Chapter 5

2374 Words
Si Tol Ang Lover Ko AiTenshi Chapter 5 Hindi naman mahina ang pandinig ko, alam ko ang sinabi nya. “Namimiss daw nya ako”. Pero hindi ko naman ito binigyan ng pansin. Nag patay malisya nalang  ako habang inaalalayan siya papasok ng bahay. Alam kong naka inom siya kayat marahil ay hindi nya alam kung ano ang kanyang sinasabi. Pag katapos ay pinag palit ko siya ng damit na mas komportableng isuot, kitang kita ko pa rin ang kanyang mapulang mukha at namumungay na mata dahil sa labis na kalasingan. "Alam ba ng mga magulang mo na nandito ka?" ang tanong ko habang pinag titimpla siya ng kape. Umiling lamang siya "Hindi tol, wala naman paki alam sakin yung mga yun eh." sagot niya may halong lungkot. "Eh ang girl friend mo? Baka mag tampo na iyon sayo dahil palagi kang wala at hindi mo na siya nakakasama?" ang tanong ko ulit. "Hindi tol, ayos lang iyon." ang sagot nya. "Pero maniwala ka sakin tol, namimiss kita." ang sabi nya habang naka tingin sa akin."Tado! Tara na sa taas para makapag  pahinga kana. Lasing ka lang." ang tugon ko. "Hindi ako lasingl. Okay na okay ako." ang tugon niya. "Weh, groggy ka nga e. Tigilan mo nga ako Santos, halos di kana nga makadilat ng maayos oh." ang sabi ko naman sabay gusot sa kanyang buhok. Habang inaalalayan ko siya paakyat ay sumuka ito at nasukahan nya ang damit ko, kumalat din ito sa sahig at sa kanyang katawan. "Hindi ka nga lasing." sarcastic kong tugon. "Aww sorry tol."ang sabi nya habang gumagapang palayo.. "Okay lang, lasing ka e, talagang may kasama matinding suka." tugon ko namam at agad ko siyang iniupo sa sala upang maka pag pahinga. Tinungo ko ang kusina at kumuha ako ng gamit upang malinis ko ang kanyang suka sa sahig. Pagkatapos ay kumuha ako ng damit sa aking cabinet para maipahiram kay Arvin. Ngunit pag dating ko sa loob ay tulog na pala ito. kaya kumuha nalang muna ako ng maligamgam na tubig para punasan ang kanyang katawan at para linisin na rin ito. Hindi ko alam kung paano mag sisimula sa aking gagawin. May halong panginginiig ng kamay habang inaalis ko ang kanyang saplot sa katawan. Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng ganito. Parang mainit sa pakiramdam at may kung anong dumadaloy sa aking katawan. Una kong inalis ang kanya t-shirt dahil madumi ito, inalis ko ang mga butones ng kanyang damit. Ilang sandali pa ay tumambad sa akin ang kanyang makinis at maputing katawan. Sinunod kong alisin ang kanyang sapatos at medjas. Mabango ang mga ito at halos hindi amoy pawis. Alaga siguro ang taong ito sa foot spa. Isa nalang ang hindi ko pa naalis, at iyon ang kanyang pantalon.. napansin ko ng basa ito dahil sa kanyang suka kayat nag patay malisya ako. Agad kong hinatak ang kanyang suot na pantalon pababa sa kanyang mga paa. Tumambad sa akin ang kanyang kulay puting brief nya at ang bukol nya na halos buhay na at naninigas na ito. Napalunok ako sa aking nakita. Parang may kakaibang kiliti na dumaloy sa aking pag katao. Siguro ay humanga lang ako sa ganda ng kanyang katawan. Ngayon ay isang maliit na saplot nalang aking aalsin upang malinis ko ang kanyang katawan. Nag sign of the cross ako. "lord please!!! Wag mo pabayaan” ang sabi ko. Kayat lumapit ako sa kanyang harapan at hinawakan ko ang garter ng kanyang brief.. hinitak ko ito pababa. Tumabad sa akin ang kanyang pag kalalaki. Halos tumayo ito at narinig kong umuungol na siya. Agad ko naman binawi ang aking tingin sa kanya yamashita treasure, agad kong kinuha ang towel at binasa ito ng maligamgam na tubig. Pinunasan ko ang kanayang katawan, dahan dahan kong pinupunasan ang kanya mukha, pababa ng kanyang leeg at papunta na ako sa kanyang dibdib. “umm” iyon ang ungol nya na ninirinig ko habang gingawa ko ito. Bumababa ako sa kanyang tiyan at pababa sa kanyang ari. Hindi ko alam kung hahawakan ko ba iyon o papabayaan ko nalang. “bahala na” ang bulong ko sa sarili ko. Hinawakan ko ang kanyang pag kalalaki at pinunasan ko ito. Lalong tumindi ang kanya halinghing. “oooohhhh ummmm” iyon ang namumutawi sa kanyang mga labi. Pinunasan ko ang kanyang bulbol at gayon rin ang kanyang bayag noong maramdaman kong may tumutulong malabnaw na katas sa ulo ng kanyang mala kabuteng ari. Nag pprecum na ito dahil sa matinding kiliti. Walang malisya ang aking ginawa iyon ang pag tatanggol ko sa aking sarili. Matapos kong punasan ang buong katawan nya ay binihisan ko ito ng damit, pinahiram ko rin siya ng brief at short. Binuhat ko siya at inihiga sa aking kama. Maya maya ay nag ring ang kanyang cellphone isang private number ang tumatawag. Hindi ko ito pinansin dahil hindi ko naman ugaling sumagot ng tawag ng ibang tao. Pero makulit ito at umabot na ng limang missed calls ang nagawa nya kaya sinagot ko na ito nung nag ring ulit. “Hello” ang sabi ko, marahil ay ang kanyang  mga magulang ito na labis nag aalala sa kanya. Ngunit mali pala. Boses ng isang babae ang aking narinig "Hello, Arvin?” ang sabi ng babae sa linya. "Mam, kaibigan po nya ito, ako po si Seph. Nalasing po kasi siya kanina kayat pinatuloy ko muna ito sa bahay dahil hindi ito maka lakad ng maayos." "Ganoon ba? Pasaway talaga yan. Anyway ako si Jen ang girlfriend nya” ang sabi ng babae “Oo naikwento ka nya sa akin, gusto ko siya gisingin kaso mukhang malabo na dahil sumobra kasi ang nainom nya” "Ganoon ba? Sige ok lang huwag na, paki sabi nalang sa kanya na huwag niya kalimutan ang aming monthsary bukas. Lagi kasi kami nag cecelbrate kapag ganitong special occassion. Sige thanks. Bye” Iyon nga ang iniwan nya. Pambihira din itong si Arvin, hindi na inalala ang GF nya, mabuti nalang at understanding ang tao.hindi nito magawang magalit sa kanya. Sana ay makatagpo rin ako ng ganong Gf. Yung tipong iintindihin ako sa lahat ng oras, yung hindi ako ipag papalit. “napaka swerte mo tol” ang sabi ko kay Arvin. Hindi ko alam kung narinig ako nito pero ayos lang iyon. Tulog naman siya. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng sobrang pag kalungkot noong mga oras na iyon. Pakiramdam ko ay nag iisa nalang ako. Namimiss ko pa ang mga magulang ko. Tinungo ko ang balkonahe sa aking kwarto at naubo ako dito. Habang minamasdan ko ang magagandang tanawin at mga makukulay na ilaw sa bukirin ay hindi ko mapigilan na mapaluha. Ibayong lungkot ang aking naramdaman. Nangungulila ako sa pag mamahal, sa aking mga magulang, sa atensyon ng tao. Nag iisa lang ako. At pakiramdam ko ay lalong kumikirot ang dibdib ko. Maya maya pa ay nakita kong bumangon si Arvin at papunta ito sa aking kinauupuan. Kaya naman dali dali akong nag pahid ng luha. Alam ko na tatabi siya sa akin. Kahit na susuray suray ito ay nagawa pa rin nyang mag lakad. Sabagay kung drive nga nagawa nya diba? mag lakad pa kaya. Tumingin ako sa kanya at ngumiti, pero mahahalata mong fake ang aking ngiti "Tumawag nga pala yung girlfriend mo, monthsary nyo pala bukas at huwag mo daw kakalimutan ang date nyo." "Alam ko tol, narinig kita, kaya nga ako nagising, ummmmm, teka umiyak ka ba?" ang tanong nya "Hh?? Hindi ah.. bakit mo nasabi?" wika ko na pilit itinatago ang emosyon. "Wala lang halata kasi sa mata mo, bakit ka umiyak?" ang pag uusisa nya Ngumiti ako "Wala nga ito, medjo nalungkot lang ako bigla." tugon ko. "Nalungkot bakit naman? Halika nga dito."  sabay akbay sa akin. Nagulat ako sa ginawa nya. Parang may kung anong bumalot sa pag katao, hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng ganito pag nakakaharap ko siya. Pinabayaan ko lang siya na naka akbay sa aking. "Hndi ko alam kung bakit ka nalulungkot, siguro dahil mag isa ka lang dito sa inyo, pwede rin naman na may namimiss kang tao. Pero kahit ano pa yan tol, nandito lang ako para sayo, alam mo naman na parang.. ano na ang turing ko sayo." ang malambing na wika niya. "Huh? Parang ano?" ang pag tataka ko "Ano.. kapatid tol, kaya nga TOL diba? UTOL tayo?" sabi nya sabay bitiw ng ngiti. "hahaha oo naman, mag UTOL tayo." ang tugon ko habang naka ngiti. "Nga pala tol, ipapakilala kita sa gf ko bukas” ang sabi nya sabay ngiti rin sa akin. "Teka hindi ba nakakahiya yun? Hindi ba date nyo iyon? Baka magalit siya." "Basta, ako bahala mag tiwala ka sakin." ang tugon niya. "Sige, pero pwede rin namang hindi e. Pero ang ikaw bahala." ang sagot ko. Maya maya pa ay naramdaman ko na lalong dumikit sa akin si Arvin at isinandal nya ang kanya ulo sa aking mga balikat. Nagulat din ako. Para siyang batang nag lalambing. Alam ko ay lasing pa siya kayat hinayaan ko lang siya sa kanyang pag kakasandal. Kinuha ko ang aking cellphone at pina tugtog ko ang aking paboritong kanya. Isang OPM song. ULAP by Voyz Avenue   Sa Ulap...   Dun tayo nag simulang mangarap Sa Ulap.. Naka tingala’t gumuhit ng pangarap At nangako tayo sa isat isa Na sa habang buhay ay tayong dalawa...   Chorus Kahit malayo tayo sa isa’t isa Wag kang mag alala di mag babago Ang pag-ibig ko.. Ako’y mag hihintay sa’yong pag balik At muling mangangarap Na kasama ka.....   Sa Ulap..   Ako ngayo’y naka tingala’t nangangarap pa rin Init ng yakap mo Giliw hinahanap ko.. Nais kong maka lipad patungo sa’yo Upang mayakap ka at makapiling ka....   Chorus Kahit malayo tayo sa isa’t isa (sa isa’t isa) Wag kang mag alala di mag babago Ang pag-ibig ko.. Ako’y mag hihintay sa’yong pag balik At muling mangangarap Na kasama ka..... Na kasama ka..... "Ang ganda.." ang sabi ni Arvin habang nakikinig sa musika. "Paborito ko tong kantang ito." ang tugon ko. "Talaga ba? Hmm bakit mo naman naging paborito iyan?" ang tanong niya na may halong pag uusisa. "Hindi ko alam tol, basta may kakaibang dating sa akin ang musikang ito, alam mo kapag nalulungkot ako o nakikipag break ako sa mga kasintahan ko, tumitingala ako sa mga Ulap, maganda kasi ang kulay nito. Pakiramdam ko ay nagiging payapa ang aking puso at isip lalo’t kulay asul ang mga ito. Saka maganda ang ulap lalo na kapag may mga lantern na lumilipad sa kalangitan. Ito ang pinaka romantikong bagay na madalas na nakikita ng aking mga mata. Ang dalawang taong mag kalayo, kapag pareho silang nakatingin sa ulap ay iisang bagay lang ang nakikita nila. Parang mag kalapit na rin sila sa isa't isa." ang aking paliwanag habang naka tingala sa malawak na kalangitang puno ng bituin. "Hmmm, dahil diyan sige paborito ko na rin iyan." ang sabi nya habang iniangat ng kaunti ang kanyang ulo. Halos ilang oras din kami nag kwentuhan ni Arvin. Medjo nahimasmasan na rin siya. Sabay kaming umakyat sa kama at natulog. Naramdaman ko na naka akap siya sa akin. Pero ayos lang marahil ay giniginaw lang ito. KINABUKASAN.. Nag handa kami ni Arvin sa kanyang date. Syempre ay kasama ako. Sa totoo lang ayokong sumama dahil baka mainggit lang ako sa gagawin nilang landian sa harap ko. Pero hindi na ako nakatanggi kay Arvin. Pero bago kami umalis ay tumulong muna siya mag linis ng buong bahay. Siyempre napag kasunduan namin iyon na tutulungan nya ako sa loob ng isang linggo, nag laba rin kami ng aming maduduming damit at nag handa ng makakain. Saktong alas 5 ng hapon noong umalis kami ni Arvin. Nag tungo kami sa isang resto bar sa bayan. Alas 6 pa daw kasi ang labas ng Gf nya dahil nasa campus pa ito. Pag dating namin sa bar ay kumuha kami ng pwesto. Medjo parami na rin ang tao sa bar at medjo nag uumpisa na maging maingay dito dahil pa gabi na rin. Maya maya ay pumasok ang isang babae. Maganda ito at napaka sexy. Siguro ay nasa taas na 5’6 balingkinitan ang katawan at mahaba ang buhok. Napa “wow” ako sa aking nakita. Napansin ko si Arvin na naka ngisi ito, marahil ay proud na proud siya sa kanyang Gf.  Parang isang anghel na lumalakad ang kanyang Gf. Naka suot ito ng isang fitted na white shirt at skinny jeans na lalong nag pa tingkad ng kanya kagandahan. Lumapit ito sa aming lamesa.. “hi” ang sabi nya. Nakita kong inakap nya si Arvin at hinalikan ito (nag halikan sila actually) Pinakakilala ako ni Arvin sa kanya “Ahh Jen this is Seph barkada ko, and Seph si Jen my Girlfriend” Ngumiti si Jen sa akin. "Ahh ikaw yung kausap ko kagabi. Hi nice meeting you Seph." Isang matamis na ngiti naman ang aking binigay sa kanya.  maya maya ay umorder kami na makakain. Umorder na rin ako ng beer pampakapal ng mukha dahil nag sisimula na akong ma out of place. Napapansin kong silang dalawa nalang ang nag kakaintindihan at parang hindi man lang ako nag eexist. Ibayong lungkot ang naramdam ko. "Bakit sinama pa nya ko dito? Para lang ipakita sa akin kung gaano sila ka sweet? At bakit sumama pa ako dito? Para lang mainggit?" ang bulong ko sa sarili ko na maging ako ay naguguluhan rin sa sagot. Isa, dalawang oras pa ay butas na ang bangkong kina uupuan ko, napapansin ko na magkaakap na sila at na nag hahalikan pa minsan minsan. “shiittt eto ang kinatatakot ko, na out of place na ako, hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko naiinis ba ako dahil out of place ako o naiinis ako dahil may iba pang dahilan? Sa twing makikita kong nag lalapat ang kanilang mga labi ay parang tinutusok ng karayom ang puso ko. Ganito rin ang pakiramdam ko nung iwan ako ni Anna. Ilang minuto pa ay hindi ko na nakayanan ang aking nararamdaman.. “Tol, mag cr lang ako sandali” ang pag papaalam ko. "Ohh sige tol, nandyan lang ang cr sa gawing kanan.” "Sige tol salamat." Agad kong tinungo ang banyo.. pero hindi naman talaga ko naiihi.. hindi ko alam may bumubulong sa isip ko na huwag na bumalik sa lamesa. "Ano ba seph??? Umuwi kana!! Mag mumukha ka lang tanga." ang sabi ng aking isip habang naka harap sa salamin. Kaya naman binuo ko ang aking loob. Dali dali kong nilisan ang cr at dumirecho ako sa labas ng hindi nila napapansin. Marami na kasi ang ang tao so imposibleng makita nila ako. Agad akong lumabas ng resto bar at sumakay ng Taxi sa nag pahatid ako sa aming bahay. Sa sasakyan ay hindi ko maitago ang awa ko sa sarili ko. Kasabay nito ang ibayong lungkot dulot ng pag iisa at inggit sa mga bagay na mayroon si Arvin na wala ako. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD