Chapter 6

1623 Words
Si Tol Ang Lover Ko AiTenshi Chapter 6 Dali dali akong sumakay ng Taxi upang maka takas. Habang nasa loob ako nito ay ibayong lungkot ang aking nadama. Hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako. Ewan, ito ay dahil sa matinding awa ko sa aking sarili. Lalo lamang akong nasasaktan bagamat kasalanan ko naman talaga ito. Sana di na ako sumama, ineexpect ko kasi na may surpresa rin si Arvin na kadate ko, o kaya baka nag sama rin ng kaibigan ang jowa niya. Hindi ko naman ineexpect na mag bubutas lang ako ng bangkuan na parang isang bulaklak sa pader. Tahimik.. Napatingin ako sa labas ng bintana at dito ay sumagi sa aking ala-ala ang aking nakaraan, noong iwan ako ng pinaka una kong girl friend. Siya nag first love ko. 17 years old ako nung makilala ko si Cathy, maganda ito at talaga namang hinahangaan siya ng mga kalalakihan sa aming campus dati. Noong una ay seatmate lang kami pero di lingid sa aking puso at isip na lihim akong humhanga sa kanya. itinago ko ang aking nararamdaman dahil takot ako sa rejection. Kayat noong unang tatlong buwan ay puro pag patatago lang ako. Minsan ay nag papadala ako ng sulat sa kanya naka lagay ito sa isang mabangong stationary. Iyon kasi ang uso dati. 10 pesos yata ang isang pirasong stationary at may kasama na itong sobre na kaperha ang desenyo. Halos kontento na ako sa ganung mga bagay, at sa takbo ng aming relasyong bilang mag kaibigan. Sabay din kami kumakain ng lunch at nag rerecess. Hangang dumating ang oras na hindi ko na kaya pang itago ang aking nararamdaman para sa kanya. kaya’t sumugal na ako. “bahala na” ang sabi ko sa aking sarili. Kinahapunan ay pinuntahan ko siya at kinausap ko ito. Pinag tapat ko sa kanya na mahal ko siya. Natuwa naman siya at inamin din nya sa akin na gusto rin nya ako. Wala akong mapag sidlan ng kaligayahan noong mga oras na iyon. At si Cathy ang una kong naging Girlfriend. Araw araw kaming mag kasama ni Cathy, mas lalo pa kami naging sweet sa isat isa. Masaya kami palagi at araw araw kong darasal na sana ay hindi na matapos ang kaligayahan namin dalawa. Ngunit mali pala ako. Hindi nadinig ng may kapal ang panalangin ko. Isang araw ang punta sa bahay namin si Cathy at sinabi nya sa akin na aalis na sila dahil isasaman na siya ng kanya mommy sa ibang bansa. Labis ko itong kinabigla at hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Halos para akong bingasakan ng troso sa ulo. Noong una ay hindi ko ito matanggap hangang mawalan na ako ng choice kung hindi tanggapin ang sinapit ng aking unang pag ibig. Kasama ako sa pag hatid kay Cathy sa Airport at duon ay hindi ko mapigil ang aking pag tangis. Inabot ko sa kanya ang isang papel nanduon ang aking huling sulat para sa kanya. at kalakip nito ang isang lyrics ng kanta. Ang kantang iyon ay ULAP by Voyz Avenue. Kahit na malayo na siya ay patuloy pa rin ako mangangarap na darating ang panahon na mag kikita ulit kaming dalawa. Ngunit wala sa mga pangarap na iyon ang natupad. Dahil bigo pa rin ako hanggang ngayon.. Labis akong nalungkot nun naalala ko ang aking karansan. Parehong sakit ang aking nararamdaman. Tahimik.. Napabuntong hininga na lamang ako.. "Bossing umiiyak kaba??" ang tanong ng taxi driver "Hindi po manong mayroon lang ako naalala. Kaya medyo naging emosyonal ako." sagot ko naman.  "Ganoon ba? Para kasing umiiyak ka bossing eh” ang sabi naman niya. "Kaya ako umiiyak manong kasi ihing ihi na ko. Ang bagal mo. Gusto mo bang ihian ko itong taxi mo?" ang tugon ko dahilan para matawa siya. "Haha wag boss. Pwedeng tamuran pero bawal ihian." ang sabi nya "Tamuran bakit? May nag jajakol ba dito sa taxi mo?" pang uusisa ko. "Naku madami boss, lalo na kapag gabi at mga lalaki ang naisasakay ko. Gumagawa sila ng milagro dyan sa likod. Lalo na kagabi, dalawang gym instructor nag susubuan sila. Hindi ko nalang pinapansin, ang mahala kasi sa akin ay ang kumita." ang wika niya Kanya kanyang ugaling ang tao, mayroon talagang adventurous na mahirap pigilin. Kaya manong mag iingat kayo sa isinasakay niyo dahil baka maya maya ay may masama itong motibo." "Tama ka dyan bossing, maraming salamat sa iyo." tugon niya habang naka ngiti. Ilang minuto pa ay narating ko ang bahay. Nanduon pala si tiya. Agad akong nag mano at umakap sa kanya. “Seph tumawag ang mama  at papa mo. Sa makalawa na daw ang uwi nila kaya mag ayos ayos ka daw dito sa bahay” ang sabi ni tiya Ngunit tango lamang ang aking isinukli at umakyat na ako sa aking kwarto. Binagsak ko ang aking katawan sa kama ko at hinawakan ko ang aking cellphone. Nakita kong mag 7 mensahe ito FROM ARVIN SANTOS “tol san kana?” “tol?” “tol bakit hindi kana bumalik?” “hayyysss iniwan mo naman ako dito :<” “tol im sorry, may nagawa ba kong mali?” “ui Seph” “mag reply ka naman oh” Matapos ko itong mabasa ay nag txt ako sa kanya. “naka uwi na ko tol, ingat ka na lang” At tumatawag siya. Pero hindi ko na ito sinagot, kayat pinindot ko ang silent button at agad akong pumikit para makapag pahinga na. “bahala na siya. Masaya naman siya kanina” ang sabi ko sa aking sarili. KINABUKASAN.. Halos tanghali na akong nagising nakita ko si tiya sa sala at naka upo ito. Tinanong ko kung kumain na siya at “oo” lang ang sinagot nya. Tinungo ko ang agad ang kusina para mag toothbrush. “Goodmorning” ang bati sakin ng isang lalaking naka talikod, naka suot ito ng apron at nag pprito ng itlog. “huh?” ang aking reaksyon. “surprise!!” ang sabi niya Si Arvin pala ito, “nagulat kaba? Kanina pa ko dito. Close na nga kami ni tita oh. Sinabi ko sa kanya na wag kana gisingin kaya kami na ang handa ng almusalan. Diba tita?” “oo hehehehe, mabait pala itong kaibigan mo, bukod sa bibo ay magalang pa” ang sabi ni tiya Maya maya pa ay pina upo na ako ni Arvin at nag hain na siya ng pag kain. Hindi pa rin ako makapaniwala na tinutupad pa rin nya ang napagkasunduan naming set up na tutulong siya sa aking kapalit ng hindi ko ipapa alam sa mga magulang nya ang nagawa nyang pag kakasagasa sa akin sa motor nya. Habang kumakain kami ay wala itong kibo at parang malalim ang iniisip. Ako rin nama ay ganoon din dahil sa ginawa kong pag alis kagabi ng walang paalam. “tol? Bakit ka umalis kagabi?” ang pag basag nya sa katahimikan “aahh sorry tol, may emergency kasi” ang sabi ko “bakit hindi mo sa akin sinabi? Bakit di ka nag paalam at umalis ka nalang bigla? Hindi mo ba alam na mag damag kitang hinintay duon sa bar? Ayokong umuwi dahil baka bumalika” ang sabi nya “para naman akong binusalan sa bibig, hindi agad ako naka kibo. Alangan naman sabihin ko na naiinis ako sa lampungan nilang mag shota sa harap ko.” Ang sabi ko sa sarili. “sorry tol” yung lang ang isinagot ko. “ayos lang iyon tol. Hindi ko naman magawang magalit sa utol ko.. Nga pala Seph, mamaya ay mag kikita kami ni Jen. May sasabihin daw siyang importante kaya kung pwede ay halfday muna ako, heheh” ang sabi nya “hehehe oo naman. Ikaw naman kahit hindi kana mag paalam sakin. Ikaw talaga.” Ang sabi ko naman. Pero parang may naramdaman nanaman kakaiba sa aking dib dib parang may bagay na gustong kumawala sa loob ko. Hayyy ang hirap mga kapatid. Alas 1 ng hapon ng mag pasyang umalis si Arvin, nakasakay ulit siya sa kanyang motor. Ako naman ay nag handa dahil may pasok ako sa campus. Agad akong naligo at nag palit ng uniporme ko sa civil engineering. Pinipilit kong iwaksi sa aking isipan ang aking nararamdaman. Nung marating ko ang campus ay agad akong nag report sa aming professor. Dating gawi pa rin, uupo sa classroom at makikinig sa prof at pag tapos ay mag eexam kami. Paborito kong subject ang math kaya’t hindi ako naboboring sa subject na ito, kabaligtaran naman iyon sa aking mga kaklase. Isa na rito ang aking classmate na si Lito, gwapo siya at boy next door ang dating, maraming mga studyante nag humahanga sa kanya, pero kung ano ang kina gwapo nya ay iyon naman ang kinatamad nyang mag aral. Halos naging best buddy na kami sa loob ng 2 taon ng pangongopya nya sa akin. Hahaha. Pero gayon pa man ay isa syang tapat at maalalahaning kaibigan. "Tol" ang tawag ni Lito, "may gagawin kaba?" "Hmmm uuwi na? Bakit?” ang tanong ko "Wag kana muna umuwi tara nalang muna sa kabilang bayan, may bago daw bukas na shop doon." pag yaya nito habang naka ngiti. Nag isip ako sandali ng biglang mag ring ang cp ko, tumatawag si Arvin. "Hello?" ang bungad ko. "Hello? Ito po ba si Seph?" ang sabi ng isang babae sa kabilnag linya “opo, sino po sila?” ang tanong ko "Seph, kaibigan kaba ni Arvin Santos? Ikaw kasi ang nasa inbox nya kaya sayo kami tumawag, nais ko po ipag bigay alam na naaksidente po si Arvin, na out of balance po siya sa motor na sinasakyan nya.” ang sabi ng babae "Out of balance? Motor? Aksidente?" Iyon ang mga salitang tumatak sa aking isip, para akong naubusan ng dugo sa aking narinig. "Miss nasaan siya ngayon?" ang tanong ko na hindi halos maiwasang mataranta. "Sir naka confine po siya sa NorthWood Hospital” ang sabi ng babae. "Pre, okay ka lang ba? Parang namumutla ka kasi." tanong ni Lito sa akin. "Tol, pwede bang ihatid mo ko sa northwood hospital? Naaksidente kasi yung kaibagan ko kailangan nya ng tulong, sige na please." ang pakiusap ko. Hindi naman tumanggi si Lito at agad kaming tumulak papunta sa ospital kung saan nanduon si Arvin. "Diyos ko po. Sana ay wag nyo siya pabayaan. Nakikiusap po ako." ang sabi ko sa aking sarili habang tinatahak namin ang daan patungong ospital. Itutuloy....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD