Sue’s pov NAPAKUNOT noo si Sue nang makitang bukas ang kanyang silid lalo pa at sigurado niyang nilock niya iyon bago siya umalis. Bumangon ang kaba sa dibdib niya. Dahan-dahan niyang pinihit ang doorknob. Nadatnan niyang nakaupo sa kama si Feonna at matamang nanonood sa tv niya. Hindi nito namalayan ang pagpasok niya, kitang-kita niyang pinapanood nito ang s*x video na nakunan niya sa silid ni Winston. Part two na ang pinapanood nito at sila ni Winston ang laman ng pinapanood nito. Agad niyang tinakbo ang tv at pinatay. Nagtama ang mata nila ni Feonna. Galit na galit ito. Hindi niya napaghandaan ang mga nangyari. Hindi pa panahon para matuklasan nito ang kanyang plano. Agad itong tumayo at sinampal siya nang paulit-ulit pero hindi niya hinayaan na magtagumpay itong sakt