Chapter 49

1127 Words

"May aaminin ako, pero huwag ka sanang magalit. Gusto kong sabihin ito sa'yo dahil ayaw ko nang maglihim. Nahihirapan akong huminga sa tuwing naiisip ko na may tinatago ako sa'yo," malalim ang tinig ni Xander na bumasag sa katahimikan na kanina pa namamayani sa pagitan nila. Hindi malaman ni Emma kung ano ang dapat niyang maramdaman. Agad na bumilis ang pintig ng kanyang puso na tila ba nakikipag-karerahan. "Emma," anang binata nang hindi kumibo si Emma. Katulad ng palagi nilang ginagawa kapag magkasama sila sa nasa sala na naman sila at magkayakap habang parehong nanonood ng kung ano-anong palabas sa telebisyon. "Sa tingin mo ba, may magbabago ba sa sitwasyon kapag sinabi mo ang tungkol sa bagay na iyon?" Pabulong na tanong ni Emma. Mariin siyang pumikit para pakalmahin ang kanya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD