#16

1625 Words
--Noah-- 10 years after.... HUMINGA SIYA ng malalim saka tumingin kay Kuya Dawnson, isa na itong dakilang babysitter ngayon. Six years ago kinasal ang kuya niya at biniyayaan na ito ng kambal na anak. Sina Axel at Alex. Masaya ang buhay mag-asawa ng kanyang kuya. He's happy for him. Ngumisi siya dahil panay ang harutan ng mga ito sa harap niya. Nakakatuwa makita ang super cute na mga pamangkin niya. Kakatapos lang ng birthday celebration ng kambal. Limang taon gulang na ang mga ito. Mayamaya ay tumayo siya upang magtungo sa veranda. Halos sampong taon na rin ang lumipas, ngayon lang siya nakabalik ng Pilipinas. Naramdaman niya ang paglapit ng kuya niya, inabutan siya nito ng beer. "Mabuti naman at naging maayos ang paghihiwalay nyo ni Everleigh. After ten years, sa wakas malaya kana--" isang nakakalokong ngisi ang sumilay sa mukha ng kuya Dawnson niya. Yeah, at last--sa loob ng maraming taon, parehas lang sila ni Everleigh naging miserable. Sa ilan taong pagsasama nila never niya natutunan mahalin ang babae, pero sinubukan niya..ang hirap nga lang. Hanggang si Everleigh mismo ang kumalas, because he's a jerk. Aminado siya, mula ng ikasal sila naging mapaglaro siya sa babae. Nahuhuli siya madalas ng kanyang Ina na may kasamang dalawa o limang babae sa isang kwarto. Kahit isang beses, hindi niya tinabihan ang babae. Walang araw o gabi na nakikipagtalo si Everleigh sa kanya. Tinakot pa siya nito na lulustayin ang lahat ng pera niya but he doesn't care. Wala siyang pakialam kahit ubusin pa nito ang pera niya. Hanggang isang araw, nahuli niyang umiiyak si Everleigh sa loob ng banyo may hawak itong pregnancy kit. Nagulat siya sa nakita. Umiiyak itong nagsabi sa kanya na buntis ito sa ibang lalaki..and she love that man. That's the time na kailangan na nilang maghiwalay upang makasama nito ang lalaking mahal ni Everleigh. Sino siya para kumontra sa kaligayahan nito? Sapat na siguro ang sampong taon para tigilan na nila ang walang kwentang pagsasama nila. Nagkibit balikat siya at tinungga ang bote ng beer. Napangiwi pa siya ng malasahan ang pait ng alak. "I miss this taste--lakas ng sipa" Dawson chuckled and smirked. "Lakas talaga sumipa ng beer na 'yan--" Natawa na rin siya sa biro ni Kuya Dawson. Pagabi na ng maisipan na niya umalis sa bahay ng kapatid. Nagpaalam na rin siya sa mga pamangkin at sa asawa ng kuya niya. Sa penthouse niya sa Walsh Hotel siya tutuloy. Habang nagmamaneho sa daan, pinagmamasdan niya ang paligid. Wala naman masyadong naiba, traffic pa rin. Paliko na siya sa daan patungo Hotel ng biglang may nasagi siyang bata na nagbibisekleta. Natumba ito sa gutter ng kalsada. Mabilis siyang bumaba. s**t! Kakarating lang niya ng Pilipinas, naka-aksidente agad siya at bata pa. "Hey--kid. Are you alright?, may masakit ba sayo? Dadalhin kita sa hospital--" nag-aalalang tanong niya sa nakayukong bata. Kaso imbes na sumagot, tinuro nito ang gulong ng sasakyan niya. Nagtatakang nilingon naman niya ang tinuturo nito. Nagulungan pala niya ang dala nito. God! "Ayos lang po ako Sir--Kaso po, importante po 'yun gamot na binili ko. Magagalit sa'kin si Mama." parang naiiyak na saad ng bata. Napasabunot siya. Huminga muna siya ng malalim. Nakakainis, naparami kasi ang inom nya kaya hindi agad napansin ang bata. "Don't cry, okay? Ahm--papalitan ko na lang 'yan lahat hmm?. Sure ka bang walang masakit sa'yo?--" nangangamba kasi siya, payat pa naman ang bata. Siguro nasa sampong taon gulang na ito base sa taas nito. "Wala pa naman po ako nararamdaman masakit." tugon ng bata. tumango-tango siya. Yeah, normally wala pa naman talaga ito mararamdaman kaso baka pag-uwe nito ay saka ito makaramdam ng pananakit ng katawan. "Okay--ganito na lang. Papalitan ko 'yun mga gamot tapos ibibigay ko sayo number ko para in case, gusto mo magpa-check up, matatawagan mo ko, ayos ba 'yun?" nakangiting wika niya sa bata. Mukhang payag naman ito. Kaya pinasakay niya muna ito sa sasakyan pati ang bike nito ay sinakay niya rin sa backseat. Tutungo sila sa drugstore. "Para kanino ba ang mga gamot?-" tanong niya sa katabi niyang bata. Tahimik lang ito nakaupo sa passenger seat. "Parehas po kami ni mama na umiinom ng gamot." "Bakit ikaw ang lumabas para bumili? Nasaan ang mama mo?" nagtataka kasi siya, gabi na para lumabas pa ito. Napaka-delikado para sa bata ang lumabas. "Nasa work po siya e'--saka po malapit lang po bahay namin dito--" wika ng bata. Huminto sila sa isang drugstore kung saan binili nito ang gamot. Malapit lang pala sa Walsh Hotel. "Dito ka bumili?--pero bakit andoon ka malapit sa highway?" "Ahm--gusto ko po kasi sana bumili ng ice cream doon po sa tawid." tila nahihiyang sambit ng bata. Napailing siya. He sighed. Paano na lang kung nabunggo ito? "Next time--wag kang lalayo, wag kang tatawid sa highway ng walang kasama. Delikado para isang bata lumabas sa gabi--" nakaramdam siya ng inis, wala bang ibang kasama ito? ayaw man niyang mag-isip ng masama pero palagay niya pabaya ang magulang nito. "Nine na po ako--saka tumakas po ako. Hindi po ako inutusan ni Mama, ako po ang nagkusang lumabas." paliwanag ng bata. "Still a kid--wag mo na lang ulitin okay?" naiiling na wika niya. Tumango naman ang bata. He smiled. Sinobrahan niya ang mga gamot na binili nya. Infairness, may kamahalan ang mga gamot. Pero sinadya na rin niyang sobrahan para naman tulong sa bata at sa ina nito. "Salamat po Sir! Wow--marami na po ito." halata sa bata ang kasiyahan. "Ang sabi ng pharmacist, good for three months lang 'yan. Para saan ba 'yan, pwede ko ba malaman?" na curious lang kasi siya. Nahiya naman kasi siyang magtanong kanina sa pharmacist. "May sakit po ako sa puso. Si Mama ko naman po, pang maintenance nya po 'yun iba gamot..para di na bumalik ang sakit nya" nakangiting wika ng bata. Bigla siyang nalungkot sa sinabe ng bata. May sakit ito sa puso, kaya naman pala payat ito at malalim ang mga mata. Idagdag pa na may sakit ang ina nito. "Ano ba sakit ng mama mo dati?--" pasakay na siya sa kotse ng huminto ang bata. "Salamat Sir, doon po ako pupunta--" sabay turo ang Walsh Hotel. Hindi na siguro narinig ng bata ang tanong niya kaya hindi nito sinagot. Kunot-noong tumingin siya sa Hotel saka muling sinulyapan ang bata. "Anong gagawin mo diyan sa hotel?" "Diyan po nagwo-work si mama ko. housekeeper po siya--pupuntahan ko po siya para sabay na po kami uuwe" "You mean, chambermaid?" Tumango-tango naman ang bata. Oh, I see--sa Walsh Hotel pala nagta-trabaho ang ina nito. "--okay, ihahatid kita diyan. Sakay kana. Kakasabi ko lang diba, delikado sa bata ang tumawid sa kalsada ng mag isa." Mabuti na lang at sumunod naman ang bata. Ilang minuto lang ay pinarada niya ang kotse sa parking lot ng hotel. Kaagad siyang nilapitan ng guard at binati. "Good evening, Sir Noah--" bati ng matandang guard. Marahan lang siya ngumiti. Muli naman nagsalita ang guard, at nagtatakang nagtanong ito. "--Oh? Noah--bakit kasama mo si Sir?--" What? medyo naguluhan siya sa sinabe ng guard. Nagtataka ito nakatingin sa batang kasama niya. Tinawag ba nito, Noah ang bata? "Hello po Kuya guard!--" nakangiwing kumaway ang bata sa guard. "Nakow!--tumakas ka na naman. Puntahan mo na mama mo, baka umiyak na naman 'yun pag hindi ka nakita..tsk pasaway ka talaga bata ka.." naiiling na wika ng guard. Nagtataka man pero nagpatuloy na lang siya sa paglakad. Pumasok na siya sa loob ng lobby ng hotel nakasunod pa rin sa kanya ang bata. "N-Noah ba ang name mo?" kapagkuwa'y tanong niya. "Opo--Noah po name ko. Bakit po?" Hindi niya napigilan ang mangiti. Akalain mo talaga, katokayo pa niya ang bata. "My name is also Noah. coincidence right?" Tila nagliwanag ang mukha ng bata. "Wow!--ang galing. Parehas tayo ng name po." "Yeah--really great. Ahm--madalas ka ba dito sa Hotel. Pag gusto mo magpacheck up, pwede mo ko tawagan, mag ask ka lang sa receptionist hmm? okay ba?" nakangiting turan niya sa bata. "Guest po pala kayo rito. Sige po--Sir Noah" natawa siya saka ginulo ang buhok nito. "No need to call me Sir, okay? Just Noah--that's enough, hmm maliwanag ba Noah?" Natawa na rin ang bata ng banggitin niya ang pangalan nito. "Sige po--pupuntahan ko na po si Mama ko. Bye po. Thank you po uli." Lakad takbo nito tinungo ang employees ward sa back area ng Hotel. Nakangiti siya habang sinusundan ito ng tingin. Nakakatuwang malaman na Noah din ang pangalan ng bata. Matapos siyang batiin ng ilan staffs, kaagad ng umakyat si Noah sa penthouse niya. Pagkarating sa penthouse niya tumawag siya sa reception para magpadala ng maglilinis sa room niya. "Okay Mr. Walsh--" sagot ng manager na nakausap niya. Iniwan niyang nakabukas ang pinto in case na dumating ang chambermaid, hindi na siya ma-aabalang pagbuksan ito. Gusto niya magbabad sa jacuzzi, medyo naninibago siya sa klima. Kanina pa siya init na init, kaya naman ng ilubog nya ang katawan sa jacuzzi ramdam na ramdam niya ang lamig ng tubig. Masarap sa pakiramdam at nakakarelax. Naulingan niya na may pumasok sa loob ng penthouse. Ang chambermaid na siguro 'yun. "H-Housekeeping sir--" sigaw ng boses babae. Hindi niya masyado marinig ang ibang sinabe ng chambermaid. Nagkibit balikat na lang siya at pinikit ang mga mata. Oh jeez--what a tiring day! Marahil dahil sa labis na pagod, idagdag pa na may jet lag pa rin siya kaya nakaramdam sya ng antok. First time in ten years--pumasok sa isipan niya ang babaeng naging dahilan kung bakit siya naging miserable.. ang babaeng matagal na niyang nilimot. Bumalik sa isipan niya ang lahat... Huminga siya ng malalim.. Tutal andito na rin siya sa bansa, might as well alamin niya kung nasaan ito. You deceived me, April.. ʕっ•ᴥ•ʔっ itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD