--April--
"MISS GONZAGA, pauwe ka na ba? makikisuyo lang muna ako sa penthouse ni Mr. Walsh, tumawag siya at gusto ipalinis ang room nya."
Lumingon siya kay Mr. Manansala ang head manager nila. Sumulyap muna siya kay Noah na mahimbing natutulog sa couch, sa may employees area.
Nagtatakang tumango lang siya, meron pa siyang twenty minutes bago mag out. Pambihira talaga, walang patawad ang manager nila, pauwe na nga may pahabol na utos pa talaga. Hindi talaga uso ang petiks sa manager nila.
Pero mas kinataka niya, penthouse ni Mr. Walsh? Ah--baka si Mr. Dawson Walsh. Imposibleng, andito si Noah Walsh..Huminga siya ng malalim.
Nakisuyo muna si April sa katrabaho niya na bantayan saglit ang anak nya.
Mabilis niyang tinungo ang penthouse sa taas saka kumuha ng housekeeping trolley.
Mabuti na lang at iniwan ng nakabukas ang pinto.
"Housekeeping Sir!--"
magiliw na wika niya.
Gusto lang niya ipaalam na andoon na siya. Wala naman sumagot, kaya naman pumasok na siya. Nasaan si Mr. Dawson? Baka naman wala pa ito.
Mabilis niya tinungo ang bedroom. Inalis muna ang lahat ng trashbin at pinalitan ng bago. Nagpalit na rin siya ng bedsheet.
Sa limang taon na pagiging housekeeper, master na niya ang pag-bed making pati pillow case ay pinalitan na rin nya.
Nang maiyos na niya ang kama, kumuha siya ng vacuum cleaner, kinuha nya rin ang cellphone sa bulsa at nagsuot ng headset. Nag play siya ng music. Maingay kasi ang tunog ng vacuum kaya mas mainam na magsoundtrip siya habang naglilinis.
Nag-vacuum na rin sya sa salas, nagpunas-punas ng table pati flat screen TV ay pinunasan na rin nya.
"--Yeah and you need to know
That nobody could take your place, your place...
And you need to know..
That I'm hella obsessed with your face, your face--"
kumakanta siya habang naglilinis.
Nalinis na niya ang bedroom at living room. Ang bathroom na lang ang hindi.
Tinungo niya ang bathroom, medyo nabigla siya ng may tao pala nakababad sa jacuzzi, mukhang nakatulog ata si Mr. Dawson Walsh. Nakatalikod kasi ito sa gawi nya kaya hindi nya makita ang mukha nito.
Nagkibit balikat na lang siya. Mabilis na lang siya nag refill ng mga toilet papers, small and big towels at pati bathrobe ay pinalitan din nya ng bago. Nilinis na rin nya ang toilet bowl saka nagmamadaling lumabas ng bathroom.
"--Oh, my heart hurts so good
I love you, babe, so bad, so bad, oh
Oh, my heart hurts so good
I love you, babe, so bad, so bad, oh
Oh,…"
pakanta-kanta na siya dahil tapos na siya. She sighed. Kanina pa siya uweng-uwe, sobrang nakakapagod ang trabaho niya.
Nang akma na niya hihilain ang trolley, napalingon siya sa isang bulto na nakatayo sa pinto ng bedroom.
She stunned, extremely shocked.
Noah Walsh is standing infront of her.
Why? Why he's here?
"April, is that you?"
tila nagdadalawang isip na tanong ni Noah.
Yeah, in ten years sobrang laki na ng pinagbago niya, ng itsura niya.
Ang mahabang niyang buhok ay maiksi na. Malaki rin ang ibinawas ng timbang nya, nangayayat talaga siya. Hapis na rin ang kanyang mukha. Sobrang layo na niya sa dating itsura.
Umiling siya.
Dahan-dahan itong lumapit sa kanya.
"No?--but your nameplate said so."
madilim ang mukhang tumitig si Noah sa kanya.
Oo nga pala, meron siyang nameplate na nakalagay sa uniform nya.
"--what happened to you? You look--different." saad nito.
hindi nya malaman kung may halong pag aalala ba ang boses nito o nang uuyam.
"--tapos na po ako maglinis, Sir. Aalis na po ako."
matigas nyang sabi at hinila na ang trolley palabas ng pinto.
Subalit, hindi pa sya lubusan nakalabas ng hinaklit ni Noah ang braso nya ng marahas.
Tiim ang bagang nakatitig ito sa kanya.
"You're not going anywhere--you owe me an explanation, b***h!"
Nahigit niya ang paghinga dahil sa sinabe ni Noah.
Explanation? Me, b***h?
Biglang kumulo ang dugo niya.
Malakas niyang tinabig ang kamay nito na nasa braso nya.
"--with all due respect, Sir. Aalis na po ako, dahil tapos na ang trabaho ko."
madiin nyang sabi saka tuluyan ng tinalikuran ito sabay ang pagtulak nya sa trolley.
Anong explanation ba ang sasabihin nya rito? Ayaw na niyang makita ito o makausap man lang. Ayaw na niya ng gulo, pero paano ang gagawin niya kung andito na bansa ang lalaki?
Bakit kailangan pa nilang magkita muli?
Nang makarating sa employees area, sinalubong kaagad siya ng kasamahan nya na housekeeper din.
"April--nilagnat bigla ang anak mo."
Pagkasabi nito, nagmadali siyang binuhat ang anak niya at mabilis na nag'para ng taxi. Sinugod nya agad sa hospital si Noah.
Kailangan niyang isugod agad ang anak sa hospital, delikado para sa anak niya ang lagnatin dahil may sakit ito sa puso.
Oh god! Nanginginig ang kamay niya habang kandong niya si Noah.
Ten years ago, na diagnosed siya na may stage two breast cancer though its cureable. Naging risky lang dahil natuklasan din niyang nagdadalang-tao siya. Iyon ang pinakamahirap sa lahat, ilan buwan siyang nagtiis na wag uminom ng kahit anong gamot o magpa-surgery dahil buntis sya. Sinabe rin ng doctor sa kanya na malaki ang risk na makaapekto sa baby ang pagkakaroon nya ng cancer cell sa katawan. Pero tinuloy pa rin nya ang pagbubuntis nya.
Kailangan makapanganak muna siya bago siya mag-gamutan o magpa-surgery. Noah is premature ng ilabas nya, pero nagkaroon ito ng heart failure. Kaya naman, naging suki silang dalawa sa hospital. After, niya manganak saka siya nag undergo ng surgery..pero hindi na tapos dun ang lahat, makalipas lang ang tatlong taon bumalik ang cancer nya sa kabilang dibdib nya. Hanggang sa nagpa-opera siyang muli.
Ngayon, si Noah na lang ang iniisip nya. Wala pang match heart donor ito, isang taon na lang ang binigay na taning ng doctor kay Noah.
Nang malaman nya na isang taon na lang...hindi na niya alam kung anong gagawin nya.
Pakiramdam ni April dinudukot ang puso nya sa sobrang sakit ng nararamdaman.
Kaya naman, sobrang natatakot siya pag inaapoy ng lagnat ang anak.
Nang makarating sa hospital kaagad nya dinala sa emergency room si Noah.
Inasikaso naman ito agad ng mga attending nurse at doctor. Habang siya naiiyak na nakatayo sa gilid.
"Huwag mo ko iwan, baby--huwag mo iiwan si Mama--"
mahinang usal nya sa sarili.
Mula nang dumating si Noah sa buhay niya, marami siyang natutunan sa buhay. Natuto siyang magpasalamat sa diyos, tinigil na niya ang pagduda at pagtatanong. Bagkus walang sawa siyang nagpapasalamat sa araw-araw na gumigising siya sa umaga na ang nakangiting mukha ng anak nya ang nasisilayan nya.
Alam niyang may rason ang diyos sa lahat ng bagay na nangyayare sa buhay nya.
Napansin niya ang kanyang Mama na humahangos palapit sa kanya. Nagtext kasi siya rito habang nasa byahe sila papunta hospital.
"Nasan ang apo ko? Anong nangyare kay Noah?--"
hinihingal na tanong ng mama nya.
Suminghot-singhot muna siya at nagpunas ng luha.
"Bigla siyang nilagnat, Ma--natatakot ako ma, kada nilalagnat siya kinakabahan ako ma.."
malungkot na saad nya.
Niyakap siya ng Mama niya.
"Hindi natin hawak ang buhay ni Noah, nak--tanging ang panginoon lang ang makakapagsabi, kung kailan siya kukunin sa atin"
Piniling-piling niya ang ulo saka muling umiyak.
"Ma--hindi ko kakayanin ma! pagnawala sa'kin si Noah, mamamatay din ako, mama.--"
mahigpit na yumakap siya sa Mama niya. Nanginginig sa takot ang buong katawan nya.
Sino bang magulang ang nanaisin mawalan ng anak?
Hindi niya kaya. Hindi niya kakayanin. Ang anak na lang niya ang dahilan bakit humihinga pa sya.
"April, anak--kung sakali magkaroon ng match donor si Noah--saan tayo kukuha ng pera para sa operasyon nya? Malaking halaga ang kailangan ni Noah"
Nagpakawala siya ng isang malalim na paghinga.
Aabutin ng 1.5 Million ang gagastusin sa heart transplant once na magkaroon ng match heart donor si Noah.
"Hindi ko alam, Ma. Pero--gagawin ko ang lahat. Kung kinakailangan isanla ko ang kaluluwa ko, mabuhay lang ang anak ko, gagawin ko.--"
muling nagragasa ang luha niya.
"--hindi ako papayag na mamatay si Noah, ikamamatay ko, Ma."
Lumuluha na rin ang kanyang Mama.
Hinawakan nito ng mahigpit ang dalawang kamay nya.
"Anak, gusto ko pa rin maging handa ka sa lahat ng posibilidad na mangyayare..tibayan mo ang loob mo"
"Ma--gaano kasakit sa isang Ina ang maglibing ng anak? Kasi di ko alam ma--kung kakayanin ko 'yun sakit. Kung mawawala ang anak ko, sasama ako ma. Parehas nyo kaming ililibing ma, kasi di ko kaya ma..di ko kaya ma.."
humahagulgol na sambit nya.
Gusto niyang magpakatatag para sa anak. Gusto niyang gawin ang lahat para mabuhay lang ito.
Ganoon naman talaga ang ginagawa ng isang ina. Every mother's wants the best for their child.
Iba pag naging isang ina ka na. Kaya mo isakripisyo lahat para sa anak.
Nailipat na si Noah sa children's ward ng hospital.
Nilapitan sya ng doctor ni Noah at iginiya siya sa office nito.
"Miss Gonzaga, gusto kong maging honest sayo. Lalo nanghihina ang puso ni Noah, kailangan na niya ng heart transplant."
malungkot na wika ng doctor.
Nabigla siya.
"Akala ko doc, meron pa siyang isang taon--makakapag antay pa sya na--"
umiling ang doctor.
"Hindi natin hawak ang kalagayan ng puso ni Noah--habang tumatagal lalo humihina ang puso nito--Im afraid to tell you na baka six months na lang itatagal nya--"
"No!--doc, No. Saan po kami --kukuha ng match donor niya?"
nauutal na wika nya.
Naninikip ang dibdib nya sa mga sandaling iyon. Anim na buwan? No! Oh please god! Not my baby please! Not yet please..
"As of now, wala pa talagang match donor sa kanya--let's just pray na bago mag six months ay magkaroon na"
wika ng doctor
Daig pa niya pinagsakluban ng langit.
Dasal na lang? Anim na buwan?
Milagro ba ang kailangan? Oh god!
Please god! Take my life instead..Huwag ang baby ko..
Hindi na niya napigilan ang maglupasay dahil sa matinding sakit na nararamdaman. Naramdaman na lang niya ang pagyakap ng kanya Mama sa likuran nya.
(๑•́ㅿ•̀๑)ᔆᵒʳʳᵞ
itutuloy....