’ya ang nabiling dress.’ Napalabi siya nang kabigin nito. “J-Jay…” “I love you both,” anas nito. Yumakap siya sa leeg ng nobyo. “Ngayon pa lang, masasabi kong ang swerte ko dahil dumating ka sa buhay ko, sa amin, Jay. Late ko mang naramdaman ang pagmamahal na ito, pero ang masisiguro ko lang sa ‘yo, na seryoso at totoo ako sa nararamdaman ko. Talagang tadhana na magkahiwalay kami ni Blake dahil ikaw ang para sa akin. I love you too, Jay,” Ngumiti si Jaylord sa sinabi niya. “Thank you, baby.” Isang masuyong halik ang sinimulan ni Jaylord na humantong na naman sa kama. Hindi naman siya nito pinagod nang husto dahil napagod siya kaninang umaga sa dalampasigan. KINABUKASAN maagang nagising si Jaylord para maghanda nang almusal nila ni Darlene. Hinalikan niya ito sa noo, sa tungki ng ilong pagkuwa’y sa labi. Bahagya itong kumilos kaya dahan-dahan siyang bumaba ng kama. Mukhang pagod ito kagabi sa ginawa nila kaya hindi niya muna istorbohin. Magluluto muna siya ng almusal bago mag-ayos ng sarili para meeting niya. Mabilis na naghilamos siya at pagkatapos ay bumaba sa kusina. Nadatnan niya doon si Sixto na nagkakape. “Good morning, boss.” “Morning din.” Dumeretos siya sa coffee maker at kumuha ng kape para sa sarili. “Tumawag nga po pala si Grace, boss. Anong sasabihin ko?” anito na ikinalingon niya. “‘Wag na ‘wag mong mabanggit si Grace kapag kasama natin siya. Maliwang ba?” “Sorry, boss, hindi na mauulit. Pero ang kulit po kasi.” “Hayaan mo nga siya. Nag-usap na kami, hindi pa rin ba malinaw sa kan’ya na serbisyo lang niya ang kinailangan ko? Si Darlene ang mahal ko, alam mo ‘yan. Kaya gawan mo nang paraan para tumigil siya sa kakakulit.” “Ilalabas niya daw ang video nang usapan natin sa bahay mo po noon, boss.” “Anong video? At kailan ‘yan? Bakit hindi ko alam?” aniyang nakakunot ang noo. “Kanina ko lang din po nalaman, boss, nang i-send niya sa akin ang mismong video. N-nabanggit mo doon kasi kung sino ang ama nang dinadala ni ma’am–” “Shut up, Sixto!” biglang sigaw niya nang mahulaan ang sasabihin nito. Tumingin siya sa hambaan ng kusina, buti na lang wala pa si Darlene. “Tanong mo kung magkano ang kailangan niya, at ibigay mo. Ayoko nang umaaligid siya sa akin, lalo pa’t kakasimula pa lang namin ni Darlene.” “Yes, boss!” Kaagad na lumabas si Sixto ng kusina habang kausap si Grace. Napakuyom siya ng kamao dahil sa sinabi ni Sixto. Hindi pa panahon para malaman ng dalaga ang lahat. Hindi pa! Nagpakawala siya nang malalim na buntonghininga bago kinuha ang kape at nilagyan ng creamer. Ilang sandali lang ay naghanda na siya ng mga lulutuin para sa almusal nilang dalawa. MASUYONG naghihintay noon sa magarang kainan si Darlene kay Jaylord nang may naupo na babae sa upuang para sa nobyo niya. Napakunot ang noo niya nang mapagsino ang naupo. “What are you doing here? Ayoko sabing kausapin ka! Sisiraan mo lang sa akin si Jaylord. Alam ko na ang status ng relasyon niyo kaya tigilan mo ako, Grace,” mariin niyang sambit dito. “Paano kung sasabihin ko sa ‘yong alam ko kung sino ang ama ng dinadala mo, kakausapin mo na ako?” Natigilan siya sa narinig mula kay Grace. ‘Paano nito nalaman, e, sa Italy nangyari ang lahat?’ “Masyado ka nang desperada, Grace. Hindi bagay sa mukha mong mala anghel,” Ngumisi si Grace sabay pakita ng litrato na ikinasinghap niya. ‘God! Paano ba niya makakalimutan ang damit at lugar na ‘yon? ‘Yon ang suot niya nang mangyari ang …’ “Pag-isipan mo, Darlene Dixon. Ise-send ko sa ‘yo kung saan ako p’wedeng puntahan.” Tumayo ito at nag-iwan nang kakaibang ngisi. Naging unease siya hanggang makarating si Jaylord. Hindi mawala sa isipan niya ang litrato niya sa hotel na dating tinutuluyan noon sa Italy. Napakapa siya sa dibdib. Masakit pa rin ang nangyari sa kan’ya, pero hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Kasi kung hindi nangyari iyon, hindi niya makikilala si Jaylord. Hindi rin niya mararamdaman ang sumaya sa piling nito. Pero gusto niyang malaman kung sino ang may gawa niyon sa kan’ya. ‘Ang tanong, handa na ba siyang harapin ang totoong may gawa niyon sa kan’ya?’ “Baby, are you okay? Hindi ba masarap ang–” “No, masarap siya actually. M-may iniisip lang ako.” “Okay.” Tumitig ang nobyo sa kan’ya kapagkuwan. Hinayaan na lang siya nito dahil hinarap nito ang telepono mayamaya. Nang mapansin ni Jaylord na hindi na niya ginagalaw ang pagkain niya ay binaba nito ang telepono at hinarap siya. “Okay lang gutumin mo ang sarili mo, pero isipin mo namang may batang umaasa sa kinakain mo,” anitong may himig na inis. Napababa siya nang tingin. Muntik na niyang makalimutan. Oo nga pala, kailangan siya ng anak. Kaya nga sila nandito sa kainan dahil sa pakiusap niya sa nobyo sa kabila nang pagiging abala nito. Akmang kukunin nito ang kutsara niya nang pigilan niya. “I’m sorry, baby. Hindi na mauulit,” aniya na ikinatigil nito. “A-anong sabi mo?” tanong nitong hindi makapaniwala. “Baby, Jay.” “Oh,” anito. Kita niya rin ang mabilis na pagkapula ng pisngi nito. Tinampal din nito ang dibdib. “Naghuhuramentado ang puso ko, baby. ‘Wag mo nga akong ginugulat,” anitong nakangiti na ikinangiti niya rin. “I love you, baby,” aniya pa uli na ikinatayo nito. Lumapit ito sa kan’ya at pumuwesto sa likuran niya. “Parang gusto kong marinig ‘yan nang paungol, baby,” bulong nito na ikinainit niya. Napalunok siya nang bigla nitong pinagapang ang kamay nito sa hita niya papunta sa pagitan ng mga hita niya. “God, Jay!” anas niya. Bigla kasi nitong pinasok sa dress niya ang kamay sabay haplos sa baba niyang may saplot pa. "Relax, baby," anito sa tainga niya sa sexy na boses. Nakagat niya ang labi nang bigla nitong ipasok ang kamay sa underwear niya. Tumingin siya sa paligid dahil baka may makakita sa kanila pero walang pakialam ang mga ito. Isa pa, parang cubicle ang style ng kinaroroonan nila at hanggang sa kalahati ng katawan, kaya hindi kita sa ibaba. Maliban na lang kung may sumulpot sa harapan nila. “Ibuka mo,” utos ni Jaylord sabay tampal sa hita niya. Nabuka niya din tuloy iyon. Pigil ang ungol niya nang simulang laruin nito ang hiyas niya. “Oh, Jay,” ungol niya sa tainga nito. “Sabihin mo ang sinabi mo kanina,” utos nito sabay laro sa hiyas niya nang mabilis. “B-baby, ohhh… God, Jay.” ramdam na niya ang baba niyang sobrang basa na. “B-basang-basa na, Jay.” “Yeah, baby. Gusto mo bang dilaan ko?” bulong nito na ikinainit bigla nang pakiramdam niya. “Loko ka, baby, nasa labas tayo.” “What? May sapin naman ang mesa, a. Hindi naman ako makikita if ever,” ani ni Jaylord na ngumisi pa. “Damn!” biglang sabi niya nang pumasok nga sa ilalim ng mesa ang nobyo. Napalunok siya nang sunod-sunod nang maramdaman ang kamay nitong ibinababa ang under wear niya. “Sumandal ka, baby,” utos nito na ginawa naman niya. Napalabi siya nang maramdaman ang paghawi nito sa hita. Mayamaya lang ay naramdaman na niya ang dila nito sa kaselanan niya na ikinasinghap niya, at nagpatuloy ito hanggang sa malabasan siya. Napatakip siya ng mukha nang mag-init iyon. Hindi niya aakalaing gagawin nito iyon sa ganoong klase ng lugar. Hindi tuloy siya makatingin kay Jaylord nang bumalik ito sa kinauupuan nito. Nakangiting nagpunas pa ito ng bibig na ikinangiwi niya. MAAGANG nagising si Darlene kinabukasan para maglakad-lakad sa loob ng subdibisyon bilang exercise. Bihira lang siya makalabas sa umaga dahil pinagbabawalan siya ni Jaylord, kaya sa palibot ng bahay lang siya nito naglalakad-lakad. At kapag wala ang nobyo, nagpapasama siya sa nagbabantay sa kan’ya. Nang mapagod sa paglilibot ay iginiya niya ang sarili pabalik ng bahay. Pero nagulat siya nang madatnan si Grace sa may gate. “Ano bang kailangan mo, Grace?” “Si Jaylord, Darlene.” Natawa siya nang pagak. “Okay ka lang? Anong akala mo kay Jay, parang gamit na p’wedeng hiraman?” “Okay, fine, kung ayaw mo. Minsan na niya akong naibahay kaya hindi malayong babalik siya sa piling ko. Anyway, may sinend ako sa ‘yo. Alam kong wala diyan si Jay dahil nagpaalam sa akin.” ‘Yon lang at tinalikuran na siya nito. Sumakay ito ng taxi kapagkuwan. Hinatid niya ng tanaw ito na nakakunot ang noo. Paano nito nalaman na wala si Jay, e, biglaan ang naging lakad nito kanina? Siya at si Sixto lang ang nandoon kanina nang makatanggap ito nang tawag. May kailangang ayusin ito sa labas ng bansa. At aabutin pa ng isang linggo ang itatagal nito doon. Napabuntonghininga siya nang maalala ang huling pag-uusap nila ni Grace. Nawala na sa isip niya ang pinakita nito. Pero may sinend na naman ito sa kan’ya ngayon na ikinakaba niya bigla. Minabuti niyang maligo muna. Saka na lang niya haharapin ang babaeng iyon. Kasalukuyan siyang nagsusuklay ng buhok nang tumunog ang telepono niya. Tiningan niya ang pangalan na naka-save, si Grace kaya hinayaan na lang niya. Napabuntonghininga siya. Napaka despereda nito. Ayaw kang niya patulan dahil sa dinadala niya. Bitbit ang telepono nang igiya niya ang sarili palabas ng silid nila ni Jaylord. Dumeretso siya sa kutsina at kumain. Hindi pa man siya tapos nang muling tumunog ang telepono niya. Dapat Decline button ang pipindutin niya, pero aksidenteng napindot niya ang Answer sa sobrang likot ng kamay niya. Naiinis na kasi siya nang mga sandaling iyon. Hindi na niya narinig ang sinabi nito dahil kaagad na pinatay niya ang tawag. Binuksan na lang niya ang mensahe nito para i-text. Pero natigilan siya nang mabasa ang text nito. Kasama raw nito si Jaylord? ‘Impossible!’ Nagpakawala muna siya nang buntonghininga bago binuksan ang huling pinadala nitong link na kasama nito kuno si Jaylord. Napasapo siya ng labi nang makita nga ang dalawa. Si Grace na kaparehas ang suot kanina habang si Jaylord na nakatapis. ‘‘Yong totoo, nagsisinungaling ba sa kan’ya si Jaylord? Na sinabi lang nito na wala na ito at si Grace?’ Wala sa sariling pinindot niya rin ang naunang link na sinabi nito kanina. Kahit na kabado siya, pinindot niya pa rin ang button para mag-play. Pero bigla niyang nabitawan ang cellphone nang marinig ang ungol ng babae. Hindi lang iyon, pamilyar sa kan’ya ang boses kaya muli niyang pinanood iyon. ‘Iyon ang footage nang araw na iyon!’ “God,” aniya nang makilala ang mukha ng babae. ‘Walang iba kung hindi siya! Siya ang nasa video na sarap-sarap habang inaangkin ng lalaki! Kaya paano niya masasabing rape ang nangyari? Nagustuhan niya!’ Talagang boses niya rin ang nangibabaw doon habang kita naman ang mukha. Bahagyang nanginig pa ang kamay niya nang i-adjust ang speed pero natigilan siya nang makilala ang lalaking tumayo. Inilang ulit pa niyang panoorin ang scene na iyon. At iisang mukha lang talaga sila. ‘Walang iba kung hindi si Jaylord! Si Jaylord ang humalay sa kan’ya!’ Doon na parang tumigil ang mundo niya. Nabitawan niya ang telepono at nahulog ito sa sahig. Namalayan na lang din niya ang sariling naglalagay ng mga damit sa kan’yang maleta. Pakiramdam niya kasi, nasasakal siya sa isiping nasa bahay siya ng taong naging dahilan ng lahat kung bakit naging ganito ang buhay niya. Tanggap na niya noong una ang sinapit niya dahil kay Jaylord. Binigyang kulay nito ang mundo niya, pero hindi niya akalain na ganito pala ang pakiramdam at reaksyon niya oras na malaman ang lahat. Nasusuka siya na ewan. Pakiramdam niya, para siyang pinaglaruan lang ni Jaylord…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD