Chapter 1
Die! Die! Die...” May diin ang bawat katagang paulit-ulit na lumalabas sa bibig ng trese anyos na si Sofie habang hawak ng mahigpit ang isang patalim sa kanang kamay nito Patuloy niyang sinasaksak ang walang buhay na katawan ng singkwenta anyos na lalaki.
“Nagagalak akong makita ang pulang dugo sa aking mga kamay at hindi alintana ang mga dugong tumatalsik sa aking mukha, dahil tanging poot at galit lang ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.
Saglit akong huminto at saka tumayo nang hindi binibitiwan ang patalim sa aking kamay. Inilibot ko ang aking paningin sa bawat sulok ng kwarto na aking kinaroroonan ngunit pawang kadiliman lang ang aking natatanaw.
Napako ang aking mga mata sa malaking salamin, mula sa liwanag ng buwan na tumatagos sa salaming bintana ay naaninag ko ang imahe ng isang batang babae, pinagmasdan ko ito mula ulo hanggang paa.
Tinitigan ko ang nakakaawa niyang itsura na nasa aking harapan.
Mula sa mahaba at magulong blonde nitong buhok, maging ang maputla niyang mukha na may bahid pa ng ilang talsik ng dugo, putok din ang kaliwang labi at namamaga ang kanang pisngi nito habang nanlilisik ang matingkad na brown niyang mga mata na nakatitig sa aking mukha.
Mababakas sa mukha nito ang matinding pagkasuklam niya sa akin.
“Kinamumuhian kita! ayokong makita ang mukha mo! hindi ka nababagay sa mundong ito. Dahil wala kang kwenta, isa kang mahinang klase na nilalang na hindi gugustuhin ng sinuman, nasusuklam ako sayo! Ang dapat sayo’y mamatay! Ahhhhh...” Kasabay ng isang malakas na sigaw ay ang ubod-lakas na pagbato ng patalim sa salamin na siyang naging dahilan ng pagkabasag nito.
Nagkalat ang mga bubog sa sahig at wala sa sariling humakbang ako na hindi alintana ang mga bubog na bumabaon sa aking mga paa.
Dahil manhid na ang aking katawan, wala na akong nararamdaman na anumang sakit, pagod na rin akong umiyak at magmakaawa para lang sa walang kwenta kong buhay.
“Bakit?’ Kasalanan ko ba kung isinilang ako sa mundong ito? Kasalanan ko ba kung maging ang mga magulang ko ay hindi ako gusto!? Walang may gusto sa akin maging ako ay hindi ko gusto ang aking sarili, kaya bakit kailangan kong magdusa?” Mga katanungan na labis na gumugulo sa aking isipan, napangiti ako ng mapait saka lumingon sa bangkay ng lalaki na nakahandusay sa sahig.
“Nakiusap ako sayo, patayin mo na lang ako, pero anong ginawa mo? Ipinagkait mo sa akin ang aking kalayaan maging ang aking kamatayan!” Puno ng poot ang aking tinig bahang kausap ang bangkay ng lalaki na wari mo ay nauunawaan pa ako nito. Ramdam sa tinig ko ang labis na paghihinagpis at pagsusumamo.”
Wala sa sarili si Sofie habang nakatitig dito na hindi man lang kumukurap ang kanyang mga mata habang nakikipag-usap sa bangkay na patuloy na kumakalat ang masaganang dugo ng lalaki sa sahig. Pumikit siya at huminga ng malalim dinadama ang kalayaang tinatamasa at pakiramdam niya ay isinilang siyang muli kaya bahagya siyang napangiti, ni katiting na awa at pagsisisi ay wala siyang makapa mula sa kan’yang puso.
“Isang malakas na sigaw ng babae ang pumukaw sa aking atensyon, nilingon ko ito at nakaramdam ako ng kasiyahan dahil sa takot na nakikita ko mula sa kanyang mga mata. Tila ipinako sa kinatatayuan niya ang babae habang nanlalaki ang mga mata nitong nakatitig sa akin. Hindi makapaniwala ang babae sa mga nasaksihan mula sa bangkay na nasa kanyang harapan at ang masaklap na sinapit nito sa aking mga kamay.” Humarap ang inosenteng mukha ni Sofie sa babae na kung titingnan mo mula sa maamong mukha ng bata, kahit na sino ay hindi maniniwala na magagawa nito ang pumatay.
Habang nakatitig siya sa mukha ng babae ay lumitaw ang isang nakakakilabot na ngiti mula sa kanyang mga labi na siyang ikinasindak ng babae. Dahil sa matinding takot ay halos manginig ang buong katawan nito habang dahan-dahan itong humahakbang paatras. Nang matauhan ay mabilis itong tumakbo palayo na kulang na lang ay madapa dahil sa labis na pagkataranta.
Kasalukuyang nasa pangangalaga na ng social worker ang batang si Sofie dahil wala na siyang pamilya. Lumaki siya sa isang bahay ampunan sapagkat doon siya iniwan ng kan’yang ina at kailanman ay hindi na muling binalikan pa, kaya itinuturing na niya ang sarili na isang ulilang lubos at ang taong napatay niya ang siyang umampon sa kan’ya mula sa bahay ampunan.
Dahil sa minor pa si Sofie ay hindi ito nakulong, lalo na ng matuklasan na ang bata ay biktima ng pang-aabuso base na rin sa mga pasa at sugat nito sa buong katawan.
“Naramdaman ko ang paglapit ng isang babae sa aking tabi na sinisikap na makuha ang aking atensyon.
“Sofie, huwag kang matakot nandito ako para tulungan ka,” anya sa malumanay na tinig, kasunod noon ay ang pagdantay ng palad nito sa aking likod ngunit agad kong tinabig ang kamay nito.
“Huwag! huwag mo akong hahawakan... lumayo ka sa akin!” nanginginig ang aking katawan dahil sa matinding takot. Wala akong maalala sa mga nangyari at labis akong naguguluhan, nagising na lang ako na nasa isang kwarto at natatakot ako na baka saktan din nila ako. Nagsimula na namang pumatak ang aking mga luha habang yakap ang sarili.
“Tahan na sofie, huwag kang mag-alala walang mananakit sayo dito.” Ang sabi ng babaeng nakasuot ng mahabang puting damit nasa tabi ko ito na pilit akong pinapakalma.
Ngunit lumayo ako mula sa kan’ya at hinawi ang buhok ko papunta sa aking mukha upang maikubli ito. Dahil bigla kong naalala ang galit na boses na madalas kong marinig.
Nagagalit siya sa akin at ayaw niyang makita ang mukha ko, at nagbanta din siya na papatayin ang lahat ng tao sa aking paligid sapagkat hindi niya matanggap na isa akong mahina at walang kakayahan na maipagtanggol ang sarili.
“Hindi niya dapat makita ang mukhang ito parang awa nyo na po, tulungan mo akong itago ang mukhang ito kung hindi lahat kayo ay mapapahamak.” Ang nahihintakutan kong pakiusap sa babae, halata ang labis na pagkabalisa ng aking katawan..
Nahagip ng aking paningin ang mata ng babae at masasalamin ang matinding awa niya para sa akin.
“Napakabata mo pa para danasin ang ganitong klaseng buhay.” Ang malungkot nitong wika, kasabay ang pagpatak ng mga luha mula sa kanyang mga mata. Dahil sa awa para sa batang si Sofie ay naging determinado ang doctor na tulungan itong gumaling at makabangong muli. Iniwan muna nito saglit ang kan’yang pasyente at nakipag-usap sa mga taga social worker para akuin ang custody ng bata.
“Lumipas ang ilang buwan ay nanatili lang ako sa loob ng aking kwarto tahimik lang ako sa isang tabi habang nakatingin sa labas ng bintana. Tinatanaw ko ang magandang tanawin mula sa labas, Kailanman ay hindi ako lumalabas ng kwarto o nakikipag-usap kahit na kanino.
Naging stable naman ang kalagayan ko dahil unti-unting nawawala ang takot sa aking puso at tuluyan na ring naghilom ang mga sugat at pasa sa aking katawan.
Ngunit nanatili paring sariwa sa aking isipan ang lahat ng hirap na aking pinagdaanan sa kamay ng taong nang-abuso sa akin.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin pinahihintulutan na makita ng kahit na sino ang aking mukha kaya nanatili pa rin na nakatakip ang mahaba kong buhok.
Kahit minsan ay hindi ako nagtangkang tumingin muli sa salamin, dahil ayokong makita ang galit niyang mukha at ang mga mata nitong nanlilisik. Kaya pinatanggal ko ang lahat ng salamin sa aking kwarto.
“Sofie may pasalubong ako sayo,” nilingon ko si Dr. Samantha bumungad sa akin ang nakangiti nitong mukha habang hawak ang ilang paper bag sa kanyang kamay.
Umupo ito sa aking tabi bago binuksan ang mga dala nito, inilabas niya mula sa loob ng paper bag ang isang may kalakihan na eyeglasses at isang black cap bago iniabot sa akin ang mga iyon.
“Kapag isinuot mo ito wala ng makakakilala sayo at wala ring makakakita ng iyong mukha, sige na suotin mo na,” ang nakangiti nitong wika habang iniaabot ng kanang kamay nito ang eyeglasses at cap.
Alam ko na ginagawa niya ang lahat para mapalapit sa akin at makuha ang tiwala ko, ngunit ako mismo ang naglalayo ng aking sarili mula sa kanya, mabait si Dr. Samantha nararamdaman ko na itinuturing ako nito bilang isang anak.”
Sinisikap ng ginang na mapalapit at makapasok sa sistema ng bata upang tuluyan na itong gumaling. Nakaramdam ng katuwaan ang ginang ng tanggapin ni Sofie ang mga ibinigay niya rito. Hinawi ni Sofie ang kanyang mahabang buhok na tumatakip sa mukha nito at isinuot ang black cap at eyeglasses.
“Napakaganda mong bata,” ang naibulalas ng doctor. Dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na nasilayan niya ang mukha ni Sofie ngunit saglit lang iyon dahil muling natakpan ang mukha nito ng isuot niya sa kanyang ulo ang sumbrerong binigay nito. Gayunpaman ay nakadama ng katuwaan ang doctor dahil sumusunod na sa kanya si Sofie.
“Sa paglipas ng mga taon ay malaki na ang pinagbago ng aking sarili, dahil sumailalim ako sa isang Psychotherapy at naging matagumpay ang bawat session na pinagdaanan ko ngunit hindi nawawala sa akin ang pagiging mahiyain at seryoso.
Ayaw ko rin ng atensyon mula sa ibang tao at dahil sa pagiging tahimik ko ay walang naglakas loob na lumapit o kausapin ako kaya kahit isa ay wala akong naging kaibigan. Wala rin naman akong pakialam dahil mas pabor pa sa akin ‘yon.
Nakikita ko rin kay Dr. Samantha ang determination niya na gumaling ako kaya alam ko na isa rin siya sa nahirapan sa mga pinagdaanan ko at malaki ang pasasalamat ko sa butihing doctor na umampon sa akin.
Sa mahabang panahon na lumipas ay tuluyan ng nabura sa isipan ng mga tao ang aksidenteng nangyari ng gabing iyon.
Ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring nakakaalam sa kung ano ang tunay na nangyari ng gabing ‘yon maski ako ay hindi ko rin alam dahil magpa sa hanggang ngayon ay wala pa rin akong maalala.
Sinikap ko na lang na mamuhay ng normal, nakapag-aral na rin ako sa School at nakakasabay sa lahat ng academic ngunit naging misteryoso ang pagkatao ko para sa lahat at tanging si Dr. Samantha lang ang tanging nakakaunawa sa akin.”