Alexander POV Kanina pa ako hindi mapakali at Wala namang tigil sa pag-lakad ng pabalik balik ang mga paa ko dito sa loob ng aking opisina. Hindi ko maipaliwanag ngunit lumakas bigla ang kabog ng aking dibdib at nakadama ako ng matinding kaba. “Sofie” ang tanging nanulas sa aking mga labi habang iniisip ko kung kumusta na kaya ito, Maayos ba ang kalagayan nito o ligtas ba ang mahal ko sa mga oras na ito? Sobra akong nag-aalala ng mga sandaling ito dahil nararamdaman ko na may hindi magandang nangyayari. Alas Siyete na ng gabi at sa mga oras na ito ay nakauwi na ang lahat ng aking empleyado kaya mag-isa na lang akong nagtatrabaho dito sinisikap ko na tapusin ang lahat ng trabaho ko sapagkat useless na rin kung uuwi pa ako dahil hindi rin naman ako makatulog ng maayos sa aking Mansion
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books