Chapter 2

2098 Words
“SIX YEARS LATER” Sofie POV “Guy’s parating na ang Witch!” Malayo pa lang ay narinig ko na ang sigaw ng isang studyante sa mga kasamahan nito habang mga nakaupo sila sa isang bench. Nakita ko namang tumabi sa gilid ng daan ang ilan sa mga estudyante na nasasalubong ko ng mapansin nila ang pagpasok ko sa entrance ng St. Angel University ng Isabela. Sa ngayon ay second year college na ako sa kursong Business Management. Makikita sa mga mata ng ilang estudyante ang pagkadisgusto sa akin. Binansagan akong witch sa sa aming Campus dahil sa itsura ko; nakalugay ang blonde kong buhok na hanggang bewang ang haba, wala ring makapagsabi kung ano talaga ang itsura ng aking mukha. Dahil natatakpan ito ng suot kong black cap at malaking salamin sa mata na lagi kong suot. Nakasanayan ko ang laging nakatungo habang naglalakad kaya kahit isa sa mga estudyante ay walang naglalakas loob na kausapin ako. Dahil ako yung klase ng tao na wala kang maririnig na kahit isang salita, kaya weird ako sa paningin ng lahat, mas gusto ko ng katahimikan malayo sa gulo. Wala ring nakakaalam ng tunay kong pagkatao ang alam lang ng lahat ay ang aking pangalan kung sabagay wala rin naman na may gustong makilala ako. Amerikano ang aking ama ayon sa dating umampon sa akin. Pinagbasehan na lang nila ang itsura ko kaya nasabi nila na anak ako ng isang Amerikano at ang madalas na sabihin nila sa akin noon na anak ako ng isang disgrasyada, kaya para akong hayop na iniwan na lang basta sa bahay ampunan.” Nagpatuloy lang ako sa paglalakad na hindi pinapansin ang mga matang nakatitig sa akin. Kapag alam kong may lalapit sa akin ay ako na mismo ang kusang lumalayo, hangga't maaari ay umiiwas na ako sa gulo. Pagpasok ko sa aming class room halos lahat ng mata ay sa akin nakatingin hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon na tapunan sila ng tingin. Kaagad akong naupo sa aking pwesto na nasa pinakang huling likuran at nag-iisa lang ang bangko na naroon na sadyang nakalaan lang para sa akin. Dahil walang naglakas loob na tumabi sa akin, maging ang aming mga professor ay wala ring nagawa. Kahit na pilit nilang itabi ako sa mga kaklase ko o isali sa mga activity ay hindi pa rin nila ako napilit. Dahil sa tuwing kakausapin nila ako ay tila nakikipag-usap lang sila sa hangin kaya sa huli ay sila na rin ang sumuko. Nasanay na ako sa takbo ng buhay ko, bahay-eskwela lang ang laging routine ko sa araw-araw. Gusto ko rin ang mapag-isa walang ingay at walang masyadong iniisip, simple lang ang pangarap ko isang simpleng buhay na mayroong peace of mind,’ Sa lalim ng aking iniisip ay hindi ko na napansin na tapos na pala ang aming klase at ilan na lamang ang mga estudyante sa aking harapan. Inayos ko na ang aking gamit at saka tumayo upang lumabas na ng aming room. Naisipan ko munang dumaan ng restroom upang umihi, habang nasa loob ako ng isang cubicle ay narinig ko ang pagpasok ng isang grupo ng mga estudyante. Hindi ko na lamang pinansin ang mga ito at deretso kong tinungo ang pinto ngunit nagtataka ako kung bakit hindi ko mabuksan ang pintuan. “ finally nasolo ka rin namin,” ang nakangiting wika ng isang studyante na hindi ko naman kilala. Nakapamewang ito habang nakaharap sa akin, hindi ko ito pinansin at sinisikap pa ring buksan ang pintuan. “Bastos ka ah! kinakausap kita tatalikuran mo ako!?” Hinablot nito ang kanang braso ko upang iharap sa kanya, kasunod noon ay ang pagdapo ng palad nito sa aking kaliwang pisngi, bumaling ang aking mukha pakanan dahil may kalakasan din ang sampal na ibinigay nito sa akin. Tahimik lang akong humakbang paatras bago ko ito talikuran. Ngunit pagpihit ng aking katawan naramdaman ko ang dalawang kamay na mahigpit na humawak sa magkabilang braso ko. Hindi ko na pala namalayan ang paglapit ng dalawang kasama nito dahil iisa lang ang tumatakbo sa utak ko at iyon ay ang makaalis sa lugar na ito. Iniharap nila ako sa taong sumampal sa akin kanina, nakangisi nitong kinuha ang suot kong salamin gayundin ang aking sumbrero “Huwag! Ibalik mo sa akin ‘yan parang awa mo na...” Sa kauna-unahang pagkakataon ay ngayon lang nila narinig ang aking boses kaya bahagya pa silang nagulat. Maging ang babae sa aking harapan tila hindi ito makapaniwala ng makita nito ang aking mukha. Ang pagkabigla sa mukha nito’y kalaunan ay napalitan ng inggit at galit iyon ang tanging nakikita ko sa kanyang mga mata maging ang apat na kasamahan pa nito ay natigilan. “Alam mo witch, curious lang ako sa pagkatao mo saang gubat ka ba ng galing? Masyado mo rin kaming pinahirapan eh’ mabilis kang magtago...” Nakangisi ito sa akin habang nagsasalita maging ang mga kasamahan nito ay tila natutuwa sa mga nangyayari. Lumapit ito sa akin at sinimulan nitong halungkatin ang aking bag gayundin ang aking bulsa. Kinuha nito ang pera mula sa aking wallet bago hinagis sa lapag ang mga gamit ko. “Siguro naman hahayaan nyo na akong makaalis, dahil nasa inyo na ang pera ko.” Ang mahinahon kong tanong sa mga ito habang nakatungo. “Simula bukas ay magbibigay ka na sa amin ng pera nagkakaintindihan ba tayo!?” Anya sa matigas na tinig. “Pero wala na akong pera, Iyan na lang ang natitira sa pera ko kaya wala na akong maibibigay sa inyo...” nang matapos kong sabihin iyon ay naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak ng dalawa sa magkabilang braso ko, kaya bahagya na akong nasasaktan. “Alam mo sa lahat ng ayaw ko ay ang nakikipag-usap sa akin ng nakatungo! at wala akong pakialam kung wala kang pera gumawa ka ng paraan para magkapera ka! dahil kung hindi ito ang mangyayari sa iyo.” Nakita ko ang pag senyas nito sa kan’yang mga kasamahan. Naramdaman ko ang mahigpit na paghawak sa aking buhok at ang paghila nito kaya bhagya akong napatingala at napangiwi dahil sa sumasakit na ang aking anit. Kasunod noon ay isang suntok ang tumama sa aking sikmura kaya bumagsak ako sa sahig habang namimilipit sa sakit. Hinablot ng isa sa mga ito ang aking buhok kaya umangat ang aking mukha mula sa pagkakadapa. “Siguro naman nagkakaintindihan na tayo!?” Ang sabi nito sa akin ngunit ng wala itong marinig na sagot mula sa akin ay lalo itong nagalit. Naramdaman ko na lang ang biglang pagsipa sa aking likod na siyang ikinaigik ko. “Swerte mo ilang buwan na lang kami dito at gagraduate na kami kaya ilang buwan ka lang maghihirap sa mga kamay ko.” Ang nakangisi nitong wika, nakita ko ng tapakan nito ang aking salamin. “Huwag! Parang awa mo na ibalik mo sa akin ‘yan... “ Ang pagsusumamo ko sa kanila, sinikap kong tumayo upang makuha ang aking eyeglasses. Tila natuwa pa ang mga ito sa pagmamakaawa ko sa kanila dahil pawang mga nakangisi ang mga ito habang pinapanood akong gumagapang at sinisikap na makatayo. “Ano bang meron sa salamin na’to?” Ang tanong ng isa sa kanila saka kinuha sa kasamahan nito ang aking salamin sa mata at tinapon ‘yon sa basurahan. Nanlulumo akong nakatingin sa basurahan, sinikap ko pa ring magpakatatag at huwag umiyak sa kanilang harapan ngunit hindi ko na paghandaan ang sipa mula sa aking likuran. Natumba ako at tumama ang aking katawan sa lababo. Halos maiyak ako sa sakit, itinukod ko ang dalawa kong kamay sa lababo at doon kumuha ng lakas upang makatayo. Ngunit sa pag-angat ko ng aking ulo ay hindi ko inaasahan ang bumungad sa aking harapan nanlalaki ang aking mga mata habang nakatitig sa kan’ya na siyang ikinatulala ko. Dahan-dahan akong tumayo na tila walang sakit na iniinda, inilibot ko ang aking paningin sa paligid saka walang pakialam na humakbang patungo sa pintuan na hindi pinapansin ang mga taong nakamasid sa akin. May pagtataka sa mukha ng limang estudyante dahil sa kakaibang kinikilos ko tila hindi makapaniwala sa kanilang nasaksihan na pagbabago ng aking katawan. Nakakailang hakbang pa lamang ako ng may humigit sa aking braso. “At saan ka pupunta hindi pa tayo tapos!” Ang sabi ng babaeng tila leader ng grupo. Nilingon ko ito at matalim na tingin ang ipinukol ko sa kamay niya na nakahawak sa aking braso. Lumitaw ang kakaibang ngisi mula sa aking mga labi at nakita ko ng magbago ang anyo ng mukha ng babae sa aking harapan. Ang kaninang matapang na awra nito ay napalitan ng takot. Seryoso ang aking mukha habang hindi kumukurap ang aking mga mata na nakatitig sa kan’yang mukha. “Huwag mo akong tingnan ng ganyan Sofie dahil baka gusto mong lumabas dito ng lumpo!” Ang galit na sigaw nito. Halata namang pilit nilalabanan ang kan’yang takot na nararamdaman. “Hhhmm... matagal na panahon din simula ng magising ako at gusto ko ‘yang sinabi mo,” ang sabi ko dito sa malambing na tono bago ako ngumisi sa kanya. Habang dahan-dahan akong humahakbang papalapit sa kan’ya sa bawat pag-abante ko ay siya namang pag-atrass ng mga paa nito. Nabigla ang lahat ng mabilis kong hinawakan ang leeg ng babae na nasa aking harapan at dahil sa pagkagulat ng lahat ay wala ni isa sa kanila ang nakakilos. Kasunod noon ay ang malakas na paglapat ng likod nito sa pader habang nanatili sa pagkakasakal ang aking kanang kamay sa leeg nito. Makikita sa mukha nito ang pamumutla at tila nahihirapan itong huminga, bahagya kong inilapit ang aking bibig sa may tainga nito. “By the way I’m Safire and not Sofie and I’m glad to meet you honey...” ang malambing kong bulong dito na siyang ikinalaki ng mga mata nito. Kasunod noon ay ang pagsilay ng isang mapanganib na ngiti mula sa aking mga labi. Nagising naman sa pagkabigla ang apat na kasamahan nito na nakatayo sa aking likuran ng mapansin nila na nahihirapan na ang kanilang kaibigan. Pilit nilalabanan ng mga ito ang takot na nararamdaman at sabay silang sumugod sa akin. Hindi pa man nakakalapit ay hinila ko ang babaeng hawak ko sa leeg at saka inihagis ito sa kanila na siyang ikina tumba nilang lahat. Halos magtika-tika ang babae na hinihingal at pilit hinahabol ang kan’yang hininga. Natigilan ang lahat ng makita nila ang paghakbang ko patungo sa kanilang direksyon, kita sa mukha nilang lahat ang pagkataranta at halos pigil na nila ang kanilang mga hininga ng huminto ako sa kanilang harapan. Kaagad kong hinaklit ang buhok ng isa sa mga ito bago hinila patungo sa lababo, halos magwala sa sakit ang babae at umiiyak ito habang nagmamakaawa sa akin. “Parang awa mo na tama na! Nakikiusap ako sayo hindi na kita guguluhin kahit kailan...” ang pakiusap nito sa akin. Ngunit sarado na ang aking isipan. Wala akong ibang naririnig kundi ang boses na bumubulong sa akin at wala rin akong awa na nararamdaman iba ang tumatakbo sa aking isipan at nasasabik na akong gawin iyon. ‘Subukan ninyong gumalaw at kayo ang uunahin ko!” Ang banta ko sa apat na studyante ng maramdaman ko ang kanilang pagkilos at ng dahil sa takot ay nanatili sa sahig ang apat na babae. Walang naglakas loob na gumalaw sa kanila habang patuloy ko paring hila-hila sa buhok ang umiiyak na babae. Hinila ko ang buhok nito pataas upang ito ay makatayo, nang nakatayo na ang babae ay nanginginig ang katawan nito sa sobrang takot. “Tumingin ka sa salamin! titigan mong mabuti ang mukhang ito!” Ang utos ko dito. Kaagad na sumunod ang babae halos mamutla siya habang nakatitig sa mga matang nanlilisik na nasa kan’yang harapan. Hindi mapigilan ni Safire ang mapangiti dahil sa takot na nakikita niya mula sa mukha ng babae. “Titigan mong mabuti ang mukha....ng taong....papatay sayo!” Bumangis ang aking mukha at ubod-lakas kong iniuntog ang mukha ng babae sa salamin. Kasabay ng pagkabasag ng salamin ay ang pagbagsak ng katawan ng babae sa sahig. Umuungol ito dahil sa sakit habang hawak ang duguan nitong mukha. Narinig ko ang sigaw ng mga kasamahan nito dahil sa labis na pagkabigla. Bumaling ako sa aking likuran at matiim na tinitigan ang apat na estudyante na halos hindi na makagalaw mula sa kanilang kinatatayuan. Hilam na sa luha ang kanilang mga mata habang nanginginig na ang mga katawan nito dahil sa sobrang pagkasindak mula sa kanilang nasaksihan. Pumikit ako at nilalasap ko ang takot na nagmumula sa kaluluwa ng apat na estudyante na nasa aking harapan.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD