Sofie POV Kasalukuyan akong nagsusulat ng bago kong nobela at sinisikap ko itong matapos sa lalong madaling panahon. Ilang araw na rin akong hindi lumalabas ng bahay, puro itlog at cup noodles na lang ang aking kinakain. Saglit akong nahinto sa pagtipâ mula sa aking laptop ng makarinig ako ng mga ilang katok mula sa pintuan. Bigla ang pagsikdo ng dibdib ko at ibayong kabâ ang naramdaman ko dahil wala naman akong inaasahan na panauhin. Dalawa lang ang naglalaro sa aking isipan maaaring ang may-ari ng bahay o si Dr. Samantha na maaring natunton na nito ang kinaroroonan ko. Kinakabah na tumayo ako at dinampot ang salamin sa mata pati na ang sumbrero ko. Isinuot ko muna ang mga ito bago ko binuksan ang pinto. Mula sa maliit na siwang ng pinto ay sumilip lang ako upang alamin kung sino an