(Flashback memories)
“ Ahhhhh! Parang awa nyo na po!
“Tama na po...
Hilam na sa luha ang aking mga mata,
Puno ng pagsusumamo ang bawat katagang lumalabas sa aking mga labi.
Mabilis niya akong nailabas mula sa loob ng cabinet at walang pakundangan na hinagis sa ibabaw ng kama ang payat kong katawan kahit ng hihina na ay sinikap ko pa ring makatayo.
Sa mga tuhod na nangangalay ay hindi na kinaya mula sa matagal na pagkakakulong sa loob ng cabinet.
Puso ko ay puno na ng takot at pangamba,
Mata ko’y nanlalabo ng dahil sa luha.
Sa bawat hagupit sa aking likuran,
halos mangisay ako sa sobrang sakit.
“Ahhhhh! T-tama na! tama...na po... hindi ko na kaya...’ patayin mo na lang ako!
Pakiusap patayin mo na ako...”
Iyon na lang ang tangi kong pakiusap, dahil walang saysay pa kung magmamakaawa pa ako ng dahil lang sa walang kwenta kong buhay,
kung iyon lang ang paraan para matapos na ang aking paghihirap.
Isang nakakakilabot na halakhak ang aking narinig mula sa lalaki.
Habang ang mga mata nito ay nanlilisik na nakatitig sa akin wala akong awa na nakikita mula sa kan’yang mga mata, bagkos isang demonyo ang naaaninag ko sa aking harapan.
Nahagip ng aking mata ang isang kutsilyo mula sa gilid ng lamesa, kaya sinikap ko na gumapang habang abala ang demonyo sa pagtawa. Sa paghawak ko ng kutsilyo ay kasabay nito ang muling paglatay ng sinturon sa aking likod, sa lakas no’n ay tila namanhid ang buo kong katawan dahil sa sobrang sakit, napahigpit din ang hawak ko sa patalim.
Hinila niya ang aking mga paa bago pwersahang iniharap sa kan’ya ang aking katawan.
Naramdaman ko ang paglundo ng kama kasunod noon ay pagdagan nito sa aking maliit na katawan.
Sa laki ng katawan nito ay halos matabunan ang buong katawan ko.
“Bakit kita papatayin, hindi ka ba masaya sa laro natin?” Ang tanong nito sa akin habang nakangisi ito at matamang nakatitig sa aking mukha.
Kasunod noon ay isang malakas na sampal ang dumapo sa aking pisngi bumaling ang aking mukha sa kanang direksyon.
Dahil sa lakas ng sampal sa maliit kong mukha pakiramdam ko ay nangangapal at nag-iinit na ang aking pisngi.
Sa araw-araw na tinatamasa ang sakit mula sa kan’yang palad tila manhid na ang aking pakiramdam.
Nakatuon ang aking paningin mula sa salamin, pinagmamasdan ko ang mukhang nakatitig sa akin, nanlilisik ang mga mata nito, masasalamin ang matinding galit mula roon, kasunod ng pagsilay ng isang ngiti sa duguan nitong labi umangat ang maliit nitong kamay na may hawak na patalim.
“ Tara’ laro tayo?” Ang nanulas sa munting labi ng maliit na nilalang mula sa ilalim ng katawan ng isang lalaki, bahagyang natigilan ang lalaki at tumitig sa mukha ng batang babae, hindi nito inaasahan ang pagbaon ng patalim mula sa kan’yang likod na siyang ikinasigaw ng lalaki...”
( end of flashback)
“Natigilan ang lalaking lapastangan na nasa ibabaw ng aking katawan. Nagtaas ito ng mukha at tumitig ito sa akin. Marahil nagtataka ito sa pananahimik ko at ni isang pagtutol mula sa akin ay wala na itong narinig. Habang ang aking mga mata ay hindi kumukurap mula sa pagkakatitig sa patalim na nasa aking harapan.
Nagulat ito sa naging pagkilos ko ng malambing kong haplusin ang katawan niya na siyang ikinatuwa naman nito, kaya sabik na ipinagpatuloy ng lalaki ang ginagawang kahayupan sa aking katawan.
Sinimulang kalasin ng lalaki ang kan’yang sinturon at may pagmamadali sa bawat kilos nito habang hindi inaalis ang patalim sa aking mukha. Pinagapang ko ang aking mainit na palad sa braso nito na umabot hanggang sa patalim na hawak nito.
Bago ko pinaglandas ang aking hintuturo patungo sa pinakang dulo ng patalim, saka ko idiniin ang dulo ng aking hintuturo sa matulis na bahagi nito na siyang ikinasugat ng aking daliri, hanggang sa pumatak ang sarili kong dugo sa aking mukha.
Wala man lang akong sakit na naramdaman bagkus ay isang ungol pa ang nanulas sa aking bibig na siyang ikinatuwa lalo ng lalaki. kasunod noon ay ang pasilay ng isang nakakakilabot na ngiti mula sa aking mga labi.
“laro tayo?” Ang malambing kong tanong sa lalaki na siyang ikinatigil ng kamay nito na ipapasok na sana sa loob ng aking pantalon.
Sa isang iglap ay naibaon ko ang patalim sa katawan nito habang hawak naming dalawa ang patalim. Tatlong magkasunod na saksak ang ginawa ko rito, bago ko hinawi ang katawan nito mula sa aking ibabaw. Bumagsak ito sa aking gilid habang naghihingalo, tumayo ako at nakangiting hinarap ang dalawang kasama nito.”
Dahil sa kadiliman na bumabalot sa buong paligid, walang ideya ang dalawang lalaki sa mga nangyayari. Mula sa mga ungol na kanilang narinig ang dalawang lalaki ay lalong sumisiklab ang pagnanais na maangkin din ang katawan ng dalaga. Tanging pagnanasa lang ang maaaninag sa kanilang mga mata, kaya hindi na nakapagpigil ang isa sa kanila humakbang ito mula sa kinaroroonan ng dalaga, ngunit hindi nito inaasahan ang kamay na mahigpit na sumakal sa kanyang leeg kasunod ang isang saksak sa kan’yang katawan.
“You are going to die! die! die...” Sa bawat salita na lumalabas sa kan’yang mga bibig ay siya ring pagtarak nang patalim sa katawan ng lalaki. Halos walang boses na lumalabas sa bibig nito dahil sa mahigpit na pagkakasakal ng dalaga sa leeg nito.
“Pare’ bakit ang tagal nyo!?” Ang tanong ng lalaki at ng walang matanggap na sagot mula sa dalawang kasamahan ay tila nakakaramdam na siya ng kaba at nagulat siya sa biglang pagsulpot ng babae sa kan’yang harapan. Nakakakilabot ang itsura nito habang nanlilisik ang mga mata nito na nakatitig sa kan’ya na hindi man lang kumukurap.
Puno ng dugo ang mga kamay nito maging ang katawan ng dalaga, kaya binalot ng takot ang buong pagkatao ng lalaki at kaagad itong kumilos upang tumakbo palayo.
Ngunit nakakaisang hakbang palang siya ng maramdaman niya ang pagbaon ng isang patalim sa kan’yang binti kaya padapa itong bumagsak sa lupa.
Dahan-dahang humakbang palapit ang dalaga sa nakadapang lalaki bago binunot ang patalim na nakatarak sa binti nito.
“Hmmmm..’ bakit ka aalis ayaw mo bang makipaglaro sa akin?” Ang tila nagtatampong bulong ng dalaga sa tainga ng lalaki.
“Isa kang demonyo!” Ang galit na sigaw ng lalaki sa mukha ni Safire na siyang ikinagalit ng dalaga.
“Oh? hindi mo pa pala ako kilala..”Tanging daing na lang ang naisagot ng lalaki ng ibaon ng dalaga ang patalim sa dibdib nito.
“Safire....’ at ikinagagalak ko kayong makilala..”
Ang nakangiti nitong bulong bago iniwan ang naghihingalong lalaki habang sumisirit ang masaganang dugo nito sa dibdib.
“Tinahak ko ang madilim na eskinita at tinungo ang daan patungo sa aking bahay, kaunti na lang ang mga taong naglalakad at walang nakakapansin sa akin, dahil may kadiliman ang lugar na aking kinaroroonan.
Nang makarating sa aking apartment ay kaagad akong naligo, habang suot pa rin ang aking damit na sinira ng lalaki kanina.
Pagkatapos maligo ay basta ko na lang iniwan ang mga basang damit na aking hinubad sa sahig ng banyo. Hubo’t hubad na tinungo ang lagayan ng aking mga damit at isinuot ko ang isang black tube at black jeans na pinatungan ko ng panibagong denim jacket.
Hinayaan ko lang na nakalugay ang aking basang buhok, saka isinuot ko na ang aking sumbrero. Hindi na ako nag-abala pang magsuot ng eyeglasses dahil hindi naman ako si Sofie.
Tumingin ako sa salamin at pinagmasdan ang maganda kong mukha na kahit sinong lalaki ang makakita nito ay siguradong pagnanasaan. Dinampot ko ang red lipstick at ipinahid sa aking labi bago isinuot ang black na boots na may 2 inches ang taas ng takong.
“Mahaba pa ang gabi at sisiguraduhin kong magsasaya ako buong magdamag.” anya sa aking isipan habang nakangiti na lumabas ng bahay.”
Habang naglalakad si Safire ay napansin siya ng may-ari ng bahay na nasa kan’yang tindahan.
“Mukhang may lakad ka ata’ Sofie?” Ang tanong nito sa akin.
Ngunit ni hindi ko man lang siya tinapunan ng tingin at walang pakialam na nagpatuloy sa paglalakad. Nagtaka ang matandang babae at wari mo’y ibang tao ang nasa kan’yang harapan. Pumara ako ng taxi at tahimik na sumakay.”
“Saan po tayo Ma’am?”ang tanong ng driver sa dalaga.
Wala siyang sagot na natanggap mula sa kan’yang pasahero kaya nagpatuloy na lang ito sa pagdadrive. Mga 20 minutes pa lang ang itinagal ng kanilang byahe ng parahin ng dalaga ang taxi.
Pagkaabot ng pera ay walang lingon-likod na bumaba ng sasakyan at mabilis na nakalayo ang dalaga.
“Ma’am yung sukli n’yo!” Ang sigaw ng driver, ngunit hindi man lang siya ni lingon ng dalaga. Napapakamot ang driver sa kan’yang ulo dahil nawiweirduhan siya sa kan’yang pasahero.
Nakatayo si Safire sa harap ng isang Paradiso Bar, isang sikat at mamahaling bar, napakalaki ng gusaling iyon at mapapansin mo na puro mga mayayaman ang mga pumapasok na customer.
Pagpasok ni Safire ay natuon sa kan’ya ang atensyon ng mga kalalakihan, bagamat wala na siyang suot na salamin ay hindi pa rin naman niya tinatanggal ang kan’yang sumbrero.
“Tequila,” ang tipid kong sabi sa bartender ng makarating ako sa counter at naupo sa isang bakanteng upuan.
Kaagad na inabot sa akin ang order kong alak, tahimik kong sinisimsim ang alak na nasa aking kamay at wala akong pakialam sa aking paligid. Hindi ko na pinapansin ang mga matang nakamasid sa akin, ito ang unang pagkakataon na pumasok ako sa ganitong klaseng lugar.
Minsan lang ako magkaroon ng pagkakataon na makalabas sa katawan ni Sofie at sa tuwing nararamdaman ko ang takot sa kanyang puso ay lalo akong naiinis sa kan’ya dahil nasisira ang pananahimik ko.
“Ilan na ba ang namatay sa mga kamay ko? Apat!? hindi ko naman gustong pumatay pero kung hindi ko gagawin ‘yon kami ni Sofie ang mamamatay at sa palagay ko naman ay deserve nila ‘yon dahil lahat sila ay mga demonyo.” Ang sabi ko sa aking sarili.
Dahil sa lalim ng aking iniisip ay hindi ko na namalayan na naka-apat na shot pala ako ng tequila. Maging ang pag-upo ng isang lalaki sa aking tabi ay hindi ko na rin naramdaman, matiim ang tinging ipinupukol nito sa akin habang lumalagok ng alak na inorder nito.
Hindi niya makita ang mukha ko dahil nakaharang ang aking black cap at ang mahaba kong buhok.
“Hi’ I’m Rhet..” ang pakilala nito sa akin.
Inilahad niya ang kan’yang palad sa aking harapan ngunit hindi ko na pinagkaabalahan na tapunan man lang kahit na katiting na atensyon, patuloy lang ako sa pag-inom ng alak sa aking baso.
Nagkibit-balikat lang ang lalaki sa ginawa kong pangdededma sa kanya akala ko ay titigil na ito ngunit sadyang makulit ito.
“Alone?” ang tanong nito sa akin ngunit tila nakikipag-usap lang ito sa hangin.
“Hey! are you ok?” Ang tanong nitong muli.
Nakita ko mula sa aking baso ng umangat ang kamay nito at akmang hahawakan ako nito sa likod.
“Don’t you dare to touch me if you don’t want to lose your life,” ang malamig kong sabi sa kan’ya na may halong pagbabanta, bago ko nilagok ang natitirang alak sa aking baso.
Natigil sa ere ang kamay nito at tumingin sa akin na tila hindi makapaniwala sa kan’yang narinig.
“Woah..! Grabe..’ seriously!? but still I like you..” ang nakangiti nitong wika, ngunit hindi ko na ito pinansin at tumayo ako bago tinalikuran ko na ito.
Natigilan ako ng magsimulang manginig ang aking mga kamay at tila ang alak na ininom ko ay nakadagdag pang lalo sa init na nagsisimula na namang sumibol sa aking katawan. Mukhang dito pa yata ako aatakihin ng aking sakit.
Ito ang isa sa malaking problema ko, hindi ko alam kung ano ba itong sakit na umaatake sa akin dahil nagsimula ito noong matapos kong patayin si uncle Brix ang taong umampon sa akin.
Nasisira ang concentration niya dahil sa makulit na lalaki sa kan’yang tabi kung wala lang sila sa bar na ito marahil ay kanina pa ito nawalan ng buhay.
Kaagad akong lumakad at hinanap ang restroom, naramdaman ko naman ang pagsunod ni Rhet sa akin, iyon ang pakilala niya kanina.
Mukhang wala ata itong balak na tigilan siya, kaya sa inis ko ay walang babala na humarap ako dito nagulat naman ito at hindi napaghandaan ang isang suntok na tumama sa kan’yang mukha na siyang ikinatumba nito.”